Cold Cough
cover ibat ibang uri ng panggamot

Share to:

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail

Ang Iba’t-Ibang Uri na Panggamot sa Ubo at Sipon

Posted on July 24, 2017 | Author and Reviewed by: Mark Ernest Del Rosario, RPh

Ano ang mga iba’t-ibang uri na panggamot para sa ubo at sipon?

  1. Ang pag-inom ng cough drops.
  2. Ang paghigop ng steam.
  3. Ang pag-inom ng tsaa.

 

 

Ang mundo ng medisina ay isa sa mga napaka-masikot na bagay sa buong mundo. Sa dami ng mga nilalang na naninirahan sa planeta na ito, kasama na din sa kanila ang iba’t-ibang sakit na pwedeng maka-apekto sa kanilang kalusugan – maski ubo at sipon din. Buti nalang, sa dami ng mga bagay na pwede makapagbigay ng sakit o kahit anumang negatibong aspeto sa iba’t-ibang aspeto sa mga tao, meron ding mga iba’t-ibang gamot na pwede magsilbing lunas para sa mga sakit na ito.

Ang karaniwang anyo ng gamot para sa ubo at sipon ay iniinom o nilulunok depende sa oras at tagubilinan na nakasulat sa pakete ng gamot. At saka, may mga iba’t-ibang tatak ng gamot na kilala pa rin ng lahat ng mga tao. Pero, bukod sa mga binibili sa iba’t-ibang butika sa siyudad, meron din mga iba’t-ibang uri na panggamot para sa ubo at sipon. Kahit medyo hindi ayon sa kaugalian, ang mahalaga sa lahat nito ay ang pagiging mabisa pa rin sa ubo at sipon para sa mga tao.

Kung nagtataka ka kung anu-ano ang mga iba’t-ibang uri na panggamot sa ubo at sipon, ito ang mga sumusunod halimbawa:

 

 

01_cough drops

Cough Drops

Ang lunas na ito ay para sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Ang paggamit sa lunas na ito ay kasing-dali lang ‘pag bibili ka sa butika. Kapag nararamdaman mo na lumalala ang iyong ubo, uminom lang ng cough syrup at namnamin ang hagod nito sa iyong lalamunan.

Subalit, kahit may epekto ito sa iyong ubo, hindi maipapayo ng mga propesyunal sa larangan ng medisina ang panggamit nito bilang totoong gamot dahil ang layunin nito ang magbigay ng ginhawa para sa mga may ubo. Ang payo pa rin ng mga doktor ay gumamit ng mabisang gamot para sa iyong kundisyon.

 

 

02_singaw

Singaw

Ang lunas na ito ay isa sa mga pangkaraniwang panggamot para sa sipon. Ang init na dulot ng singaw ay nakakapag-bigay ng ginhawa sa baradong ilong. At saka, hindi din ito gamot para sa sipon dahil nakaka-tulong din ito sa ubo kapag nakapasok ang singaw sa lalamunan ng tao. Siguraduhin lamang na ito ay may halong menta para swabe ang hagod.

 

 

tsaa

Tsaa

Ang pag-inom ng tsaa ay isa din sa mga pangkaraniwang lunas laban sa ubo at sipon. Depende sa mga sangkap na nai-halo sa tsaa, ang epekto nito ay masarap at tunay na mabisa.

Pag dating sa ganitong klaseng gamot, ang pinaka-mabisang uri ng tsaa laban sa ubo ay ang may halong luya at pulot. Ang tamis na dulot nito ay makakapag-hagod sa lalamunan ng wasto at ang intensidad ng luya ay makakapag-bigay ng ginhawa para sa lalamunan ng tao lalo na kung may halong lagundi bilang sangkap sa tsaa. Pag dating sa sipon, ang pinakamabisang sangkap laban dito ay menta dahil sa hagod na dulot nito sa lalamunan at ilong ng nakakaranas ng ubo at sipon.

 

 

Konklusyon

Ang mga ito ay bihirang hanapin sa kahit anong butika. Kahit anong paraan na panggamot ang pipiliin mo, ang ginhawa at galing na dulot ng mga ito ay siguradong mabisa.