Cold Cough
Ano Ang Mabisang Gamot Para Sa Batang May Ubo at Sipon
Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Ano Ang Mabisang Gamot Para Sa Batang May Ubo at Sipon?

Posted on August 17, 2017

Ano ang gamot para sa ubo’t sipon ng bata?

  1. Medikal na gamot:
    1. Antitussive
    2. Mucolytic
    3. Expectorant
  1. Natural na gamot:
    1. Tubig
    2. Humidifier
    3. Honey
    4. Luya

 

 

Naghahanap ng gamot sa ubo at sipon? Madalas ay natataranta ang mga magulang sa tuwing nagkakaubo o sipon ang kanilang mga anak. Totoo nga namang ito’y nakababahala sapagkat ang ubo at sipon ay maaring mauwi sa ibang malulubhang sakit.

Subalit marapat ring malaman ng mga magulang na may mga klase ng ubo at sipon na kusang umaalis kung ito’y naaagapan. Bukod dito ay kailangan ring isaisip ang edad ng inyong mga anak kung ito’y paiinumin ng gamot.

Ngunit ano nga ba ang mabisang gamot sa ubo at sipon ng bata? Paano tunay na malulunasan ang maya’t-mayang pagsinghot at pag-ubo nito? Narito ang ilan sa inyong kailangang malaman.

 

 

Ano nga ba ang ubo at sipon?

Una sa lahat, ano nga ba ang ubo at sipon? Ayon sa mga eksperto, ang ubo ay hindi sakit kundi sintomas ng isang sakit. Karaniwan ay makararamdam muna ang bata ng sipon, at kapag tumulo ito sa likod ng lalamunan ay makikiliti ito at saka magiging ubo. Ito na ngayon ang tinatawag na ubong matigas o dry cough. Sa kabilang banda, kung ang ubo naman ay nagmula sa asthma o impeksyon, ito nama’y tinatatawag na ubong may halak o wet cough.

 

Gamot Kontra Ubo

Ano ang mga uri ng gamot kontra-ubo?

Ang karaniwang inirereseta ng mga doktor kontra-ubo ay ang mga sumusunod:

  1. Antitussive: Ito ay ang gamot na siyang pumipigil sa ubo.

 

  1. Mucolytic: Ito naman ang gamot na siyang nagpapalambot sa plema upang madaling ilabas. Karaniwan ay inirereseta ito sa dry cough.

 

  1. Expectorant: Ito naman ay karaniwang inirereseta sa wet cough sapagkat ito ay gamot na para sa may halak.

 

 

Natural Medicine

Ano ang mabisang natural na gamot para sa ubo’t sipon?

Ang ubo’t sipon ay karaniwang karanasan para sa mga bata kaya’t maaari rin itong lunasan sa pamamagitan ng natural na gamot o iyong hindi ginagamitan ng tableta. Ilan sa mga ito ay:

 

  1. Tubig: Ang tubig ay isa mga napatunayan at karaniwan pang ginagamit na gamot upang malunasan ang ubo’t sipon ng mga bata. Sa pamamagitan ng water therapy o pagpapainom ng sapat na tubig sa isang araw ay nakatutulong upang mapalambot ang sipon at plema at mailabas nang tuluyan. Bukod sa tubig ay maaari ring painumin ang bata ng juice o gatas upang maibsan ang panlalata nito dulot ng ubo’t sipon.

 

  1. Humidifier: Ang paggamit ng humidifier o iyong pagpapasingaw ay nakatutulong upang maging maluwag ang paghinga ng bata. Nakatutulong rin ito upang maging mamasa-masa ang hanging pumapasok sa baga nito, na syang magpapadali sa pagpapalambot ng plema na nanunuluyan rito.

 

  1. Honey: Bukod sa tubig ay kilala rin ang honey o pulot sa pagpapagaling ng ubo’t sipon. Maaaring painumin ang bata ng isang kutsara ng honey bago matulog upang maibsan ang ubo nito.

Paalala: Bawal ito sa mga sanggol na wala pang isang taon.

 

  1. Luya: Ang luya isang epektibong gamot para sa ubo’t sipon. Maaari lamang na maglaga ng isang pirasong kasing laki ng hinlalaki sa dalawang tasang tubig. Matapos itong kumulo ay isalin sa isang baso at saka pigaan ng kalamansi at kalahating kutsaritang honey. Pagkatapos ay ipainom ito sa bata at siguradong mapapadali ang paglabas ng plema nito sa loob ng apat na oras.

 

 

Konklusyon

Ang ubo’t sipon ay karaniwang karanasan na maaaring lunasan gamit ang natural na gamot. Subalit kung ito’y lalagpas sa karaniwang tatlo hanggang limang araw ay marapat lamang na komunsulta sa doktor upang masuri ito.