Fever
cover_paano malalaman kung mabisa ang gamot

Share to:

Facebooktwitterredditpinterestlinkedinmail

Paano Malaman Kung Mabisa nga ba Ang Gamot Mo?

Posted on July 17, 2017 | Author and Reviewed by: Mark Anthony M. Casilla RPH, MS pharm (cand)

Sa panahon ngayon, ang mundo ng medisina ay talagang lumalawak at lumalaki sa kani-kanilang epekto sa pagiging mabisa sa iba’t-ibang uri ng sakit. Sa dami ng mga botika sa bansa na pwede mabilihan ng gamot, may mga iba’t-ibang uri ng gamot katulad ng gamot sa sakit ng ulo, gamit sa ubo, at gamot sa lagnat.

Dito sa Pilipinas, milyung-milyong mga pamilya ang bumibili ng iba’t-ibang gamot para sa iba’t-ibang sakit. Sa dami nang mga sakit na nagpapahirap sa mga tao, walang rason ang mga pamilya para hindi umaksyon para kani-kanilang mga minamahal.

Ngunit, sa kabila ng dami nila, paano ng ba malaman kung mabisa at mapagka-tiwalaan ang mga gamot nito? Kung gusto mo malaman kung paano, kumuha ka ng tamang kaalaman dala ng mga sumusunod na salik sa ibaba:

 

 

basahin pakete

Basahin nang maigi ang pakete ng gamot

Kapag bumili ka ng gamot sa kahit saang butika sainyong siyudad, parating siguraduhin na basahin nang maigi ang pakete ng gamot. Sa paraang ito, hindi ka magdududa kung ano nga ba talaga ang gamot na iyong bibilhin at anu-ano ang mga epekto nito.

Kung bibili ka ng gamot sa kahit anong butika, siguraduhin mo na ang pakete ng gamot ay walang punit o kahit anong sira sa labas nito. Sa ganun, hindi ka mapa-paranoid na may kakaiba sa iyong mga biniling gamot.

 

 

sundin ang tagubilin

Sundin ang mga tagubilin na naka-sulat sa pakete ng gamot

Sa lahat ng mga paraan kung paano malaman kung mabisa nga ba talaga ang gamot na binili at ginagamit mo, ito ang pinaka-importante sa lahat. Ito ang talagang makakapagsabi kung tama nga ba ang gamot na iyong binili at kung epektibo nga ba ito para sayo.

Kapag kailangan nang inumin ang gamot na binili mo, ang mas importante sa lahat ay sundin ang mga tagubilin na naka-sulat sa pakete ng gamot. Sa ganun, hindi ka makakaranas ng mga negatibong epekto na pwedeng maka-apekto sa iyong kalusugan.

Pagdating sa ganitong aspeto ng iyong gamot, ang isa sa mga importanteng bagay na dapat mong malaman ay ang mga iba’t-ibang side effects na pwedeng mangyari sa iyong katawan. Mapa-positibo man o negatibo, meron ka nang saktong kaalaman pagdating sa ganitong aspeto ng medisina.

 

 

alamin ang agham na pangalan

Alamin ang mga iba’t-ibang pang-agham na pangalan ng mga gamot

Ang pang-agham na pangalan, o ang tinatawag na “scientific name”, ay ang totoong pangalan ng mga gamot. Kailangan itong alamin para kung sakali na hindi mo alam ang pangkaraniwang pangalan ng gamut na iyong kailangan, alam mo pa rin ang totoong pangalan ng gamut na ito.

Ito ay isa ring paaran para makuha mo ang tamang gamot na kailangan mo. Kapag bumisita ka sa iyong doctor at nagbigay na sila ng kaukulang reseta para sa gamot na kakailanganin mo, ang pang-agham na pangalan ng gamot ang kanilang madalas na isulat. Kung kaya’t mas mabuting ikaw ay may kaalaman sa mga pangalan ng gamot na bibilhin mo sa mga parmasyutiko.

 

 

Konklusyon

Ang mga paraan na ito ay ang magsisilbing susi para sa inyong kalusugan. Kapag alam mo na mabisa ang gamot na ginagamit mo, hinding-hindi ka mawawalan pag-asa na gagaling ka din ng husto sa tamang panahon.