Healthy Lifestyle
Ano ang Pinagkaiba ng Rayuma sa Artiritis?

Share to:

Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Ano ang Pinagkaiba ng Rayuma sa Arthritis?

Posted on October 24, 2019 | Author and Reviewed by: Mark Ernest Del Rosario, RPh

Ano ang mga kailangan mong malaman tungkol sa rayuma at arthritis?

  1. Ang rayuma ay salita na hindi na ginagamit ng mga doktor
  2. Mayroong iba’t-ibang klase ng artritis
    • Rheumatoid Arthritis
    • Osteoarthritis

 

Kung mayroon kang nakakatandang miyembro ng pamilya tulad ng iyong mga magulang o lolo’t lola, baka narinig mo ang mga salitang ‘rayuma’ at ‘arthritis.’ Ang mga salitang ito ay ginagamit ng tao upang ilarawan ang mga sakit sa buto na kanilang nararamdaman. Ngunit, mayroon nga bang pinagkaiba ang dalawang salita na ito?

Knowing the differences between the two is important because there are legitimate symptoms and treatments that are associated with these diseases and misidentifying them can lead to complications down the line.

 

Ang Rayuma ay salita na hindi na ginagamit ng mga doktor

Ang Rayuma ay salita na hindi na ginagamit ng mga doktor

Kahit na karaniwang ginagamit ng mga nakakatanda sa atin ang salitang ‘rayuma,’ sa mundo ng medisina, hindi na ito tinatanggap. Sa katotohanan, wala talagang pinagkaiba ang ibig sabihin ng salitang rayuma sa salitang artiritis o arthritis.

Ang rayuma o rheumatism ay salitang ginagamit bilang pangkalahatang salita sa sakit sa buto-buto o di kaya’y pamamaga at paghigpit ng kasukasuan. Dahil sa pagsulong ng modernong medisina at mga makabagong proseso ng pagtuklas sa sakit, mas tiyak na ang mga sanhi ng mga sakit na nasabi.

Technically speaking, arthritis and all its subtypes are a specific form of the broad term ‘rheumatism’ while rheumatism encompasses all the other forms of joint, ligament, bone, and muscle problems — otherwise known as “musculoskeletal diseases.”

 

Mayroong iba’t-ibang klase ng ArtritisMayroong iba’t-ibang klase ng Artritis

One important aspect that contributes to the potentially misleading interchanging of words is the different kinds of arthritis. Here’s a short guide that outlines their characteristics.

 

Rheumatoid Arthritis

Ang Rheumatoid Arthritis (RA) ay isa sa pinaka-karaniwang klase ng artritis. Ito marahil ang tinutukoy ng mga doktor kapag sinasabi nila ang salitang rayuma sa kanilang mga pasyente dahil magkalapit ang kanilang mga panglan.

Ang mga sintomas nito ay pananakit ng kasukasuan kasabay ang pamamaga ng mga apektadong parte ng katawan. Karaniwang mapapansin na nararamdaman ang mga sintomas sa magkabilang panig ng katawan. Halimbawa, kung apektado ng RA ang iyong kamay, makaka sigurado ka na ang kaliwa’t kanang kamay mo ang mananakit at mamamaga, sa halip na isang kamay lang.

Because Rheumatoid Arthritis is an autoimmune disease, it gets worse quicker than other forms of arthritis and can affect many joints in your body.

 

Osteoarthritis

The other most common form of arthritis is Osteoarthritis (OA). This is what most people refer to when saying the term arthritis or artiritis. Rheumatoid Arthritis happens when your immune system mistakenly attacks the tissues in your body’s joints, causing them to become thin. Osteoarthritis is all about wear and tear.

Ang osteoarthritis ay karaniwang nararanasan ng mga atleta o di kaya ng mga taong may mabibigat at pisikal na trabaho. Dahil mas madalas gamitin ng mga atleta at mga manggagawa ang kanilang katawan sa mataas na antas, mas madaling masira o di kaya’y lumiit ang mga kartilago/cartilage na nasa pagitan ng mga buto-buto. Ito ay nangyayari ng paunti-unti hanggang tuluyang magbangaan ang mga buto.

 

Key Takeaway

Tandaan, ang rayuma ay hindi na ginagamit bilang panlarawan sa mga karamdamang kaugnay sa buto-buto, lalo na sa propesyonal na larangan. Kung ang sa iyong tingin ay mayroon kang Rheumatoid Arthritis o Osteoarthritis, mainam na kumonsulta agad sa doktor upang malunasan kaagad ito.