Pampaganang Kumain: Mga Uri at Bisa
Ang mga appetite stimulants ay mga gamot at vitamins na pampaganang kumain. Maraming rason kung bakit nawawalan ng ganang kumain ang isang tao, kagaya ng mga sakit o mga sitwasyong pinagdaraanan. Ang pagkawala ng gana ay nagdudulot ng paghina sa pagkain na maaari tumuloy sa kakulangan sa nutrisyon.
Ano ang mga gamot na pampagana kumain?
Ang mga appetite stimulant vitamins ay gamot na ginagamit para magkaroon ng ganang kumain ang isang tao.
Maraming ibaāt ibang sanhi ang paghina sa pagkain katulad ng:
- Sakit sa mental health katulad ng depresyon
- Kanser at mga gamot na iniinom para rito
- Mga gamot tulad ng ibang mga psychostimulants
- Paguulyanin (dementia)
- Mga neurological o muscular disorders
- Matinding sakit na hindi nawawala
- Pagbaba o kawalan ng pang-amoy
- Pag-iiba ng panlasa
- Mga sakit sa tiyan
- Sakit sa puso
- Sakit sa baga
Ano ang mga uri ng pampagana kumain?
May mga pampagana kumain na vitamins, may iba naman na food supplements. Mayroong mga vitamins na pampagana na gawa para lamang sa mga adults at mayroon din namang para sa mga bata.
Ang ilan sa mga sumusunod ay mga kilalang pampagana kumain:
- Zinc
- Thiamine
- Fish oil
- Dronabinol
- Megestrol
- Oxandrolone
Maaaring maging kombinasyon ng mga naibanggit sa itaas ang nilalaman ng appetite stimulant.