Urinary Retention: Sanhi, Sintomas, at Gamot
Ang pantog ang parte ng katawan na syang nag-iipon ng mga duming nalinis ng ating bato sa ating dugo. Kapag napupuno ang pantog natin, nagpapadala ito ito ng signal sa ating utak na syang nagsasabing kailangan na nating umihi upang ilabas ang dumi. Kapag may urinary retention ang isang tao, hindi lahat ng ihi na naipon sa pantog ay kanyang nailalabas.
Ano ang urinary retention?
Ang urinary retention ay isang kondisyon kung saan hindi nailalabas ng katawan ang lahat ng ihing naipon sa pantog. Maaaring maging acute (matindi at biglaan) o chronic (pang habang-buhay) ang sakit na ito.
Ang acute urinary retention ay isang emergency. Kinakailangang magtungo agad sa ospital kapag nakararanas ng acute urinary retention. Ang chronic urinary retention naman ay kadalasang nakikita sa mga nakatatandang lalaki, ngunit may ibang mga nakatatandang babae rin na nakararanas nito.
Ano ang sanhi ng chronic urinary retention?
Maraming ibaāt ibang chronic urinary retention causes, kabilang na dito ang:
- Pagbabara sa daloy ng palabas na ihi
- Mga gamot na iniinom
- Sakit sa mga nerves na nagiging sanhi ng miscommunication sa pagitan ng utak at urinary system
- Impeksyon o pamamaga na nagdudulot ng pagbabara
- Komplikasyon na nagmumula sa mga gamot na ibinigay pagkatapos ng isang operasyon
- Benign prostatic hyperplasia o prostate gland enlargement na ang cause ay ang tuluyang paglaki ng prostate (na natural na nagaganap) hanggaāt umabot sa punto na nakababara na ito ng urinary tract
Ano ang mga sintomas ng urinary retention?
Iba-iba ang mga nararanasan na urinary retention symptoms ng mga tao. Ang pangkaraniwang sintomas na nararamdaman ay ang hirap sa pag-ihi. Sa iba, mahina ang unang labas ng ihi, ang iba naman ay naiihi na ngunit hindi makaihi.
Sa mga nakararanas ng acute urinary retention, posibleng biglaang maranasan ng pasyente na hindi na siya makaihi. Kung nakakaihi man, kaunti lamang ang lumalabas. Nararanasan ito tuwing napupuno ang pantog.
Para sa urinary retention na dulot ng benign prostatic hyperplasia, ang symptoms na maaaring maranasan ay ang pagdalas ng pag-ihi sa gabi (nocturia).
Ano ang gamot sa urinary retention?
Ang wastong gamot ay nakabatay sa kung anong klase ng urinary retention, pati na rin ang posibleng sanhi nito.
Para sa chronic urinary retention, ginagamitan ng:
- Gamot sa paglaki ng prostate katulad ng mga alpha-blockers (tamsulosin, terazosin, at alfuzosin) o mga 5-alpha reductase inhibitors (finasteride o dutasteride)
- Gamot para sa mga babaeng may urinary retention kabilang ang pagsasalin ng estrogen