Constipation: sanhi, sintomas, at gamot
Ang constipation ay isang kundisyon kung saan hindi makadumi ang isang tao, o di kaya naman ay nahihirapan sa pagdumi. Maaari itong matagal ng ilang linggo o mahigit pa. Ang karaniwang kaso ng constipation ay hindi dadami sa tatlong pagdumi sa isang linggo.
Hindi nakababahala ang pangilan-ngilang pagdanas ng constipation, ngunit mayroong ibang hindi na nawawala ang constipation. Kapag nangyayari ito, nakakasagabal na sa araw-araw na buhay ang kondisyon at nagdudulot ng matinding sakit tuwing dudumi.
Ano ang mga sanhi ng constipation?
Nagiging constipated ang isang tao kapag masyadong mabagal ang paggalaw ng dumi palabas ng bituka digestive tract, o hindi lubos na mailabas mula sa puwet, kung kayaāt nagiging matigas at tuyo ang dumi.
Madalas na dahil sa kinakain o iniinom ng isang tao ang constipation. Ilan sa mga pagkain na posibleng sanhi ng constipation ay:
- Saging
- Pagnguya ng chewing gum
- Kape o iba pang inuming may caffeine katulad ng energy drinks
- Gluten na nakukuha sa trigo (tinapay, pasta, atbp.)
- Kanin
- Karneng baboy at baka
- Alak
- Tsokolate
- Ibang mga gamot
- Gatas
Ang chronic constipation ay maaaring magmula sa:
- Bara sa kolon o puwet. Ang mga posibleng sanhi nito ay:
- Malilit na punit sa butas ng puwet (anal fissure)
- Bara sa bituka
- Kolon kanser
- Pagsikip ng kolon (bowel stricture)
- Iba pang uri ng kanser sa abdomen na tumatama sa kolon
- Kanser sa puwet
Ano ang mga sintomas ng constipation?
Ang ilang senyales at sintomas ng constipation ay:
- Pagdumi ng hindi hihigit sa tatlong beses sa isang linggo
- Magaspang o matigas na dumi
- Paghihirap tuwing dumudumi
- Ang pakiramdam na mayroong bara sa iyong tumbong na pumipigil sa iyong pagdumi
- Ang pakiramdam ng hindi mo naidumi lahat ng nasa tiyan mo
- Pangangailangan ng tulong para mailabas ang dumi mula sa iyong tumbong tulad ng pagpisil sa iyong tiyan o ang paggamit ng daliri sa pagtanggal ng dumi
Maituturing na chronic constipation o matagal na kaso ng constipation ito kung nakararanas ka ang pasyente ng dalawa o higit pa sa mga nailistang sintomas.
Ano ang gamot sa constipation?
May mga mabibiling over-the-counter drugs para sa constipation. Maaaring uminom ng:
- Laxatives (kabilang na ang ibaāt ibang uri nito)
- Linaclotide
- Plecanatide
- Lubiprostone
- Methylnaltrexone
- Naloxegol
- Naldemedine