Diuretics: Bisa at Epekto
Ang mga diuretics, na tinatawag din na water pills, ay gamot na ibinibigay para paramihin ang dami ng tubig at asin (sodium) na inilalabas ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Kadalasang ginagamit ito para sa mga may high blood pressure o altapresyon.
What are diuretics?
Ang diuretics ay gamot na tumutulong sa katawan para palabasin ang naipong asin (sodium) at tubig sa katawan. Tinutulungan ng diuretics ang mga bato na maglabas ng mas maraming asin mula sa katawan. Ang karagdagang asin naman ang syang nagaabsorb ng tubig sa dugo na bumabawas sa likidong dumadaloy sa mga ugat. Dahil dito, bumababa ang presyon ng isang tao.
May tatlong uri ng diuretic drugs:
- Thiazide
- Loop
- Potassium sparing
Ang bawat klase ng diuretic ay may partikular na bahagi ng bato na naaapektuhan. May ibang gamot na naghahalo ng mga klase ng diuretic o ng iba pang gamot pang altapresyon.
Ano ang use ng diuretics?
Pangkaraniwang ginagamit ang diuretics upang gamutin ang high blood pressure o altapresyon. Ang iba pang mga ginagamitan ng diuretics ay:
- Sakit sa puso
- Sakit sa atay
- Kidney stones
- Edema o pag-ipon ng tubig sa katawan
Ano ang side effects ng diuretics?
Kapag wasto ang pag-inom ng diuretics, agad mapapansin ang effects ng diuretics sa katawan subalit posible pa ring magkaruon ng side effects kagaya ng:
- Kakulangan ng potassium sa dugo
- Pagtaas ng potassium sa dugo
- Pagbaba ng lebel ng asin (sodium) sa katawan
- Sakit ng ulo
- Pagkahilo
- Uhaw
- Pagtaas ng blood sugar
- Pulikat
- Pantal
- Gout o rayuma
- Pagtatae
- Pagtaas ng cholesterol
Mayroon ring mga malulubhang side effects ang diuretics ngunit hindi to madalas mangyari. Kabilang dito ang:
- Allergic reaction
- Sakit sa bato
- Irregular heartbeat o pag-iba ng tibok ng puso