Fungal Infection: Sanhi, Sintomas, at Gamot | The Generics Pharmacy
Home > Conditions > Eye Care

Sakit sa Mata: Uri, Sanhi, Sintomas, at Gamot

Normal sa isang tao magkaroon ng mga sakit sa mata. Madalas hindi naman ito nakababahala at gagaling ng mag-isa ngunit mayroon rin namang mga nangangailangan ng patnubay ng doktor.

Eye Care

Ano ang mga karaniwang uri ng sakit sa mata?

  • Eye strain – Nararanasan matapos tumitig sa kompyuter o selpon buong araw, magbasa ng magdamag, o magmaneho ng matagalan
  • Red eyes – Namumula ang mata kapag na-iiritate o nagkakaroon ng impeksyon sa mata. Ang namumulang mata ay maaaring sintomas ng mga iba pang uri ng sakit sa mata kagaya ng conjunctivitis (sore eyes) o sun damage dulot ng hindi pagsuot ng shades
  • Uveitis – Ito ang isang grupo ng mga sakit sa mata na nagdudulot ng pamamaga sa uvea. Ang uvea ang gitnang parte ng mata kung saan makikita ang karamihan sa mga ugat ng mata
  • Dry eyes – Nagkakaroon ang isang tao ng dry eyes kapag hindi nakakagawa ang mata ng sapat na lubricant sa cornea. Puwede maging mahapdi ang mga mata o parang may dumi sa ibabaw nito. Bihirang magdulot ng pagkabulag ang dry eyes
  • Katarata – Ito ay mga malabong parte na nabubuo sa eye lens. Ang normal na eye lens ay malinaw katulad ng salamin. Pumapasok ang ilaw sa retina para maintindihan natin ang nakikita natin. Kapag may katarata ang isang tao, hindi nakakadaan ang ilaw sa retina kaya mukhang may mga sinag na nagmumula sa tinitignan, lalo na sa gabi.
  • Glaucoma – Nagkakaroon ang isang tao ng glaucoma kapag masyadong mataas ang pressure sa loob ng mata na maaaring makasira sa optic nerves
  • Conjunctivitis (sore eyes) – Nagkakaroon ng sore eyes ang isang tao kapag namamaga ang tissue sa likod ng eyelids. Dahil dito, namumula, kumakati, humahapdi, at nagkakaroon ng tinatawag na discharge ang mata o nagmumuta.

Ano ang mga sintomas ng mga sakit sa mata?

Ang sintomas na nararanasan ng isang tao ay depende sa uri ng sakit sa mata. Ang mga karaniwang nararanasan ay:

  • Panunuyo ng mata
  • Paghapdi o pagkati ng mata
  • Pagluluha ng hindi sinasadya
  • Paglabo ng paningin
  • Pamamaga o pamumula ng mata

Ano ang gamot sa sakit ng mata?

Marami sa mga gamot sa sakit ng mata ay direktang ipinapatak sa matang may sintomas.

Kabilang sa mga posibleng gamitin na gamot ay:

  • Acetazolamide
  • Acetylcysteine
  • Atropine
  • Azelastine
  • Betaxolol
  • Chloramphenicol
  • Dorzolamide
  • Levobunolol
  • Loteprednol
  • Polyvinyl alcohol
  • Sodium hyaluronate
Recommended Medicines for ENT
Sodium Chloride Breathe Ezy
NaCINsalSpry0.65%BufSol60ml(BREATHEEZY)1
Sodium Chloride Nasal Drops 0.65% Buffered Soln 60ml (TGP BREATHE EZY)-1
Dichlorobenzyl Alcohol Amylmetacresol 1.2mg 600 mcg Lozenge (TGP AMBICA)
Zinc Sulfate Eye Drops
Zinc Sulfate Eye Drops 0.25% 10ml Red (EYEGLO RELIEF)-1
Hexidol Hygiene Mouthwash
Hexedine Gargle 0.10% 90ml (HEXIDOL)-1
Boric Acid Borax Eye Drops 10ml
Boric Acid + Borax Eye Drops 1% 0.25% 10ml Green (EYEGLO REGULAR)
Hydroxypropyl Methylcellulose 10 ml box
Hydroxypropyl Methylcellulose EyeDrops 0.3% 10ml Blue (EYEGLO MOIST)-1
Recommended Medicines for ENT
Sodium Chloride Breathe Ezy
NaCINsalSpry0.65%BufSol60ml(BREATHEEZY)1
Sodium Chloride Nasal Drops 0.65% Buffered Soln 60ml (TGP BREATHE EZY)-1
Dichlorobenzyl Alcohol Amylmetacresol 1.2mg 600 mcg Lozenge (TGP AMBICA)
Zinc Sulfate Eye Drops
Zinc Sulfate Eye Drops 0.25% 10ml Red (EYEGLO RELIEF)-1
Hexidol Hygiene Mouthwash
Hexedine Gargle 0.10% 90ml (HEXIDOL)-1
Boric Acid Borax Eye Drops 10ml
Boric Acid + Borax Eye Drops 1% 0.25% 10ml Green (EYEGLO REGULAR)
Hydroxypropyl Methylcellulose 10 ml box
Hydroxypropyl Methylcellulose EyeDrops 0.3% 10ml Blue (EYEGLO MOIST)-1
Respiratory System
Nutrition
Infection and Infestation
Cardiovascular
Musculoskeletal
Integumentary System
Digestive
Allergies
Genitourinary System
Nervous System
Endocrine
EENT

Scroll to Top