Fungal infection: sanhi, sintomas, at gamot
Ang fungal infection ay pwedeng mangyari sa kahit kanino at maaaring makaapekto sa ibaāt ibang bahagi ng katawan.
Ano ang fungal infection?
Ang fungi ay mga microorganisms na mayroong chitin sa kanilang cell wall na maaaring magsimula ng immune response sa ating katawan. Ang ilang mga fungi, tulad ng kabute, ay nakakain. Ang iba naman, kagaya ng aspergillus, ay maaaring makamatay kapag nagbunga sa ating katawan.
Ang fungal infection, o mycosis, ay madalas na nangyayari kapag ang fungi na hindi karaniwang natatagpuan sa loob at labas ng ating katawan ay nagdulot ng impeksyon. Minsan naman, kahit na karaniwang nasa katawan ang fungi, maaari itong dumami na higit sa normal na lebel at magdulot din ng impeksyon.
Ang fungal infection ay nakahahawa at madaling maipasa sa ibang tao. Maaari ring makuha ang mga fungal infection mula sa mga hayop, lupa, o bagay na mayroong fungi.
Ano ang mga uri ng fungal infection?
Ang ilan sa mga karaniwang uri ng fungal infection ay:
- Athleteās foot
- Buni
- An-an
- Onychomycosis (fungal infection sa kuko)
May mga fungus na nagdudulot ng mga malulubhang impeksyon kagaya ng fungal pneumonia, fungal meningitis, or kaya ay systemic infections. Ang mga fungus na sanhi ng mga ito ay:
- Aspergillus
- Blastomyces
- Candida
- Coccidioides
- Cryptococcus
- Histoplasma
Ano ang mga sintomas ng fungal infection?
Ang fungal infection ay maaaring magdulot ng:
- Pamumula ng balat
- Mala-kaliskis na balat
- Pangangati
- Pamamaga
- Paltos
- Butlig
Ano ang mga gamot sa fungal infection?
Kinakailangang gumamit ng mga antifungal drugs para labanan ang fungal infection. May mga ibaāt ibang uri ng antifungal drugs. Maaari itong inumin, ipahid sa balat, o ilagay sa dextrose. Ang wastong antifungal drug na dapat gamitin ay nakabatay sa uri ng fungus na nasa katawan.
Ang ilan sa mga antifungal drugs na posibleng gamitin ay:
- Azoles
- Polyenes
- Allylamines
- Echinocandins