Kabag: sanhi, sintomas, at gamot
Ang kabag ay isang karaniwang kondisyon na nararanasan ng sinuman. Tinatayang halos 20 beses umuutot ang isang tao kada araw dahil sa kabag. Kapag hindi nailalabas ang kabag sa pamamagitan ng pag-utot, lalabas ito bilang dighay.
Ang kabag ay maaaring maging mild, subalit paminsan-minsan, maari itong magdulot ng discomfort sa isang tao.

Ano ang kabag?
Ang kabag ay hangin na napupunta sa ating sikmura dahil sa paglanghap natin ng hangin habang kumakain o umiinom. Karaniwang kinakailangan lamang dumighay para maibsan ang kabag, o di kaya naman ay sa pag-utot.
Normal makaranas ng kabag ngunit kung paulit-ulit na ito at nagdudulot na ng sakit, marahil ay hindi ito simpleng kabag lamang.
Ano ang mga sanhi ng kabag?
Iba-iba ang sanhi ng kabag. Maari itong maranasan dahil sa hangin na sumasama sa ating paglunok habang kumakain o umiinom. Maaari ring maging sanhi ang:
- Pag-inom ng soft drinks
- Pagsipsip sa hard candy
- Pagnguya sa chewing gum
- Paninigarilyo
Marami ring uri ng pagkain ang nagdudulot ng kabag kagaya ng:
- Patani
- Repolyo
- Keso
- Gatas
- Patatas
- Tinapay
- Mansanas
Ano ang mga sintomas ng kabag?
Maraming posibleng sintomas ng kabag, depende sa tao o sanhi ng kabag.
- Pagdighay
- Pamumulikat sa tiyan
- Pamamaga ng tiyan
- Paglaki ng tiyan
- Paninikip ng dibdib
Ano ang gamot sa kabag?
May mga gamot na mabibili OTC na mayroong simethicone na tumutulong pagbuo-buoin ang mga gas bubbles sa tiyan para mas madali itong mapalabas. Maaaring uminom ng kahit ano sa mga sumusunod na gamot sa kabag:
- Antacids
- Proton pump inhibitors katulad ng omeprazole
- Antispasmodic drugs na binabawasan ang sakit at pamumulikat ng tiyan
- Laxatives
Kailan dapat pumunta sa ospital?
Hindi komportable ang pakiramdam tuwing nakararanas ng kabag, ngunit hindi naman ito madalas nakababahala.
Agad na pumunta sa doktor o ospital kapag ang kabag ay hindi nawawala o nakaiistorbo na sa iyong buhay. Iba pang sintomas ng nakababahalang kabag ay:
- Pag-iba sa pagdudumi
- Biglaang pagpayat
- Constipation (hindi makadumi) o di kayaāy LBM
- Pagsusuka
- Paninikip ng dibdib
- Dugo sa dumi