Muscle pain: sanhi, sintomas, at gamot
Ang muscle pain ay maaaring dulot ng aksidente, impeksyon, o sakit. Pwede itong maging panandalian o pang habang-buhay. Maaari rin itong makuha ilang araw matapos mag-ehersisyo o magbuhat ng mabibigat na bagay. Tinatawag ito na delayed-onset muscle soreness (DOMS).

Ano ang muscle pain?
Ang muscle pain, o myalgia, ay sintomas ng isang pinsala, impeksyon, sakit, o iba pang karamdaman sa katawan. Maaari itong maging isang matindi pero tuloy-tuloy pananakit o maaaring maging pabugso-bugso lang. May mga taong nakararamdam ng muscle pain sa isang bahagi ng katawan nila. Meron din namang mga nakararamdam ng sakit sa buo nilang katawan.
Ano ang sanhi ng muscle pain?
Maraming pwedeng maging ugat ang muscle pain at muscle inflammation. Ang ilan dito ay:
- Autoimmune disease
- Impeksyon
- Pinsala sa kalamnan o injury
- Gamot
- Neuromuscular disorders
- Ehersisyo
Ano ang mga sintomas ng muscle inflammation?
Iba-iba ang mga senyales at sintomas ng muscle pain at muscle inflammation. Depende ito sa bahagi ng katawan na apektado at sanhi ng sakit. Ilang posibleng senyales ay:
- Pagiging sensitibo ng parteng masakit
- Pamamaga
- Pamumula
- Lagnat
Ano ang mga gamot sa muscle pain?
May ibaāt ibang uri ng muscle pain at muscle inflammation drugs na maaaring inuman batay sa sanhi at uri ng muscle pain na nararanasan. Ang ilan dito ay:
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) para mabawasan ang sakit katulad ng ibuprofen, naproxen sodium, indomethacin, o celecoxib
- Acetaminophen
- Opioids
Kailan dapat pumunta sa ospital?
Ipaalam sa iyong doktor o magtungo sa ospital kung ang nakararanas ng:
- Sakit sa dibdib
- Lagnat
- Kawalan ng control sa pantog o hindi na mapigilan ang pag-ihi
- Bago o lumalalang sakit
- Pagkamanhid o pangingilo sa mga kalamnan