Pagkahilo at Pagsusuka: Mga Sanhi at Gamot
Ang pagkahilo at pagsusuka ay mga karaniwang sintomas na nararamdaman ng isang tao. Maraming posibleng magdulot ng pagkahilo at pagsusuka.
Ano ang nausea at vomiting?
Ang nausea (pagkahilo) at pagsusuka (vomiting) ay hindi mga sakit kundi mga sintomas ng isang karamdaman. May mga sitwasyon na agad nawawala ang pagkahilo at pagsusuka, ngunit mayroon ding mga pagkakataong tumatagal ito na maaaring sintomas ng mas malalang sakit.
Ano ang sanhi ng pagkahilo at pagsusuka?
Karaniwang pareho ang sanhi ng pagkahilo at pagsusuka. Maraming ibaāt ibang karamdaman at sitwasyon ang maaaring magdulot ng mga ito kagaya ng:
- Pagkahilo sa biyahe
- Mga unang buwan ng pagbubuntis
- Matinding
- Takot
- Sakit sa apdo
- Food poisoning
- Empatso
- Virus
- Malakas na amoy
May iba ring mga malulubhang sakit na maaari magdulot ng pagkahilo at pagsusuka. Ang ilang mga halimbawa nito ay:
- Pagkabagok ng ulo
- Encephalitis
- Meningitis
- Bara sa bituka
- Appendicitis
- Migraine
- Tumor sa utak
Ano ang gamot sa pagkahilo at pagsusuka?
Mayroong ilang mga gamot sa suka at hilo na tumutulong pumigil sayo sa pagsuka. Ang ilan dito ay:
- Meclizine hydrochloride
- Dimenhydrinate
- Emetrol
- Bismuth subsalicylate
- Mirtazapine
- Benzodiazepines
- Doxylamine
- H1 antihistaminic agents
- Prokinetic agents