Paso: sanhi, sintomas, at gamot
Ang paso ay tissue ng balat na nasisira dahil sa pagdikit o pagdaplis ng mainit na bagay, pagbibilad sa araw o ibang source ng radiation, o sa kontak sa kemikal o elektrikal na bagay. Ang mga paso ay may ibaāt-ibang degrees o antas. Ang malalang antas ng paso ay maaaring magdulot ng pagkamatay.
Ano ang paso?
Nagkakaroon ng paso ang isang tao kapag dumikit ang balat sa mga maiinit na bagay, acidic o nakapapasong kemikal, o mga bagay na dinadaluyan ng kuryente. Puwede ring mapaso ang isang tao kapag nabilad sa araw ang isang tao. Karamihan sa mga paso ay sanhi ng isang aksidente. Mayroong ibaāt ibang antas o degrees ang paso. Batay ito sa lalim at sa laki ng napaso na balat. Masakit ang paso at maaaring pagsimulan ng impeksyon kapag hindi agad nagamot.
Ano ang sintomas ng paso?
Iba-ibang ang sintomas ng paso depende sa uri nito.
- First-degree burn ā Mababaw na paso. Ang naapektuhang parte ng balat ay ang ibabaw na bahagi lamang (epidermis). Ang first-degree burn ay pulang patse sa balat na mahapdi.
- Second-degree burn ā Ang ganitong klaseng paso ay nagdudulot ng pamamaga at pamumula, namumuti, o patse-patseng balat. Pwede ring magkaroon ng paltos at matinding sakit. Ang epidermis at dermis, o ang ibabaw at gitnang bahagi ng balat ang naaapektuhan ng second-degree burn. Kapag malalim ang second-degree burn, maaari itong magdulot ng peklat.
- Third-degree burn ā Ang ganitong klaseng paso ay umaabot sa taba sa ilalim ng balat. Ang balat na napaso ay maaaring maging itim, kayumanggi, o puti. Kapag gumaling ito, maaari itong magmukhang katad (leather). Maaaring makasira ng mga nerves ang third-degree burns na magdudulot ng pagkamanhid sa bahaging iyun.
Ano ang mga sanhi ng paso?
- Apoy
- Mainit ng likido o singaw
- Mainit na bakal, baso, o ibang bagay
- Daloy ng elektrisidad
- Radiotion gaya ng X-ray
- Sikat ng araw
- Kemikals katulad ng asido o paint thinner
Ano ang pangunang lunas sa paso?
Ang mga first-degree burns ay maaaring gamutin sa bahay na walang abiso ng doktor. Lagyan agad ng yelo ang napasong parte ng katawan o di kayaāy padaluyan ng tubig sa gripo. Lagyan ng ointment para sa paso ang napasong parte ng katawan at iwasang hawakan o galawin ito. Maaari ring uminom ng mga painkillers para sa kirot katulad ng ibuprofen, naproxen sodium, o acetaminophen. Huwag putukin ang mga paltos na mabubuo dahil maaari itong pagmulan ng impeksyon.
Kailan dapat pumunta sa ospital?
Agad na pumunta sa ospital o kausapin ang iyong doktor kung:
- Ang mga paso ay nasa kamay, paa, ari, puwet, o kahit anong malaking biyas sa iyong katawan
- Malalim ang paso (second-degree at third-degree burns)
- Ang paso ay dahil sa kemikal o kuryente
- Nakararanas ng hirap sa paghinga
Ang iyong doktor o ang ospital ang magbibigay ng nararapat na gamot sa paso batay sa kung gaano kalala ito.