Sakit sa katawan at lagnat: sanhi, sintomas, at gamot
Ang sakit sa katawan at lagnat ay mga karaniwang sintomas ng trangkaso o influenza o mas kilala sa tawag na flu. Minsan ay sinasamahan ito ng sakit sa ulo at pagkapagod.

Ano ang sakit sa katawan at lagnat?
Sa halip na isang kondisyon, ang sakit sa katawan na may kasamang lagnat ay maaaring senyales ng ibang mga sakit katulad ng trangkaso. Tinatawag na low grade fever ang isang lagnat kung nasa pagitan ng 37.8°C hanggang 38.5°C. Ang mga bata at sanggol na may lagnat na umaabot sa 38.5°C ay kinakailangan na ng agarang patnubay ng doktor.
Ano ang sanhi ng sakit ng katawan at lagnat?
Ang sakit sa katawan at lagnat ay kadalasaāy nag-ugat sa isang viral infection katulad ng influenza virus.
Kapag nakapasok ang virus sa katawan, inaalerto ng katawan ang mga white blood cells na labanan ang nabubuong impeksyon. Ang pangkaraniwang epekto nito ay sakit ng katawans at pagtaas ng temperatura upang patayin ang virus.
Ang trangkaso ay nakahahawa, kaya kinakailangan nilang mag-ingat at umiwas muna sa tao.
Ano ang mga sintomas ng sakit sa katawan at lagnat?
Ang mga taong tinatrangkaso ay may lagnat na mas mataas sa 37.8°C at nakararanas ng pananakit sa mga kasu-kasuan. Maliban dito, maaari ring makaramdam ng:
- Sakit sa tiyan
- Pananakit habang umiihi o madalas na pag-ihi
- Ubo
- Diarrhea o pagtatae
- Pagod
- Sakit sa kasu-kasuan
- Sakit ng ulo
- Pagkahilo na maaaring samahan ng pagsusuka
- Pantal
- Pamumula at pagiging sensitibo ng balat
- Pagkahingal
- Sore throat
Puwede ring makaramdam ng mga sumusunod na sintomas:
- Pagkawala ng ganang kumain
- Pagiging pasain
- Naiinitan na hindi pinapawisan
- Pagbaluktot ng kasu-kasuan at hirap sa paggalaw
- Pamamaga ng lymph nodes
Ano ang gamot sa sakit ng katawan at lagnat?
Maaaring uminom ng mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) para mabawasan ang sakit katulad ng ibuprofen, naproxen sodium, indomethacin, o celecoxib. Puwede ring uminom ng paracetamol para bumaba ang lagnat.
Dahil maraming puwedeng maging sanhi ang sakit ng katawan at lagnat, mainam na ipaalam ito sa iyong doktor para mabigyan ng wastong drugs para sa sakit ng katawan at lagnat.
Kailan dapat pumunta sa ospital?
Agad na pumunta sa ospital kung nakararanas ng:
- Pag-iba sa pag-iisip o ugali katulad ng pagkalito, pananamlay, pagha-hallucinate
- Sakit sa dibdib o pagsikip ng dibdib
- Walang mailabas na ihi
- Pagbilis ng tibok ng puso (tachycardia)
- Hirap sa paghinga
- Matinding sakit
- Pagsusuka ng dugo o pag-dumi ng dugo
- Seizure