Skin inflammation: sanhi, sintomas, at gamot
Ang skin inflammation o pamamaga ng balat ay sintomas ng reaksyon at paglaban ng ating immune system. Maaari itong magdulot ng pagpula sa balat, pag-init ng balat, pangangati, at pamamaga. Ang skin inflammation ay kayang gamutin gamit ang wastong gamot.

Ano ang skin inflammation?
Ang inflammatory skin diseases ay bunga ng pagpasok ng bakterya o iba pang maykro-organismo sa balat sa pamamagitan ng isang sugat. Karaniwang mga matatanda o mga may mahihinang immune system (o mga tinatawag na immunocompromised) ang mga nagkakaroon ng inflammatory skin conditions. Minsan isang maliit na bahagi lamang ang naapektuhan ng skin inflammatory diseases, pero may mga kaso ring mas malala kung saan umaabot sa mga mas malalim o mas malaking bahagi ng balat ang problema.
Ano ang mga sanhi ng skin inflammation?
Ang ibaāt ibang klase ng skin inflammatory diseases ay bunga ng impeksyong galing sa bakterya, parasites, o fungi. Skin inflammation ang reaksyon ng immune system laban sa mga organismong ito kapag pumasok sa ating katawan at nagdulot ng sakit. Maaari ring allergic reaction ang skin inflammation o dahil sa matinding init na nararanasan ng katawan.
Ano ang mga sintomas ng skin inflammation?
Ang iba sa mga karaniwang sintomas ng skin inflammatory disease ay:
- Pantal na maaaring maging:
- Banat o mala-kaliskis
- Makati o mahapdi
- May umbok o namamaga
- Namumula
- Mainit
- May paltos, butlig, o tigyawat
- Makapal
- Sanhi ng pagdugo
Ano ang mga gamot para sa skin inflammatory disease?
Ang wastong gamot ay nakadepende sa sanhi at uri ng skin inflammatory disease. Ang ilang drugs na maaaring gamitin para gamutin ang skin inflammatory disease ay:
- Antibiotics (sa ilalim ng patnubay ng doktor)
- Antifungal drugs katulad ng cream o tablet