Pananakit ng Sikmura: Kailan Mo Kailangan Uminom ng Gamot sa Kabag

Pananakit ng Sikmura Kailan Mo Kailangan Uminom ng Gamot sa Kabag

Hindi lahat ng sakit sa tiyan ay magagamot sa paginom ng gamot sa kabag. Maraming klaseng sakit sa sikmura. Mayroong mga simpleng pananakit dahil sa hindi pagtanggap ng tiyan sa pagkain, at meron ding pananakit na dulot ng kakulangan sa sustansya.Madalas, ang mga nararanasang pagsakit ng tiyan ng mamamayang Pilipino ay hindi malubha. Pagtatae, pagtitibi, o impasto lang ang malimit na nararanasan. Pero hindi ibig sabihin nito ay hanggang diyan nalang ang pananakit ng tiyan. isa sa mga sakit na dapat mong bantayan ay ang kabag. ito ay dahil sa kanyang iba’t ibang sanhi at mga posibleng maidulot kapag lumala.

Ano ang Kabag?

Ano ang Kabag

Ang kabag ay ang iritasyon, implamasyon o pamamaga ng lining sa loob ng tiyan o bituka. Dahil dito, nagmumukhang pula at inis ang loob ng tiyan. Minsan maaring merong mga hilaw na lugar na maaaring dumugo. Sa ingles, ang kabag ay tinatawag na Gastritis.Ang pinakamadalas na sanhi ng kabag ay ang pagkakaroon ng impeksyon dulot ng bacteria, pero marami pang iba’t ibang sanhi tulad ng paginom ng alak, paninigarilyo, at ang madalas na paginom ng mga painreliever.

Madalas nagkakaroon ng kabag kapag merong kemikal o anuman na nakakasira sa lining ng tiyan. kapag nagkakaroon ng butas ang lining na ito, ang asido sa loob ng tiyan ay maaaring makapinsala sa sa skimura mismo.

Ang Kabag, o Gastritis ay may dalawang uri. Ito ay ang: Acute gastritis at Chronic gastritis. Ang acute gastritis ay ang biglaan na implamasyon o pamamaga ng lining ng tiyan. ito ay malimit pansamantala at malimit sandal lang nararansan. Samantala ang Chronic gastritis naman ay ang unti-unting pamamaga ng lining ng tiyan dahil sa iba’t ibang sanhi.

Kailangan malaman ang kaibahan ng dalawang ito upang mabigyan ka ng tamang gamot sa kabag. Panandalian lang ang acute gastritis at madalas, nagagamot ito ng simpleng gamot. Iba naman ang paggamot sa kabag na matagal nang nararansan, sapagkat possible itong maging sanhi ng ibang mas Malala na klaseng sakit.

Mga Sintomas at Sanhi ng Kabag

Mga Sintomas at Sanhi ng Kabag

A. Mga Sintomas Hindi ka dapat agad agad iinom ng gamot sa kabag hindi ka sigurado kung ito nga ba talaga ang sakit mo. Maraming sintomas ang kabag. Karamihan dito ay sintomas din ng ibang mga sakit sa tiyan. Nakalista sa ibaba ang mga sintomas:

  1. Nausea at ang pagsusuka – Dahil sa kabag, magkakaroon ka ng madalas na pakiramdam ng pagsusuka. Sa mga taong mahihina naman ang loob, malimit ay susuka na talaga sila.
  2. Pakiramdam nang pagiging busog – madalas kapag mayroon kang kabag ay nawawalan ka ng ganang kumain dahil pakiramdam mo ay lagi kang busog.
  3. Ang matinding sakit sa tiyan habang hindi kumakain o sa gabi
  4. Madalas na pagutot, pag-dighay, at pagsinok – normal lang ang mga ito kapag nangyayari iyo sayo ng paminsan minsan lamang. Kapag lumampas na ito sa 25 beses sa isang araw, pwede na siyang masabing sintomas.
  5. Indigestion o dyspepsia – ito ang pananakit ng tiyan pagkatapos mong kumain
  6. Abdominal Bloating – ito ang paglaki o paglobo ng tiyan kahit hindi ka malakas kumain.

Ang mga unang nailaista ay ang mga malimit sintomas ng kabag. Siguraduhing magpatingin agad sa doctor kapag naranasan agad ang mga sintomas na ito. Mas magandang hintayin ang kompirmasyon ng doctor bago ka bumili ng gamot sa kabag.

Merong mga kaso na ang isang tao ay hindi talaga nakakaranas ng sintomas ng kabag. malimit lalabas lang ang mga sintomas ito kapag Malala na ang sakit at Malaki na ang pinsala sa loob ng tiyan. Ang mga ito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng kabag sa loob ng matagal na panahon:

  1. Ang pabalik balik na maiikling pagsakit ng tiyan – mailalarawan ang pagsait ng tiyan na ito na parang mayroong mga karayong na tinutusok sa loob ng tiyan.
  2. Ang pagkakaroon ng maasim na lasa sa bibig – dulot ng pagtaas ng mga asido mula sa tiyan papunta sa bibig, ibig sabihin nito ay hindi na balance ang kalagayan ng loob ng skimura mo.
  3. Ang dumi ay maitim, malagkit, at sobrang panghi, na parang nabubulok – isa sa sintomas na nagasasabing Malala na talaga ang iyong kabag. ibig sabihin nito ay matagal na ang pamamaga na ito at naapektuhan na pati ang bituka.
  4. Pagsusuka ng dugo – magsisimula kang magsuka ng dugo kapag nagsimula nang magsugat ang pamamaga sa lining ng tiyan mo. Ito ang masasabing pinakamalalang sintomas na pwede mong maranasan.

Hindi na sapat ang paginom ng gamot sa kabag kapag naranasan mo na ang apat na sintomas na nabanggit. Tulad ng binanggit kanina, siguraduhing magpatingin agad sa doctor kapag naranasan ang mga sintomas dito. Ang doctor na dapat mong puntahan ay ang mga doctor of internal medicine o ang gastroenterologists.

B. Mga Sanhi

Ang pinakakilalang sanhi ng kabag ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa lining ng tiyan. ang tawag sa bacteria na gumagawa nito ay ang Helicobacter pylori. Malimit, kapag nahawaan ng bacteria na ito, didikit ito agad sa lining ng sikmura. Doon siya mananatili at magdudulot ng pamamaga. Posible din na pagkatapos nito dumikit sa lining ng tiyan ay mananatili lang siya doon, kung minsa’y umaabot ito ng taon. Sa loob ng mga taong nasa tiyan lang siya, unti-unti niyang sinisira ang lining ng sikmura.

Kailngan ding tandaan na hindi lang ang Helicobacter pylori bacteria ang nagiisang sanhi ng kabag. maraming mga bagay na tumutulong sa pagkakaroon at paglala ng kabag. ito ang iba pang mga sanhi:

  1. Madalas na paginom ng mga pain reliever na gamot – ang mga gamot na ito ay itinuturing na irritants ng tiyan kapag madalas itong iniinom. Kapag malimit ang paginom ay maaari nitong masira ang lining ng tiyan dahil sa mga kemikal na meron ditto.
  2. Impeksyon mula sa ibang bacteria, virus, at mga parasite
  3. Bile reflux – ito ay nagaganap kapag ang bile na nakaimbak sa atay ay napapunta sa sikmura dahil sa kung anong dahilan. Ang bile ay masasabing mas malakas kung ikukumpara sa asido ng tiyan kaya nasisira rin nito ang lining ng sikmura.
  4. Pernicious Anemia – ang karamdaman na ito ay ang hindi kayang magabsorb ng tiyan at magdigest ng Vitamin B12.
  5. Ang madalas na paginom ng alak, at paninigarilyo

Mga Lunas at Gamot sa Kabag

Mga Lunas at Gamot sa Kabag

Iba iba ang mga gamot sa kabag batay sa sanhi nito. Tandaan na hindi basta basta ang mga gamot na ito. Posibleng gumana ang isang klase para sa kabag na sanhi ng bile reflux, ngunit hindi ito gagana sa kabag na sanhi ng anemia.Ang antibiotic ay ang gamot sa kabag na dulot ng mga bacteria o virus. Ipapainom ito ng dalawang linggo. Posibleng tumagal o umikli ang panahon ng paginom depende sa uri, dami at lala ng bacteria. Ang mga madalas ireseta ng mga doktor na antibiotic ay ang mga sumusunod: Amoxicilin, Clarithromycin, Metronidazole, at Tetracycline.

Kapag ang sanhi naman ay ang pagkakaroon ng maraming asido sa tiyan, ang rinereseta ay ang gamot na tinatawag na antacid. ang gamot na ito ay nagbabalanse ng mga asido sa tiyan para maging metatag muli ang tiyan. kailangan tandaan na ang paginom ng antacid ay maaring magduot ng pagtatae o pagiging constipated bilang side effect.

Para sa mga malalang kaso ng pagkakaroon ng maraming asido sa tiyan, meron ding gamot na pumipigil o nagpapabawas sa produksoyn ng mga ito. Nakakatulong ang pagbawas ng asido sa tiyan para mabilis gumaling ang lining sa sikmura. Ang ilan sa mga gamot na ito ay ang mga sumusunod: Lansoprazole, Ranitidine, Omerprazole, at Cimetidine.

Kapa gang sanhi naman ay ang Prenicious anemia, kailangan mong magpainiksyon ng vitamin B12 para masolusyunanang kakulangan mo nito.

Maraming iba’t ibang klase ng gamot sa kabag. bago pumili ng gagamitin ay siguraduhing alam ang sanhi dahil dito talaga malalaman kung tama ba o mali ang iinumin mong gamot sa kabag.

Iba Pang Karamdaman sa Sikmura

Ang kabag ay isang sakit na maraming sintomas. Karamihan dito ay posiblng mga sintomas din ng ibang mga sakit sa sikmura. Tulad ng nabanggit na, wag basta basta iinom ng gamot sa kabag dahil kahit kita na ang mga sintomas, mayroon paring pagkakataon na hindi talaga kabag ang iyong sakit.

Para makatulong sa pagalam kung kabag ba talaga o hindi ang sakit mo, ito ang iilan sa maraming sakit sa sikmura na possible mong makuha:

  1. Impatso o Indigestion – ito ay kadalasang nararanasan kapag mabagal ang proseso ng magtunaw ng tiyan. madalas ito nangyayare kapag masyadong maraming kinain, hindi nanguya ng maayos ang pagkain, o masyadog mabilis ang pagkain.
  2. Flatulence – ito ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng hangin sa tiyan. kapag nararanasan mo ito, makakaramdam ka ng pananakit ng sikmura hanggat hindi nakakawala ang hangin na nakapasok. Madalas itong dulot ng madalas na paginom ng mga carbonated na inuin, at pagkalunok ng hangin.
  3. Pagtatae o Diarrhea – kapag meron ka nito, ang iyong dumi ay matubig. Madalas itong dulot ng pagkain na hind ikatanggap-tanggap sa katawan.
  4. Pagtitibi o Constipation – kabaligtaran ng pagtatae, ito ay nararansan kapag hindi maayos na malabas ang dumi. Dahil hindi ito mailabas ngmaayos, nagdudulot to ng pananakit ng tiyan. madalas itong dulot ng hindi paginom ng tubig o kaya kakulangan ng fiber sa mga kinakain.
  5. Food Poisoning – ang pagkain na kontaminado ng mga nakakalasong kemikal ay makakapagdulot ng matinding pananakit ng tiyan. malimit dahil ito sa hindi maayos na pagayos at pagluto ng pagkain.
  6. Appendicitis – ito ay ang implamasyon ng maliit na bahagi ng bituka na tinatawag na appendix. Ang pamamaga nito ay nangyayari kapag nabarahan ito o pinasok ito ng parasite o bacteria. Kapag naranasan ito, kadalasan ay kailangan ang agad-agad na operasyon.
  7. Ulcer sa sikmura – ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng maliliit na sugat dahil sa asidong nasa loob ng tiyan. kapag ang sugat na ito ay pinasukan ng bacteria na Helicobacter pylori, maaring itong lumala at lumawak.

Ang Mga Panganib na Maidudulot ng Kabag

Ang Mga Panganib na Maidudulot ng Kabag

Hanggat ang nararanasang kabag ay pansamantala lamang, madali itong magagamot. Pero kailangan niyong tandaan na kapag nagkaroon na kayo ng impeksyon sa lining ng tiyan, Malaki na ang tiyansang mararanasan niyo ang malalang klase ng kabag kapag mayroon kayong mga ginawa na makakapagpalala dito. Bilang isa tong sakit sa loob ng tiyan, hindi ito basta basta mawawala. Kapag napabayaan ito, maari itong magdulot ng dalawang klase na malalang sakit sa tiyan.Ang una sa mga sakit na ito ay ang Ulcer. Ang pangunahing sanhi ng ulcer ay ang bacteria na Helicobacter pylori, at ang matagal at madalas na paginom ng mga pain-reliever. Kung mapapansin niyo, pareho lang sila ng sanhi ng Kabag. kapag ang kabag niyo ay lumalala at nagging ulcer, kakailanganin niyo na muling pumunta sa doktor at magpatingin. ang ulcer ay madalas nagagamot sa pamamagitan ng mga antibiotic, ngunit kapag Malala ito, kakailanganin niyong magpaopera agad.

Ang ikalawang sakit at ang pinakamalala an ang Stomach cancer. Hindi pa alam ang pinakasanhi ng stomach cancer. pero maraming mga bagay na angpapataas ng peliro na magkakaroon ang isang tao nito. Ang mga nagpapataas nito ay:

  1. Tanda – malimit nangyayare ito sa mga taong nasa 55 na taong gulang at mas matanda.
  2. Ang pagkakaroon ng pernicious anemia
  3. Mga kinakain
  4. Paninigarilyo
  5. Matagalang impeksyon ng h.pylori bacteria

Katulad ng sa Ulcer, ang impeksyon ng H. pylori ay isa sa mga nakakapagtaas ng tsansa na magkaroon ng stomach ulcer. Dahil dito, kapag nagkasakit ka na ng kabag, hindi mo lang kailangan uminom ng gamot sa kabag. kailangan mo rin baguhin ang pamumuhay mo upang maiwasan ang iba pang mga posibleng maidulot nito na sakit.

Mga Dapat Tandaan Upang Maiwasan Magkaroon ng Kabag

Mga Dapat Tandaan Upang Maiwasan Magkaroon ng Kabag

Ang pinakamabisang gamot sa lahat ng sakit ay ang paggawa ng paraan upang iwasan ito. Hindi mo nakakailanganing uminom ng gamot sa kabag kapag meron ka nang plano para hindi ka magkaroon nito.Ang pinakamabisang paraan upang maiwasang magkaroon ng kabag ay ang pagkakaroon ng balanseng diyeta. Bantayan mo lahat ng kinakain mo at alamin mo kung ano ang magagawa nito para sa katawan mo. Ang pagbantay ng diyeta mo ay makakatulong ding ipaalam sayo kung ano ang hindi mo dapat kainin.

Subukan din bawasan o tigilan na ang paginom ng alak at paninigarilyo para masiguradong mabuti at malinis ang loob ng katawan.

Piliin ang The Generics Pharmacy Para sa Iyong Gamot sa Kabag

Para sa lahat ng kailangan niyo ukol sa gamot sa kabag, pati na rin gamot sa diabetes o gamot sa lagnat,  siguraduhing sa The Generics Pharmacy kayo pumunta! Ditto, masisiguro niyong makakabili kayo ng kalidad na gamot sa murang halaga!

Para makita ang buong pagpipilian, i-click lamang sa link na ito!