Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Filter by Categories
articles
banner
banner-test
community
mother-banner
services
trending
Uncategorized

Ang Tamang Lunas at Gamot Para Sa May Mga Lagnat

Tamang Lunas at Gamot Para Sa May Mga Lagnat

Ang lagnat ay isa sa mga pinakapangkaraniwang klase ng sakit. Kahit matanda o bata ka pa, ikaw ay pwedeng magkalagnat. Maraming sanhi na maaring magdulot ng lagnat. Ang mga halimbawa ng mga sanhi ay mga sakit katulad ng dengue, trangkaso, heat stroke, at marami pang iba. Dahil sa madaming rason na ikaw ay pwede magkaroon ng lagnat, ito ay nangangailangan ng maselan na pagsusuri galling sa isang propesyonal na praktisado sa medisina. Ito rin ay nangangailangan ng tamang gamot, para maibigay ang wastong lunas. Bago natin pag-usapan ang mga tamang lunas at gamot para sa lagnat, kailangan muna natin malaman ang mga sakit at sintomas ng lagnat.


Ang mga sintomas ng lagnat

Ang lagnat ay isang kondisyon na ang temperatura ng katawan ay tumataas. Ang pag-angat ng temperatura ay bunga ng katawan sa kadahilanang ito ay pinoprotektahan laban sa mga iba't-ibang sakit at impeksyon. Dahil sa dami ng sakit na nagiging sanhi ng lagnat, kailangan gumamit ng tamang gamot at lunas para ito ay hindi lumala. Ang lagnat ay may mga sintomas na makikita agad pagpakatpos ng ilan na araw. Ang mga sintomas ng lagnat ay ang mga nabibilang:

Sintomas ng lagnat
  1. Sakit ng Ulo

    Ang pagkaraniwan na klase ng sakit ng ulo na nararanasan ng mga tao habang mayroong lagnat ay ang tinatawag na tension headache. Ang ganitong klase ng sakit ng ulo ay ang nagiging sanhi ng hapdi at kirot sa mga parte ng ulo at sa mga mata. Pwede rin makaranas ng paghahapdi sa leeg na pwede ring umabot sa ulo. Kapag lumala ang sakit sa ulo, maaring gumamit ng tamang gamot tulad ng paracetamol at ibuprofen.

  2. Kapaguran

    Ang kapaguran ay nagreresulta sa kawalan ng enerhiya. Ito ay nararamdaman habang ang katawan ay lumalaban ng sakit. Importante na pigilan ang nakakaramdam ng kapaguran na makibahagi sa mga aktibidad na pisikal at nakakapagod.

  3. Sakit sa kalamnan

    Ang sakit sa kalamnan ay konektado sa sintomas ng kapaguran. Ang karaniwang mararamdaman ng tao na may sakit sa kalamnan ay ang sakit sa likod, braso, kamay, paa, at mga binti. Ang nakakaramdam ng ganitong sintomas ay nangangailangan ng pahinga at pigilan makibahagi sa mga aktibidad ng pisikal. Importante na makapahinga ang katawan hanggang ito ay gumaling.

  4. Pagbabago ng temperatura ng katawan

    Ang pinaka pangkaraniwang sintomas na nararanasan ng isang tao na may sakit na lagnat ay ang pagbabago ng temperatura ng katawan. Ang temperatura ng katawan ay tumataas na nagreresulta sa pag-iinit ng katawan sa labas, sapagkat ang nararamdaman ng katawan sa loob ay malamig. Importante na ang katawan ay nakabalot ng kumot at nakasuot ng makapal na damit.

  5. Walang gana kumain

    Ang kawalan ng ganang kumain ay isa rin na pangkaraniwang sintomas ng tao na may lagnat. Ito ay dahil sa kawalan o pagbago ng panlasa sa bibig. Ang pinaka epektibo na paraan para dito ay kumain ng malalambot na pagkain tulad ng lugaw at sabaw, para makakain at magkaroon ng sapat na nutrisyon ang katawan upang gumaling kaagad sa karamdamang lagnat.


Ang mga sakit na sanhi ng lagnat

Maraming klase ng sakit ang pwedeng makuha na pwede maging sanhi ng lagnat. Ang mga sakit na ito ay madalas na malumanay, pero pwede rin magkaroon ng lagnat sa mga malubhang klase ng sakit. Ang mga halimbawa ng mga sakit na ito ay:

Sanhi ng lagnat
  1. Dengue

    Ang sakit na dengue ay nakukuha galing sa kagat ng isang lamok na ang kasarian ay babae. Karaniwan na makakakuha ng dengue sa panahon ng tag-ulan. Ang sakit na dengue ay isang malubha na sakit na pwede magresulta sa lagnat na may matataas na temperatura at may posibleng tsansa ng kamatayan kapag di naagapan ng mas maaga. Importante na gumamit ng repellent na pwede ilagay sa balat at magsuot ng makapal na damit para hindi makagat ng mga lamok.

  2. Trangkaso

    Ang trangkaso ay isang klase ng sakit na nakakaapekto ng baga, ilong, at lalamunan. Maraming klase ng trangkaso ang pwede makuha ng isang tao sa mga iba't - ibang mga sanhi tulad ng hayop, insekto, at mga kapwa tao. Ang ibang mga sintomas ng trangkaso ay ang pagsusuka, pagtatae, at pagkahilo. Ito ay isang sakit na nakamamatay na mahirap bigyan ng epektibo na lunas kapag ito ay nasa huling yugto na. Kung kaya't importante na uminom ng maraming tubig at tsaa, kumain ng mga gulay at prutas - tulad ng luya, limon, kalamansi, dalandan - at mainit na mga sabaw.

  3. Pulmonya

    Ang pulmonya ay isang impeksyon sa baga na pwedeng makuha galing sa mga mikrobyo, fungi, at mga parasito. Kapag ito ay hindi naagapan ng maayos, ito ay pwedeng maging malubhang sakit na nakakamatay. Ang tao na may pulmonya ay nakakaramdam ng mataas na temperatura, ubo, kawalan ng hinga, at paghahapdi sa dibdib. Ito ay isa sa mga pinakamalubhang sakit na nangangailangan ng propesyonal na panggagamot mula sa ospital.

  4. Bulutong

    Ang bulutong ay isang klase ng impeksyon na nakakaapekto sa balat ng isang tao. Ito ay ang sakit na nagkakaroon ng mga paltos sa balat ng isang tao. Ito ay tunay na nakakahawa at mas malubha ito kapag nahawaan ang isang matanda na tao. Pangkaraniwang sakit ito sa mga bata, at kapag nagkaroon na ng bulutong ang isang tao, hindi na ito magkakaroon ng bulutong sa kanyang pagkatanda.

  5. Tigdas

    Ang tigdas ay isang klase ng sakit na pangkaraniwan na nakukuha ng mga bata at sanggol. Ito ay pwedeng makuha habang nasa kabuntisan pa ang isang nanay. Ang tao na mayroong tigdas ay nagkakaroon ng mga pantal sa katawan at nakakaroon rin ng lagnat. Pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Kagaya ng bulutong, kapag ang isang tao ay nagkaroon na ng tigdas, hindi na siya magkakaroon ng tigdas sa mga darating na taon ng kanyang buhay.


Ano ang tamang lunas at gamot para sa lagnat?

Kapag ang isang tao ay mayroong pangkaraniwang klase ng lagnat, ito ay nangangailangan ng simpleng gamot. Sa mga malubhang kaso ng lagnat, kailangan pumunta ng taong apektado sa isang ospital at uninom ng maraming gamot. Sa mga naghahanap ng mga mabisang klase ng gamot laban sa lagnat, maaring pumili sa mga gamot na nakalista sa ilalim:

lunas sa lagnat
  1. Paracetamol

    Ang paracetamol ay isang gamot na epektibo sa maraming uri ng lagnat. Ito ay nakakatulong sa sakit ng ulo at sa pagbago ng temperatura ng katawan. Ang gamot na ito ay isang ring klase ng mabisang gamot laban sa sakit ng ulo, ngipin, at likod. Ito rin ay pwedeng maging gamot sa pamamaga ng mga parte ng katawan. Inirerekomenda na ang paggamit ng paracetamol ay limitado sa isang araw lamang dahil ang sobrang paggamit nito ay maaring magdulot ng mga malulubuhang kondisyon sa katawan. Ang paracetamol ay pwedeng bilin bilang isang tableta o likido para sa mga bata.

  2. Etoricoxib

    Ang etoricoxib ay isang klase ng gamot ng pumipigil sa pagmamaga ng mga parte ng katawan. Importante na uminom ng tamang dami ng gamot para hindi makaranas ng mga hindi kanaisnais na mga epekto sa katawan. Kailangan rin malaman ng doktor kung mayroong alerhiya o ibang mga kondisyon sa katawan na pwede makaapekto sa kalusugan.

  3. Mefenamic acid

    Ang mefenamic acid ay isang gamot na nakakatulong sa mga mahapdi na mga parte ng katawan. Ito ay epektibo sa sakit sa kalamnan, likod, braso, at mga binti. Ang mefenamic acid ay isang gamot na hindi pwede gamitin ng mga tao na may kondisyon sa puso o may problema sa atay.

  4. Sumatriptan

    Ang sumatriptan ay ang gamot na nakakatulong sa sakit ng ulo na dulot ng lagnat. Natutulungan nito na mawala ang sakit sa ulo sa pamamagitan ng pagluwag ng mga daluyan ng dugo. Hindi pwedeng gamitin ang Sumatriptan kapag may kondisyon sa puso o mayroong ibang klase ng sakit sa ulo.

  5. Tramadol

    Ang tramadol ay isang gamot na para sa mga matinding klase ng hapdi at kirot sa katawan. Ito ay pwedeng gamitin para maging lunas sa mga hapdi at kirot dahil mabilis itong umepekto sa katawan. Sa kadahilanang ito ay isang klase ng malakas na gamot, hindi ito pwedeng inumin kapag may kondisyon sa tiyan, bituka, at sa mga tao na may problema sa paghihinga.


Mga natural na lunas para sa lagnat

natural na lunas sa lagnat

Maliban sa paggamit ng mga tamang gamot na para sa lagnat, kailagan rin ng mga tamang lunas at pag-aalaga sa isang tao na mayroong lagnat. Sa pamamagitan mga mga paraan na ito, sigurado na maayos ang paggaling ng katawan ng mayroong lagnat. Nakalista sa ilalim ang mga tamang paraan na pwedeng gamitin sa mga taong nakakaranas ng lagnat:

  • Magpahinga sa kama

    Ang pagpahinga sa kama ay nakakatulong sa paggaling ng katawan dahil pinipigilan nito ang pag-aalis ng tubig at kapaguran.

  • Uminom ng tubig

    Ang tamang dami kapag umiinom ng tubig ay 8 baso sa isang araw. Nakakatulong ito sa paggaling ng katawan habang bumababa ang temperatura.

  • Maligo sa maaligamgam na tubig

    Nakakatulong ito sa pagbaba ng temperatura ng katawan. Huwag gumamit ng alkohol sa katawan dahil ito ay pwedeng maging sanhi ng pag-angat ng temperatura ng katawan.

  • Regular na pagkuha ng temperatura

    Importante na kuhanan ng temperatura ang isang tao na may lagnat para malaman kung ang temperatura ng katawan ay umaangat or bumababa. Kapag ang temperatura ay umaangat, inirerekomenda na pumunta sa isang doktor para malaman kung ano ang tamang gamot na ibibigay at ang bilang nito na dapat i-konsumo.


Konklusyon

Ang lagnat ay isa sa mga sakit na pwedeng mabigyan ng maayos at epektibong gamot at lunas. Maraming sanhi ang lagnat at pwede ito maging malubha kapag hindi ito naagapan ng maayos. Marami ring gamot na pwedeng gamitin para labanan ang lagnat, pero kailangan rin malaman kung ano ang tamang dami na pwede sa isang araw. Kung may kaibigan o kapamilya kayo na mayroong lagnat, alam niyo na ang tamang gamot at lunas sa paggaling. Para sa epektibo at mura na gamot, ang The Generics Pharmacy ay ang iyong pinaka maasahan na botika para sa mga kailangan mo sa iyong kalusugan.


Ano ang The Generics Pharmacy?

Ang TGP, o ang The Generics Pharmacy, ay isang kumpanya na panggamot na itinatag noong 1949. Ang layunin ng kumpanya ay magbigay ng mga mura at epektibo na mga gamot sa mga Pilipino sa pamamagitan ng generic na mga gamot. Noong 2001, ang TGP ay pumasok sa pagtitingi at nagbukas ang kumpanya ng mga tindahan sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Ngayong 2017, ang TGP ay may 1700 na tindahan sa buong Pilipinas at ito na ang pinakamalaking pagtitingi ng parmasyutika sa bansa. Layunin rin ng kumpanya na makasigurado na ang mga Pilipino ay kayang makabili ng tamang gamot. Dahil sa mabuting serbisyo ng kumpanya, ang TGP ay nanalo ng napakamaraming premyo at gatimpala mula sa mga iba't-ibang organisasyon sa loob ng bansa at gobyerno.

Ang Pananaw ng The Generics Pharmacy

Ang maging botika na pinipili ng mga Pilipino bilang isang lugar na sila ay makakabili ng mura at epektibong mga gamot at maging isa sa pinaka maasahan na kumpanya sa larangan ng medisina.

Ang Layunin ng The Generics Pharmacy

Importante sa kumpanya ay ang makasigurado na malusog ang mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mura at epektibong klase ng mga gamot.

Saan ang mga botika ng The Generics Pharmacy?

Mayroong 1700 na botika ng TGP sa buong bansa. Upang mahanap ang iyong tanging botika, pwede tignan ang listahan ng mga botika dito.

Ano ang mga produkto ng The Generics Pharmacy?

Maraming klase ng gamot ang mabibili sa The Generics Pharmacy - ito ay sigurado na mura, epektibo, at hindi nag-expire. Para makita ang hinahanap mong gamot, pwede tignan ang listahan ng mga gamot na makukuha dito.

Paano kami makakasigurado na ang gamot ay mabisa at bago?

Ang The Generics Pharmacy ay naninigurado na ang gamot na binibigay namin ay epektibo at ligtas. Marami nang tao ang gumaling dahil sa mga gamot galing sa botika ng TGP. Para malaman ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa gamot na galing sa TGP, pwede itong tignan dito.

Ano ang mga gatimpala na nakuhang The Generics Pharmacy?

Ang TGP ay nakahakot ng maraming gatimpala galing sa gobyerno at sa mga kilalang organisasyon. Para makita ang iba't-ibang gatimpala na napanalunan ng TGP, maari itong makita dito.

Ano ang mga iba't-ibang serbisyo na meron sa TGP?

Maliban sa mga botika at ang mga produkto, ang TGP ay mayroong ibang klase ng mga serbisyo para sa mga mamayang Pilipino. Maaring tumingin dito para makita ang mga serbisyo ng TGP.

May mga katanungan ka pa ba tungkol sa gamot at serbisyo ng TGP? Maari kayong pumunta dito para mahanap ang mga importanteng tanong tungkol sa gamot, botika, at ang kumpanya.