Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Filter by Categories
articles
banner
banner-test
community
mother-banner
services
trending
Uncategorized

Mga Mahalagang Palatuntunin sa Pagpili ng Gamot sa Sinusitis

Mga Mahalagang Palatuntunin sa Pagpili ng Gamot sa Sinusitis

Ang Pilipinas ay mayroong dalawang uri ng panahon: tag-araw at tag-ulan. Ang mga panahong ito ay nagdudulot ng kung anu-anong uri ng sakit sa mga Pilipino. Halimbawa, ang tag-araw ay madalas nagdudulot ng sunburn, heat stroke, at pati na rin ubo at sipon. Ang tag-ulan naman ay nagdudulot ng lagnat, trangkaso, at sinusitis. Ang mga gamot para sa mga sakit na ito ay tila napakabenta tuwing natataon sa panahon.Madalas nagkakasakit ang mga tao tuwing tag-ulan (mula Hunyo hanggang Disyembre) dahil lumalamig ang panahon. Ang lamig at ang ginaw na nararanasan ng isang Pilipino ay maaaring magdulot ng samo’t saring sakit tulad na lamang ng sinusitis.

Ang mga taong nagkakaroon ng sinusitis ay madalas nakakaranas ng baradong ilong. Madalas ang mga pasyenteng nakakaranas nito ay isinasantabi ang kanilang kalagayan sapagkat akala nila ay ito ay simpleng sipon lamang. Ngunit, dapat ikaw ay magpakonsulta sa iyong doktor upang ito ay malunasan ng maaga pa lamang.

Ang sinusitis ay hindi magiging sanhi ng malubha pang karamdaman kung ikaw ay mabibigyan ng tamang lunas at gamot sa sinusitis.

Dapat mo rin malaman na kadalasang nakukuha ng mga pasyente ay ang tinatawag na acute sinusitis. Ito ay nagdudulot ng pamamaga sa iyong sinuses na makikita sa loob ng iyong ilong at ulo. Dahil sa pamamaga na ito, nahihirapang pumasok ang hangin na nagiging sanhi kung bakit ang isang pasyente ay nahihirapang huminga. Bukod pa rito, ang mga lugar na nakapalibot sa iyong mga mata at ang iyong mukha ay nagiging masakit kapag hinawakan at maaaring magdulot ng sakit sa ulo.

Ang sinusitis ay maaaring maging sanhi ng infection, allergy, at iritasyon ng sinuses. Para maagapan ito, tatalakayin sa sulatin na ito ang iba’t ibang uri ng sinusitis at ang mga angkop na lunas para rito.

Ano ang Sinusitis?

Ang sinusitis ay nangyayari kapag namaga ang mga tissue na nakapalibot sa iyong sinuses. Ito ay kabaliktaran ng pagkakaroon ng malusog na sinuses, dahil ang sinuses na walang problema ay puno ng hangin. Ngunit dahil nga sa pamamaga, nagiging barado ang mga ito at nagkakaroon ng tubig at mga mikrobyo na maaaring maging sanhi ng impeksyon.

Ang pagbabara ng sinusitis ay dahil sa pagkahawa ng sipon, pagkakaroon ng allergic rhinitis o pamamaga ng lining ng iyong ilong, at pagkakaroon ng nasal polyps o mga maliliit na bukol sa lining ng ilong. Mabisa rin na tukuyin ang iba’t ibang uri ng sinusitis nang sa gayon ay malaman mo kapag ikaw ay nadapuan ng sakit na ito. Ito ang mga uri ng sinusitis na maaari mong maranasan:

 

  • Acute Sinusitis Ito ay kadalasang nagsisimula sa mga sintomas na katulad ng sakit na sipon. Iilang halimbawa nito ay baradong ilong at pananakit ng mukha. Ito ay maaaring magsimula na lamang ng biglaan at ito rin ay maaari ring magtagal ng dalawa hanggang apat na linggo. Kapag nakakaramdam na nito, mainam na magpahinga at uminom ng maraming tubig.
  • Subacute Inflammation
    Ang subacute na uri ng sinusitis ay isang bahagyang pamamaga ng sinuses na pwedeng tumagal ng apat hanggang labindalawang linggo. Ito ay isang simpleng uri ng sinusitis na hindi ganoong kalala katulad ng acute sinusitis.
  • Chronic Inflammation
    Ang chronic inflammation naman ay isang uri ng sinusitis na maaaring tumagal ng labindalawang linggo o higit pa. Kapag ito ay nangyari sa iyo, marapat na sumangguni ka na sa doktor para ikaw ay makatanggap ng lunas at gamot para sa sinusitis na ito.
  • Recurrent Sinusitis
    Recurrent sinusitis ang tawag sa uri ng sinusitis na maaaring magpabalik-balik ng ilang beses sa loob ng isang taon. Ito ay nagdudulot ng masakit na sinuses at malalang pagbabara sa ilong.

Paano Matutukoy ang mga Sanhi ng Sinusitis?

Paano Matutukoy ang mga Sanhi ng Sinusitis

 

Tukuyin natin ang mga sintomas ng sinusitis upang malaman mo kung ikaw nga ay mayroon na nito o pangkaraniwang sipon lamang ang iyong nararanasan.

Para sa mga nakakatanda, nagiging madalas na sanhi ng sinusitis ay ang pagkakaroon ng impeksyon at pagkakaroon ng bisyo na paninigarilyo. Inilista naming sa ibaba ang mga iba pang sintomas ng sinusitis.

Mga Sintomas ng Acute Sinusitis:

  • Pananakit ng mukha dahil sa pressure
  • Baradong ilong
  • Runny nose
  • Pagkawala ng pang-amoy
  • Pag-ubo
  • Lagnat
  • Mabahong hininga
  • Panghihimagod o madalas na pagiging matamlay
  • Pananakit ng mga ngipin
  • Kung ikaw ay nilalabasan ng malapot, berde, o dilaw na likido sa ilong mo.

Mga Sintomas ng Chronic Sinusitis:

  • Pakiramdam na parang namamaga ang iyong mukha
  • Pagkakaroon ng bara sa ilong
  • Pagkakaroon ng nana na lumalabas sa ilong
  • Pananakit ng ulo, mabahong hininga, pananakit ng ngipin
  • Pagkapagod
  • Ikaw ay may chronic sinusitis kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito sa loob ng mahigit labindalawang linggo.
Ito ang ilan sa mga sintomas ng sinusitis pero lagi pa ring tatandaan na maraming mga medical na kundisyon ang maaaring magdulot ng mga sintomas na nabanggit sa itaas. Mabuti pa rin na kumonsulta sa doktor nang matukoy kung sinusitis nga ba ang iyong karamadaman.

Mga Lunas at Gamot sa Sinusitis?

Mga Lunas at Gamot sa Sinusitis

Kung ikaw ay reresetahan ng iyong doktor ng antibiotics, kailangan mo itong inumin sa loob ng sampu hanggang labing-apat na araw. Karaniwang gamot sa sinusitis ang mga antibiotics. Kaya kapag hindi nalapatan ng tamang antibiotics ang sakit na ito, ang impeksyon ay maaaring lumaganap sa mucous membrane ng sinuses patungo sa buto, utak, at maging sa meninges nito. Ang meninges ay ang tatlong membranous layers na nagbibigay proteksiyon sa iyong utak at sa iyong spinal cord. Lubos ding makakatulong dito ang allergy shots o immunotherapy upang maiwasan ang pagbalik ng sakit na ito.

Ang kadalasang gamot sa sinusitis ay antihistamines at nasal corticosteroid sprays. Ang mga lunas na ito ay nakakatulong sa mga mayroong nasal polyps o allergies. Bukod pa rito, maaari ring magbigay lunas ang steroids at antibiotics sa sinusitis, ngunit kailangan mong komunsulta sa iyong doktor.

Kung ito ay hindi maaagapan, maaaring ikaw ay magkaroon ng iba pang malubhang sakit tulad ng abscess, osteomyelitis (impeksyon sa buto), meningitis, at orbital cellulitis (impeksiyon sa balat na pumapalibot sa iyong mga mata). Kapag ikaw ay nakararanas ng sinusitis ng higit sa tatlong buwan, maaari kang operahan para ito ay tuluyang maibsan.

Ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa sinusitis ay ang agarang paggamot kapag ikaw ay nagkaroon ng trangkaso, allergies, at sipon. Mainam din na kumain ka ng maraming prutas at gulay na sagana sa antioxidants at sustansya na makakabuti sa iyong immune system.

Bukod pa rito, uminom ng maraming tubig at likido. Payo ng mga eksperto, mabuting uminom ng sampung baso ng tubig sa loob ng isang araw. Nakabubuting gawin mo ito kahit na ikaw ay hindi nakararanas ng sintomas ng sinusitis. Kung ikaw ay nadadama ng mga ito, maglagay ng tuwalyang binasa sa mainit na tubig sa iyong mukha ng ilang beses sa isang araw para maibsan ang sakin na iyong nararamdaman.

Ang paggamit ng air humidifier ay nakakatulong din para sa pag gamot sa sinusitis. Lumanghap ng steam o singaw upang mapaluwag ang paglabas ng plema, mabawasan ang pangangati ng lalamunan, at lumuwag ang iyong pag hinga. Maaari ka ring magpabakuna laban sa trangkaso bawat taon.

Gumamit din ng decongestant, saline, o nasal decongestant drops o spray para sa sakit na ito. Iwasang kumain ng matatamis, mamantika, at maaalat na pagkain. Isa pang dapat iwasang pagkain ay ang mga dairy foods dahil ito ay nakakadagdag ng plema (mucus formation). Iwasan din ang paninigarilyo at mga usok ng mga pollutants. Umiwas sa stress, malalamig na lugar, at maging malinis sa katawan. Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos makipagkamay o humawak ng mga bagay bagay.

Anu-Ano ang mga Pwede Maging Komplikasyon Kung Ikaw ay Nagkaroon ng Sinusitis?

Anu-Ano ang mga Pwede Maging Komplikasyon Kung Ikaw ay Nagkaroon ng Sinusitis

Mayroong mga kumplikasyon na maaaring ibigay ang sinusitis kapag ito ay hindi ginagamot. Siguradong tatagal ang pananakit ng iyong ilong hanggang kusa nalamang ito gumaling pero mayroong mga kaso na ang sinusitis na hindi nagamot ay nauuwi sa meningitis, nana sa utak, o impeksyon sa buto. Kaya mabuti nang makipag-usap sa doktor kung ikaw ay nangagamba.

Ang mga komplikasyon na maaari maging dulot ng sinusitis ay:

  • Allergic Rhinitis o Hay Fever
  • Cystic Fibrosis
  • Kartagener Syndrome o Immotile Cilia Syndrome
  • Pagkakaroon ng Malaking Adenoids
  • Impeksiyon sa Ngipin
  • Mababang Immune System dahil sa HIV o Chemotherapy

Kapag ito ay nangyari, maaaring magsagawa ng pagsusuri tulad ng paghahanap sa palatandaan ng polyps, paggamit ng ilaw sa sinuses o transillumination para mahanap ang palatandaan ng pamamaga ng sinuses, pagtutok sa bahagi ng sinuses upang hanapin ang impeksiyon, regular na x-ray sa sinuses gamit ang fiber-optic scope (nasal endoscopy o rhino-scopy), pagsasagawa ng Computerized Axial Tomography (CT) scan sa sinuses upang malaman kung kinakailangang sumailalim sa operasyon, at Magnetic Resonance Imaging (MRI) kung ang sinusitis ay may kasamang tumor o impeksyon na dulot ng fungus.

Kapag ang pasyente ay may chronic o recurrent sinusitis, siya ay maaaring sumailalim sa iba pang pagsusuri tulad ng allergy testing, pagsusuri ng dugo para sa HIV o iba pang pagsusuri para sa mahinang immune function, ciliary function test, nasal cytology, at sweat chloride test para sa cystic fibrosis.

Mga Remedyong Para sa Sinusitis

Mga Remedyong Para sa Sinusitis

Bukod sa mga lunas sa sinusitis na mabibili sa botika, mayroon ding mga epektibong remedyong pantahan na maaari mong magamit bilang lunas sa sakit na ito. Bukod sa mga nireseta ng doktor na gamot para sa sinusitis, maaari mo ring gawin itong mga hakbang para sa mabilis na paggaling sa sakit na ito. Ito ay mabisang gawain upang malabanan ang nakakairitang impeksiyon na ito.

Kasabay ng pag inom ng gamot para sa sinusitis, ang mga remedyong ito ay makakatulong para matukoy ng doktor kung pababalik-balik nga ang pagdapo ng sakit na ito sa iyong katawan.

Ilan sa mga nirerekomendang lunas na maaaring mong gawin sa iyong tahanan ay:

Massage Oils

Ito ay nakakatulong bilang natural na decongestion na nakakatulong sa pagibsan ng baradong ilong. Ito ay mabisang pang iwas sa pamumula at ito rin ay antimicrobial.

Kakailanganin mo ang mga sangkap na ito:

  • 3 – 4 na patak uri ng halaman langis
  • 3 – 4 na patak lavender oil
  • 3 – 4 na patak ng lemon oil

Mga Direksyon:

  1. Paghaluin muna ang lahat ng langis at ibuhos ang isang patak o dalawa sa iyong mga kamay
  2. I-masahe ito sa iyong leeg, mga templo, at sa batok gamit ang iyong mga daliri
  3. Huminga ng malalim at lasapin ang singaw ng mga langis
  4. Ulitin muli pagkalipas ng ilang oras

Apple Cider

Ang mga bitamina at mineral na mayroon ang Apple Cider ay nakakabawas ng mga sintomas ng allergy. Ito ay nagbabalanse ng PH sa iyong ilong at sinuses; ito rin ay nakakatulong para guminhawa ang iyong paghinga. Ang antibacterial at antifungal na katangian nito ay siya ring nagiging mabisang remedyo sa sinusitis.

Mga sangkap:

  • 2 kutsarita ng apple cider
  • 6 ounces ng maligamgam na tubig

Mga Direksyon:

  1. Paghaluin ang apple cider sa tubig at inumin ito.
  2. Uminom ng dalawang beses sa isang araw.
  3. Maaari mo ring itong imumog.

Ilan lamang ito sa mga gamot sa sinusitis na maaari mong gawin sa iyong bahay. Ito ay makakatulong para magbigay ng ginhawa sa iyo o sa iyong kapamilya na nakakaranas ng ganitong sakit.

Labanan ang Sinusitis Kasama ng The Generics Pharmacy

Ang The Generics Pharmacy ay napakaraming tindahan na maaari mong bisitahin upang ikaw ay makabili ng gamot para sa sinusitis. Kami ay narito para tumulong sa iyong pangangailangang pang medico.

Ang TGP ay isa sa pinakamalaking distributor ng gamot para sa Pilipinas ngayon. Dahil sa pagiging epektibo at paghahatid ng de-kalidad na gamot para sa pamilyang Pilipino, kayo ngayon ay patuloy na nagtatagumpay sa industriya.

Ikaw ba ay nangangailangan ng gamot para sa ubo, lagnat, o sinusitis?

Pumunta lamang sa pinakamalapit na TGP sa inyo. I-click lamang ang link na ito para makita mo ang mga branches ng TGP na maaari mong puntahan kapag ikaw ay nangangailangan!