Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Filter by Categories
articles
banner
banner-test
community
mother-banner
services
trending
Uncategorized

Sa paglipas ng maraming taon, ang medisina at kalusugan ng mga tao ay napabuti. Dahil sa husay at galing ng mga siyentipiko at doktor sa iba't-ibang bansa, ang kalidad ng gamot at pangangalaga sa kalusugan ay gumaling. Sa dami ng klase ng medisina na pwedeng bilhin at inumin ng mga tao ngayon, marami nang lunas ang nadidiskubre laban sa mga pangakaraniwang mga sakit.

Bagama't madami na ang klase ng gamot na pwedeng bilhin ng mga tao, kadalasan ito ay magastos at mahal para sa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Sa mabuting palad, mayroong itinatawag na generic drugs na pwedeng bilhin at gamitin ng mga Pilipino bilang lunas sa kanilang mga sakit. Dahil sa dami ng generic drugs na pwedeng gamitin ng mga tao, marami ang nagtatanong tungkol dito.

Ano ang Generic Drugs?

Ano ang Generic Drugs

Ang generic drugs ay isang klase ng gamot na galing sa mga kumpanyang parmasyutiko, sapagkat wala itong tatak galing sa isang kilalang kumpanya. Kumpara sa ibang mga gamot, ang presyo ng generic drugs ay mas mura at pwede itong mabili ng mas maraming tao.

Katulad ng mga kilalang klase ng gamot, ang generic drugs ay mayroong iba't-ibang klase ng gamot na para sa maraming klase ng sakit. Mayrong mga pangkaraniwang gamot tulad ng gamot sa lagnat, gamot sa sakit ng ulo, gamot sa trangkaso, gamot sa ubo, gamot sa diabetes, at marami pang iba. Habang ito ay mas mura na klase ng gamot, nangangailangan pa rin ng reseta galing sa isang doktor para makabili ng mga generic drugs.

Generic Drugs?

Sino ang gumagawa ng mga Generic Drugs

Sino ang gumagawa ng mga Generic Drugs?

Ang mga kumpanya na gumagawa ng mga generic drugs ay ang mga kumpanya na gumagawa ng mga gamot na may tatak. Naninigurado ang mga kumpanya at ang gobyerno na ang mga gamot na ito ay may parehong kasangkapan na tulad ng mga gamot na may tatak. Kapag ang mga gamot na ito ay may kakulangan sa kasangkapan, kailangan itong ibalik sa kumpanya kung saan ito nangggaling. Kailangan na magkasingepektibo ang generic drugs sa iba't-ibang klase ng mga gamot na makukuha sa mga botika, klinika, at mga ospital.

Gumagamit ba ang mga ospital at klinika ng mga Generic Drugs?

Gumagamit ba ang mga ospital at klinika ng mga Generic Drugs?

Ang mga ospital at klinika ay kilala rin na gumagamit ng generic drugs. Nakakatulong ito sa kanila dahil ang generic drugs ay mas mura, samakatuwid, ang mga ospital at klinika ay nakakatipid ng pera, o magagamit ang pera para ayusin ang mga pasilidad at kagamitan ng ospital at klinika.


Mabisa ba ang Generic Drugs laban sa mga sakit?

Sa kabila ng pagkakaiba sa presyo ng mga kilalang gamot, ang generic drugs ay magkasingepektibo lang. Makukuha mo rin ang kaparehong epekto sa iyong katawan kapag gumamit ka ng generic drugs. Ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang klase ng gamot ay ang kanilang pangalan lamang. Ginagamit ng mga kilalang gamot ang pangalan ng kanilang kumpanya o ang tatak nito. Sa kabilang palad, ang generic drugs ay gumagamit ng orihinal na pangalan ng gamot.

Ang halimbawa ng orihinal na pangalan ng gamot ay tulad ng paracetamol, diazepam, metformin, methylphenidate, esomeprazole, cephalexin, acetaminophen, haloperidol, pseudoephedrine, at marami pang iba. Ito ang mga pangalan na pang-medisina na ginagamit ng mga doktor at mga siyentipiko. Ito ay isinusulat sa reseta para mahanap ng mga tao ang kinakailangan nila na mga gamot. Para sa mga naghahanap ng gamot, mas madaling gamitin ang kanilang orihinal na pangalan dahil mas madali itong hanapin.

Ito ay mga halimbawa ng mga pangalan ng generic drugs at ang lunas na ibinibigay nila:

  • Paracetamol

  • Diazepam

  • Metformin

  • Methylphenidate

  • Aspirin

  • Esomeprazole

  • Cephalexin

  • Acetaminophen

  • Haloperidol

  • Pseudoephedrine

  • Ibuprofen

  • Prednisone

  • Meclozine

Mabisa ba ang Generic Drugs laban sa mga sakit?

Anong klase ng sakit na mabisa ang Generic Drugs?

Ang generic drugs ay mabisa sa iba't-ibang klase ng sakit at kondisyon sa katawan. Ang mga halimbawa ng mga sakit pa kadalasan na ginagamitan ng generic drugs ay ang nabibilang:

  • Sakit sa Ulo

    Ang sakit ng ulo ay sanhi ng iba't-bang klase ng sakit. Kadalasan, ang sakit ng ulo ay dulot ng kapaguran, antok, at migraine.

  • Lagnat

    Ang lagnat ay isang sakit na pwede rin maging isang sintomas ng mga malulubhang sakit tulad ng dengue, trangkaso, pulmonya, bulutong, tigdas, at iba pa. Maraming klase ng gamot ang nakakatulong sa pagbaba ng temperatura ng katawan at para mabawasan ang hapdi sa katawan.

  • Diabetes

    Ang diabetes ay isang klase ng malubhang sakit na nangangailangan ng gamot. Ito ay dulot ng kakulangan o kasobrahan ng asukal sa daloy ng dugo sa katawan. Mayroong iba't-ibang klase ng gamot na nakakatulong sa pag-ayos ng dami ng asukal sa katawan.

  • Ubo

    Katulad ng lagnat, ang ubo ay isang kondisyon na pwede rin maging isang sintomas ng isang malubhang sakit. Maraming gamot para sa ubo ang pwedeng inumin para ito ay gumaling.

Anong klase ng sakit na mabisa ang Generic Drugs?

Ano ang mga kalamangan ng generic drugs kumpara sa mga kilalang mga tatak?

Maraming kalamangan na maidudulot ang mga generic drugs kapag ito ay ginagamit. Nakalista sa ilalim ang mga kalamangan at benepisyo ng mga generic drugs:

  1. Mababang presyo

    Ang isa sa pinakamalaking benepisyo ng generic drugs ay ang mga mababang presyo nito. Ang generic drugs ay mas mura kumpara sa mga kilalang tatak ng gamot. Para sa mga matanda na may matatag na sahod at kita, ito ay isang epektibong paraan para makatipid sa gamot.

  2. Ito ay ligtas gamitin

    Ang paggamit ng generic drugs ay epektibo at ligtas. Makakasigurado ka na ang gamot ay mabisa, mura, at bago. Garantisado ka na ang gamot na gagamitin mo ay makakatulong sa paggaling mo.

  3. Aprubado ito ng gobyerno

    Ang mga generic drugs ay aprubado ng DOH (Department of Health). Makakasigurado ang mga tao na ang mga gamot na bibilhin nila ay ligtas at mabisa. Kailangan rin na ang mga gamot na ito at aprubado rin ng FDA (Food and Drug Administration).

  4. Mahahanap ito sa maraming mga botika

    Ang generic drugs ay madaling hanapin sa mga iba't-ibang botika sa Pilipinas. Para makabili ng kalidad na generic drugs, pumunta sa mga botika ng The Generics Pharmacy.

Ano ang mga kalamangan ng generic drugs kumpara sa mga kilalang mga tatak?

Konklusyon

Ang generic drugs ay isa sa mabisang klase ng gamot na mura, ligtas, at mabisa. Ang mga gamot na ito ay nabibili sa iba't-ibang botika. Sa paggamit ng generic drugs, sigurado ka na nakakakuha ka ng gamot na epektibo at kalidad. Maraming klase ng generic drugs ang pwede mong gamitin sa iba't ibang klase ng sakit. Kapag ikaw ay naghahanap ng mabisang lunas sa isang sakit, ang generic drugs ay isang klase ng gamot na pwedeng pagpilian.


Saan makakabili ng mga Generic Drugs?

Ang botika kung saan makakabili ng mga mabisa at mura na generic drugs ay sa The Generics Pharmacy.

Ano ang The Generics Pharmacy?

Ang TGP, o ang The Generics Pharmacy, ay isang kumpanya na panggamot na itinatag noong 1949. Noong dekada 70s, and kumpanya ay naging importador ng gamot na galing Alemania. Ang layunin ng kumpanya ay magbigay ng mga mura at epektibo na mga gamot sa mga Pilipino sa pamamagitan ng generic na mga gamot. Noong 2001, ang TGP ay pumasok sa pagtitingi at nagbukas ang kumpanya ng mga tindahan sa iba't-ibang lugar ng Pilipinas.

Ngayong 2017, ang TGP ay may 1,700 na tindahan sa buong Pilipinas, at ito na ang pinakamalaking pagtitingi ng parmasyutika sa bansa. Layunin rin ng kumpanya na makasigurado na ang mga Pilipino ay kayang makabili ng tamang gamot. Ang TGP ay isa sa mga pinkatinatangkilik na botika sa Pilipinas. Dahil sa mabuting serbisyo ng kumpanya, ang TGP ay nakapanalo ng napakamarami na premyo at gatimpala mula sa mga iba't-ibang organisasyon sa loob ng bansa at gobyerno. Ang pakay ng TGP ay padamihin ang mga botika sa bansa, para makapagbigay ng kalidad na serbisyo sa iba't-ibang sulok ng bansa.

Ang Pananaw ng The Generics Pharmacy

Ang maging botika na pinipili ng mga Pilipino bilang isang lugar na sila ay makakabili ng mura at epektibong mga gamut at maging isa sa pinaka maasahan na kumpanya sa larangan ng medisina.

Ang Layunin ng The Generics Pharmacy

Importante sa kumpanya ay ang makasigurado na malusog ang mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mura at epektibong klase ng mga gamot. Layunin rin ng kumpanya na mapalawak ang dami ng botika sa bansa.

Ano ang mga iba't-ibang serbisyo na meron sa TGP?

Maliban sa mga botika at ang mga produkto, ang TGP ay mayroong ibang klase ng mga serbisyo para sa mga mamayang Pilipino. Maaring tumingin dito para makita ang mga serbisyo ng TGP.

Saan pwedeng hanapin ang pinaka-malapit na botika ng TGP?

Ang TGP ay may 1700 na botika sa buong bansa, para mahanap ang pinakamalapit na botika sa inyo, maaring pumunta sa pahina na ito. Sa pahina na ito, mahahanap mo ang mga botika na malapit sa iyong siyudad o probinsya.

Ano ang iba't-ibang produkto na meron sa TGP?

Ang TGP may may iba't-ibang klase ng gamot at pangremedyo ng katawan. Para hanapin ang mga ninanais na produkto na galing sa TGP, maaaring tumingin dito at tignan kung nasa mga botika ang hinahanap. Pwede ring tignan ang pahina na ito para sa iba pang mga tinitinda ng TGP.

Gusto ko magtayo ng prangkisa ng TGP, paano ito gagawin?

Ang pagtayo ng prangkisa ng TGP ay isang maselan at mabisa na proseso. Para sa mga tanong tungkol sa pagtayo ng prangkisa, maaaring pumunta dito sa FAQ para mahanap ang mga sagot sa mga importante na mga tanong. Madaming proseso ang kailangang gawin upang makapagtayo ng isang prangkisa, pero ang pagtayo ay mayroong maraming mga kalamangan.

Ano ang mga gatimpala na nakuha ng TGP?

Ang TGP ay nakatanggap ng maraming mga parangal at gatimpala mula sa iba't-ibang organisasyon sa bansa. Ang mga gatimpala na ito ay nagpapatunay na ang TGP ay isa sa mga kalidad ng kumpanya dito sa bansa. Ang isang halimbawa ng mga parangal na ito ay ang Outstanding Filipino Franchise of the Year noong taong 2013. Para makita pa ang ibang mga gatimpala na nakuha ng TGP, maaring pumunta sa pahina na ito.

Kapag may iba pang mga tanong tungkol sa mga produkto, serbisyo, at prangkisa ng The Generics Pharmacy, maaring i-contact ang kumpanya sa pamamagitan ng e-mail at telepono. Pumunta sa pahina na ito para makapadala ng e-mail, at maaari ding tawagan ang mga numero na 821-1111 para sa landline. Para sa iba't-ibang balita tungkol sa TGP, pwedeng pumunta dito para malaman ang mga bagong balita tungkol sa bagong mga produkto at prangkisa.