Ano-ano ang sanhi ng asthma?
- Iba’t ibang uri ng allergens
- Environmental irritants
- Viral o bacterial infections
- Excercise-induced asthma
- Matinding emotional stress
Overview
- Ang asthma ay isang non-communicable disease na nagdudulot ng hirap sa paghinga dulot ng pamamaga ng airways.
- Maaaring ma-trigger ito ng allergens, environmental irritants, infections, exercise, at matinding emosyon.
- Sa pamamagitan ng tamang paggamot at pagbabago ng lifestyle, maaaring maagapan ang mga sintomas at maiwasan ang paglala ng kondisyon.
- Mahalaga ang pag-unawa sa mga sanhi upang mas epektibong makontrol ang asthma.
Ang asthma ay isang non-communicable disease (NCD) na p’wedeng makaapekto sa mga bata at matatanda. Mayroon itong tinatayang 262 million cases at mahigit 455,000 death cases noong 2019. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng pamamaga at pag-ikli ng mga airways sa baga, na nagiging sanhi ng hirap sa paghinga.
Bagamat ito ay isang serious condition, p’wede pa rin itong maagapan sa pamamagitan ng tamang paggamot at pagbabago ng lifestyle. Kaya naman, ating tatalakayin kung ano ang sanhi ng asthma at kung paano ito aagapan upang maiwasan ang paglala nito.
Iba’t Ibang Uri ng Allergens
Hindi lahat ng may allergy ay may asthma. Hindi rin lahat ng may asthma ay may allergy. Ngunit, may mga uri ng allergens na p’wedeng makapag-trigger nito na kilala rin sa tawag na allergic asthma.
Ito ay isang uri ng hika na may kaugnayan sa mga allergens o mga triggers na sanhi ng allergic reactions. Narito ang ilan sa mga ito:
- Pollen: Galing ito sa mga halaman gaya ng damo, puno, o halaman sa iyong paligid.
- Alikabok: Ang mga ito’y matatagpuan sa paligid ng iyong bahay tulad ng sahig, kurtina, unan, at iba pang bahagi ng bahay.
- Mga hayop: Mga balahibo, balat, laway, o dander ng aso at pusa.
- Microscopic: Ang mga ito ay ang acari o dust mites na matatagpuan sa kama, unan, kurtina, at iba pang bahagi ng bahay.
- Molds: Mas kilala sa tawag na amag na lumalago sa mga damp o humid places sa iyong bahay gaya ng banyo, kusina, o basement.
Environmental Irritants
Ang mga environmental irritants ay isa rin sa mga sanhi ng asthma at nagpapalala sa mga sintomas nito. Ang mga ito’y nagpapasikip ng ating airways, na nagiging dahilan kung bakit nagiging sensitive ang mga ito sa iba’t ibang stimuli.
Ang sensitive reaction na ito ay dulot ng mga sintomas na related sa asthma tulad ng hingal, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at hirap sa paghinga. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
- Usok mula sa sigarilyo, barbecue, at iba pang pinagmumulan ng usok.
- Air pollution na nagmumula sa sasakyan, paggamit ng chemical products, at industrial emissions.
- Matapang na amoy mula sa pabango, cleaning products, paints, at iba pang chemicals.
- Mataas na humidity sa hangin ay maaring magdulot ng paglago ng mold at dust mites.
Viral o Bacterial Infections
Ang mga viral at bacterial infections ay malaki ang epekto sa pag-develop at paglala ng asthma. Kapag nagkaroon ng impeksyon, namamaga ang mga airways, dumadami ang mucus, at kumikipot ang bronchial tubes.
Kabilang sa mga common viral infections ay ang respiratory syncytial virus (RSV), rhinovirus o karaniwang sipon, influenza, at parainfluenza virus. Ang mga bacterial infections tulad ng pneumonia na sanhi ng Streptococcus pneumoniae o Haemophilus influenzae ay maaari ding magpalala ng mga sintomas.
Sa ilang kaso, ang mga ito ay p’wedeng magdulot ng sintomas ng asthma kahit sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng diagnosis ng sakit na ito.
Excercise-induced Asthma
Ang exercise-induced asthma, na kilala rin bilang exercise-induced bronchoconstriction, ay nangyayari kapag ang mga ginagawa mong physical activities ay nagiging sanhi ng pagkipot ng mga airways, na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng paghingal, pag-ubo, at hirap sa paghinga. Ito ay dahil sa mabilis at mababaw na paghinga habang nag-e-exercise, na nagdudulot ng pagkatuyo ng mga airways at pamamaga nito.
Upang maiwasan ito, makakatulong ang pag-warm up bago mag-exercise. Ang paggamit ng inhaler na may short-acting bronchodilator 15-20 minuto bago gawin ang physical activity ay makakapigil din sa mga sintomas.
Matinding Emotional Stress
Kapag nakakaramdam tayo ng matinding emosyon tulad ng galit, takot, o sobrang saya, nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating katawan tulad ng mabilis na paghinga at pagkapit ng mga kalamnan. Ang mga reactiona na ito ay maaaring mag-trigger o magpalala ng mga sintomas tulad ng pagkipot ng mga airways at pagdami ng mucus.
Upang mabawasan ang epekto ng stress sa asthma, mainam na isama sa pang-araw-araw na gawain ang mga relaxation techniques tulad ng malalim na paghinga, meditation, o yoga. Makakatulong din ang pagkakaroon ng malakas na support system at paghingi ng tulong mula sa mga propesyonal sa pag-manage ng anxiety o depression.
Key Takeaway
Ang asthma ay isang seryosong kondisyon na kapag hinayaang lumala ay maaring maging sahi ng mga mas malubhang komplikasyon. Kaya naman mahalaga na may sapat tayong kaalaman sa kung ano ang sintomas ng asthma para sa agarang pangangalaga nito.
Ugaliing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang lunas. Piliin ang TGP The Generics Pharmacy para sa mga gamot sa asthma na abot-kaya at dekalidad. Bisitahin ang pinakamalapit naming pharmacy sa inyong lugar o mag-check out online. Dito ka na sa Kaibigan sa Kalusugan, TGP.