Ano-ano ang mga dapat iwasan kung mahina ang iyong baga?
- Paninigarilyo
- Lahat ng uri ng pollutants
- Matatapang na chemicals
- Labis na pagkapagod
- Maaalat na pagkain
Overview
- Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon kung paano maiiwasan ang mga panganib sa baga, lalo na para sa mga may mahinang baga.
- Kabilang dito ang mga dapat iwasan, tulad ng paninigarilyo, exposure sa pollutants at matatapang na kemikal, at labis na pagkabigat sa pisikal na aktibidad.
- Pag-uusapan din ang tamang nutrisyon, gaya ng pag-iwas sa maaalat na pagkain at paggamit ng mga natural na sangkap, upang mapanatili ang kalusugan ng baga.
- Ang mga hakbang na ito ay makatutulong sa pagpapanatili ng malusog na respiratory system at pag-iwas sa mga seryosong komplikasyon.
Mahalagang malaman kung ano ang mga dapat iwasan kung mahina ang iyong baga upang mapanatiling maayos ang iyong kalusugan at maiwasan ang paglala ng kondisyon. Ang mga bagay na nakakapinsala sa iyong baga ay p’wedeng magdulot ng hirap sa paghinga at iba pang seryosong komplikasyon.
Sa article na ito, ating pag-uusapan ang mga bagay na dapat mong iwasan kung mahina ang iyong baga—mula sa paninigarilyo hanggang sa pag-iwas sa pagkain ng mga maaalat. Makakatulong ito upang maalagaan hindi lamang ang iyong baga kundi ang iyong kalusugan. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng baga. Ang mga chemicals sa sigarilyo ay nagdudulot ng permanenteng pinsala sa mga tissues ng baga, lalo na sa mga air sacs o alveoli.
Para sa mga may mahinang baga, mas mabilis na lumalala ang kondisyon dahil sa paninigarilyo, na maaaring humantong sa mga seryosong sakit tulad ng emphysema at chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ang pagtigil sa paninigarilyo ay hindi lamang makakabuti sa iyong baga kundi pati na rin sa iyong pangkalahatang kalusugan.
Kung hindi ka man naninigarilyo, mahalagang iwasan ang second-hand smoke o usok mula sa mga naninigarilyo sa iyong paligid. Ang pag-iwas dito ay makakatulong upang mapanatiling malusog ang iyong baga.
Lahat ng Uri ng Pollutants
Ang hangin na may mga pollutants ay lubhang mapanganib sa baga, lalo na kung ito ay mahina na. Ang mga pollutants mula sa usok ng tambutso, alikabok, at iba pang mga airborne particles ay maaaring magdulot ng irritation sa baga at magpahirap sa iyong paghinga.
Ang madalas na paglanghap ng mga ito ay maaaring magdulot ng pamamaga sa baga at humantong sa mas seryosong komplikasyon. Dahil dito, mahalagang iwasan ang mga lugar na may mataas na antas ng polusyon.
Ugaliing maglinis ng bahay at mga kagamitan upang maiwasan ang pagtitipon ng alikabok na maaaring makasama sa iyong baga. Sa ganitong paraan, mas mapoprotektahan mo ang iyong kalusugan at baga laban sa mga harmful pollutants.
Matatapang na Chemicals
Ang exposure sa matatapang na chemicals tulad ng ammonia, bleach, at iba pang cleaning agents ay delikado, lalo na sa mga taong may pre-existing lung conditions tulad ng asthma, COPD, at pulmonary fibrosis. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng irritation at hirap sa paghinga, na maaaring magpalala ng kanilang kondisyon.
Kung kinakailangan talagang gumamit ng mga produkto na may harsh chemicals, siguraduhing may sapat na ventilation o gumamit ng protective gear tulad ng mask at gloves. Iwasan ang direktang paglanghap ng mga kemikal na ito. Kung maaari, mas mainam na gumamit ng natural o ligtas na alternatibo tulad ng suka, baking soda, lemon, at iba pang natural na panglinis. Ang mga alternatibong ito ay hindi lamang mas ligtas para sa iyong baga, kundi mas friendly din sa kalikasan.
Labis na Pagkapagod
Ang mga taong may mahinang baga ay madalas makaranas ng mabilis na paghinga, pananakit ng dibdib, o pagkahapo kapag sila ay nasobrahan sa pagod. Ang labis na strain sa baga ay maaaring magdulot ng pagkasira ng mga tissue at mas magpahirap sa paghinga.
Dahil dito, mahalaga ang maingat na pag-obserba sa sarili tuwing nag-eehersisyo. Kapag nakaramdam ka na ng labis na pagkahapo, bigyan mo ang iyong katawan ng sapat na pahinga.
Regular din na magpakonsulta sa iyong doktor upang makakuha ng tamang physical workout recommendations na angkop para sa mga taong may mahinang baga. Sa ganitong paraan, mapapanatili mo ang aktibong pamumuhay nang hindi isinasakripisyo ang kalusugan ng iyong baga.
Maaalat na Pagkain
Ang mga maaalat na pagkain, tulad ng processed foods at instant noodles, ay dapat iwasan lalo na kung mahina ang iyong baga. Ang sobrang asin sa pagkain ay maaaring magdulot ng fluid retention sa katawan, na nagreresulta sa pamamaga o fluid buildup sa baga.
Ang mga kondisyong ito ay nagdudulot ng hirap sa paghinga at maaaring magpalala ng mga sintomas sa mga taong may pre-existing lung conditions. Sa halip na gumamit ng asin, subukan ang mga herbs at spices tulad ng bawang, luya, at lemon juice.
Hindi lamang sila nagbibigay ng masarap na lasa, kundi may benepisyo rin ito sa kalusugan. Halimbawa, ang bawang ay kilalang pampalakas ng immune system at may anti-inflammatory properties na maaaring makatulong sa mga may kondisyon sa baga.
Ang paggamit ng mga natural na sangkap na ito ay isang mas ligtas at masustansyang alternatibo para mapangalagaan ang iyong kalusugan.
Key Takeaway
Ang simpleng pagsunod sa mga dapat iwasan kung mahina ang baga ay makatutulong upang mapanatiling malusog ang iyong katawan. Sa The Generics Pharmacy, nauunawaan namin ang halaga ng kalusugan at ang pagkakaroon ng access sa mga dekalidad na gamot sa abot-kayang halaga.
Kung ikaw ay naghahanap ng mga gamot na makakatulong sa iyong pang-araw-araw na pangangailangan at sakit o panghihina ng baga, um-order na online at alamin ang aming malawak na hanay ng mga gamot. Dito ka na sa Kaibigan sa Kalusugan, TGP.