5 Mabisang Gamot para sa Ubong May Plema

Ano-ano ang mga mabisang gamot para sa ubong may plema?

  1. MUCOSOLVE Ambroxol
  2. TGP Ambroxol HCl Syrup
  3. CISFLEM Carbocisteine
  4. NOCOF Vitex Negundo L.
  5. ASTROL Vitex Negundo L.

Overview

  • Ang kalusugan ay hindi dapat ipagsawalang-bahala, lalo na sa mga karamdaman tulad ng ubo na may kasamang plema, na maaaring dulot ng iba't ibang respiratory conditions. 
  • Ang tamang gamot ay mahalaga sa agarang pag-alis ng plema at pagpapagaan ng pakiramdam. Mahalaga ring kumonsulta sa doktor at sundin ang tamang dosage at gabay sa paggamit ng mga gamot.
  • Sa pamamagitan ng pagbisita sa The Generics Pharmacy, makakakuha ka ng abot-kaya, dekalidad,at mabisang gamot para sa ubong may plema, maging sa online platform nito. 

Isa ang ubo na may kasamang plema sa mga karamdamang hindi dapat ipagsawalang-bahala. Ang plema ay isang malabnaw o viscid substance mula sa baga at ilong. Ito’y dulot ng infection o pamamaga ng respiratory system. Ito rin ay dahil sa asthma at iba pa. 

Kahit may mga natural na paraan para mawala ito, mahalaga pa rin ang pag-inom ng gamot para maiwasan ang paglala at pag-develop nito. Tatalakayin natin ang mga mabisang gamot sa ubong may plema. Mabibili ang mga ito sa iba’tibang branches ng The Generics Pharmacy nationwide o kaya dito online

MUCOSOLVE Ambroxol 

Ang MUCOSOLVE Ambroxol, na may pangunahing sangkap na Ambroxol, ay isang expectorant na kilala sa kakayahang mag-alis ng mucus o plema sa ating respiratory system

Sa pamamagitan ng pag-inom nito, nagiging mas mabilis at mas epektibo ang pagtanggal ng plema. Nakakatulong ito sa pag-alis ng nakakairitang plema sa baga at iba pang bahagi ng respiratory system. 

Bilang resulta, nababawasan nito ang discomfort at napapagaan ang paghinga ng mga taong may ubo’t plema. Nagbibigay ito nang ginhawa sa kanilang pakiramdam. 

TGP Ambroxol HCl Syrup

TGP Ambroxol HCl Syrup

Tulad ng MUCOSOLVE, Ang TGP Ambroxol HCl Syrup naman ay isa ring gamot na nakakatulong para mawala ang ubo’t plema. Ang pangunahing sangkap nito ay ang Ambroxol Hydrochloride, isang uri ng bronchodilator na nagpapataas ng respiratory secretions production. Tinatanggal nito ang pagkapit ng plema sa ating baga. 

Ginagawa nitong mas madali ang paglabas ng plema sa katawan  para sa mas agarang kaginhawaan. Sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot na ito, maaari mong mapabilis ang pagtanggal ng plema sa iyong baga at mapagaan ang iyong pakiramdam kapag ikaw ay inuubo o sinisipon. 

CISFLEM Carbocisteine

Ang CISFLEM Carbocisteine ay mula sa klase ng mucolytic agents o mga gamot na tumutulong sa paglusaw at pag-alis ng plema sa baga. 

Ang pangunahing sangkap nito ay ang Carbocisteine, isang compound na nagpapalabas ng mga enzymes na tumutulong sa pagbawas ng viscocity at pagkapal ng plema sa ating respiratory tract.

Ang sangkap na ito ay nagbabawas din nang pagbara ng plema sa airways sa pamamagitan ng pagsira at paglusaw dito, na nagreresulta sa pag-alis ng ubo at pagluwag ng dibdib. 

Sa ganitong paraan, ang paggamit ng gamot na ito ay makakatulong sa pag-alis ng plema at magdulot ng ginhawa sa mga sintomas ng sipon, ubo, at iba pang respiratory conditions.

NOCOF Vitex Negundo L.

NOCOF Vitex Negundo L.

Ang NOCOF Vitex Negundo L. ay mula naman sa halamang Vitex negundo, na kilala rin bilang lagundi. Ito ay popular sa Pilipinas bilang gamot sa ubo at iba pang respiratory conditions. 

Isa sa mga sangkap ng gamot na ito na nakakatulong sa ubong may plema ay ang natural na compound mula sa halamang lagundi. Ito ay kilala sa kanyang antibacterial properties na nakakatulong sa pag-alis ng ubo’t plema.

Ito rin ay nagbibigay ng anti-inflammatory at soothing effect sa respiratory tract, na makakatulong sa pagiging mas komportable habang nililinis ang plema mula sa baga.

ASTROL Vitex Negundo L.

Kagaya ng NOCOF, ang ASTROL Vitex Negundo L. ay nakakatulong din sa pagtanggal ng plema sa baga at iba pang respiratory conditions. 

Ang gamot na ito ay gawa rin mula sa halamang lagundi na kilalang nakakatulong sa respiratory system. Sa pamamagitan ng pag-inom nito, ang ASTROL ay nagpapalabas ng mga active ingredients na naglalaman ng mga chemicals tulad ng flavonoids at alkaloids mula sa halamang nabanggit. 

Higit pa rito, ang ASTROL ay mayroon ding mga probiotic properties na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng immune system at paglaban sa mga respiratory system infections.

Key Takeaway

Ang kalusugan ay isa sa pinakamahalagang yaman na dapat nating pangalagaan. Ito ang pundasyon ng ating buhay at kaginhawaan. Kaya naman, mahalaga ang tamang pag-inom ng mga mabisang gamot sa ubong may plema. Mahalaga rin ang pagbisita at pagkonsulta sa doktor upang mas mapadali ang iyong paggaling. 

Kung ikaw o ang iyong pamilya ay nangangailangan ng mabisa, bago, at dekalidad na gamot para sa ubong may plema at iba pa, bisitahin ang The Generics Pharmacy online! Huwag nang mag-atubiling mag-order at siguraduhing nasa ligtas na kamay ang iyong kalusugan—piliin ang TGP, ang TGPagpagaling ng Pilipinas.

Related Products

Search on blog