Bakit Masakit ang Aking Dibdib kapag Humihinga?

Ano-ano ang dahilan kung bakit sumasakit ang dibdib kapag humihinga?

  1. Muscle strain o injury
  2. Pleurisy
  3. GERD
  4. Asthma o hika
  5. Shingles

Overview

  • Ang pananakit ng dibdib kapag humihinga ay karaniwang karamdaman na maaaring dulot ng muscle strain, pleurisy, GERD, asthma o hika, at shingles.
  • Mahalaga ang regular na konsultasyon sa doktor upang matukoy ang tamang diagnosis at magamot ang mga sintomas ng pananakit sa dibdib.
  • Ang kaalaman sa mga posibleng dahilan ng pananakit sa dibdib kapag humihinga ay mahalaga sa pag-aalaga ng sarili at sa pagpapabuti ng kalusugan.

Ang pananakit ng dibdib kapag humihinga ay isang pangkaraniwang karamdaman na madalas nangyayari sa mga matatanda o mga may predisposition conditions. Ngunit, iba-iba pa rin ang sanhi at dahilan nito at kapag hindi ito natukoy at naagapan, p’wede itong magresulta sa mas malalang karamdaman. 

Kaya naman sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang mga posibleng dahilan kung bakit masakit ang iyong dibdib kapag humihinga. Mahalaga ring tandaan na ‘wag mag-self diagnose at ugaliing kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot. 

Muscle Strain o Injury

Ang muscle strain ay nangyayari kapag na-overstretch o napunit ang muscle habang nag-e-exercise o gumagawa ng mga physical activities. Kapag nasobrahan sa strain ang iyong mga muscles sa dibdib, nagiging dahilan ito para sumakit lalo na kapag humihinga ka nang malalim.

Sa kabilang banda, nagdudulot ng pananakit ng dibdib ang injury lalo na kung may muscle na natamaan kung ikaw ay naaksidente. Kaya naman mahalaga itong ipatingin sa doktor upang ma-diagnose agad at mabigyan ng tamang gamot o therapy.

Kung mahilig kang mag-exercise, mahalagang sanayin mo ang iyong katawan na magkaroon ng in-between breaks kapag nag-e-exercise para mabigyan ng chance ang iyong mga muscles na maka-recover.

Pleurisy

Pleurisy

Ang pleurisy ay ang inflammation linings ng ating baga. Kilala rin ito sa tawag na pleura, na nagdudulot ng tila masakit na tusok sa ating dibdib. Ang pleura ay mahalagang parte ng ating respiratory system at responsable sa maayos na daloy ng hangin sa baga habang humihinga. Kaya naman kapag namaga ito, nagkakaroon ng friction sa pagitan ng dalawang layer nito, na nagdudulot ng matinding pananakit sa dibdib lalo na kapag humihinga. 

Ang mga sanhi nito ay magkakaiba. Kabilang na rito ang pneumonia, rheumatoid arthritis, at iba pang mga kondisyon na nagpapahirap sa pleura. Mahalagang magpakonsulta agad sa iyong doktor upang matukoy kung ano ang dahilan ng iyong nararamdaman.

GERD

Ang GERD o gastroesophageal reflux disease ay isang kondisyon kung saan ang acid sa ating tiyan ay bumabalik sa esophagus. Ang esophagus ay hindi tulad ng tiyan na may proteksyon laban sa acid. Kaya naman kapag ang acid mula sa tiyan ay umakyat dito, nagdudulot ito ng pangangasim at pananakit ng dibdib. 

Ang kondisyong ito ay kilala rin bilang acid reflux at maaaring magdulot ng heartburn, kung saan nararamdaman mong tila nasusunog ang iyong dibdib lalo na pagkatapos mong kumain o habang ikaw ay nakahiga. Bukod sa heartburn, ang GERD ay maaari ding magdulot ng iba pang sintomas tulad ng regurgitation, dysphagia, at chronic cough. 

Asthma o Hika

Asthma o Hika

Ang asthma o hika ay isang chronic condition ng respiratory system, kung saan ang mga airways ay nagiging inflamed at nagkakaroon ng spasms. Ito’y nagdudulot ng makitid na airways na nagiging dahilan ng hirap sa paghinga, pag-ubo, wheezing, at paninikip ng dibdib. Ang sakit na ito’y p’wedeng ma-trigger ng pollens, alikabok, balahibo ng hayop, usok at malakas na amoy, at mga respiratory infections. 

Mahalagang humingi ng payo mula sa iyong doktor kung paano ito maaagapan. Ang mga inhaler na may corticosteroids at mga quick-relief inhaler ay ilan lamang sa mga bagay na p’wede mong gamitin para maibsan ang hirap sa paghinga at sakit sa dibdib.

Shingles

Ang shingles o herpes zoster ay nagdudulot ng pananakit ng dibdib kapag humihinga dahil sa epekto nito sa mga nerves ng ating katawan. Kapag ang varicella-zoster virus, na sanhi ng shingles, ay naging active, ito ay kumakalat sa mga nerves at maaaring magdulot ng matinding pananakit sa lugar na ito.

Kapag ito ay nasa dibdib, maaari itong magbigay ng sakit na tinatawag na postherpetic neuralgia. Ito ay isang kondisyon kung saan ang pananakit ay nagpapatuloy kahit na ang rashes at paltos ay nawala na. Ito ay p’wedeng magpabalik-balik, kung saan tinataas nito ang pressure sa mga inflamed nerves ng iyong dibdib sa tuwing ikaw ay humihinga. Nagdudulot din ito ng friction, na nagiging dahilan ng matinding pananakit at discomfort.

Key Takeaway

Sa pagkilala at pagtuklas ng mga dahilan kung bakit masakit ang iyong dibdib kapag humihinga, dapat mo na itong bigyan ng aksiyon. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, pag-aalaga sa sarili, at pag-inom ng abot-kaya, dekalidad, at epektibong gamot mula sa The Generics Pharmacy, magkakaroon ka nang mas maayos na kalusugan. 

Huwag ding mag-atubiling humingi ng payo mula sa mga healthcare professionals at magpatuloy sa pag-aalaga ng iyong kalusugan upang makamit ang isang pamumuhay na masigla at malayo sa sakit. Dito ka na sa TGP—ang TGPagpagaling ng Pilipinas!

Related Blogs

Search on blog