Ano ang Mga Bawal sa Taong May Mahinang Baga

Ano-ano ang bawal sa taong may mahinang baga?

  1. Paninigarilyo
  2. Pag-inom ng alak
  3. Alikabok, pollens, at molds
  4. Mga matatapang na amoy at chemicals
  5. Mabibigat na gawain
  6. Labis na exposure sa lamig

Overview

  • Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay bawal sa mga taong may mahinang baga dahil ito ay maaaring magdulot ng pagkabara ng airways, pagkawala ng supply ng oxygen, at paglala ng respiratory infections.
  • Ang exposure sa alikabok, pollens, at molds ay maaaring mag-trigger ng allergies at impeksyon sa respiratory system ng mga may sakit tulad ng hika at bronchitis.
  • Pag-iwas sa matatapang na amoy at chemicals, mabibigat na gawain, labis na exposure sa lamig, at tamang pangangalaga sa respiratory health ay mahahalagang hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng baga at maiwasan ang paglala ng mga sakit.

Ang mga sakit sa baga, tulad ng hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at bronchitis, ay karaniwang nararanasan ng mga taong may mahinang respiratory system. Kaya naman maliban sa pag inom ng wastong gamot at regular na pagpapakonsulta sa doktor, mahalaga rin ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga bawal sa taong may mahinang baga at bakit ito kailang iwasan. Sa ganitong paraan, makakakasiguro kang maiiwasan at hindi na lumala pa ang sakit na dala nito.

Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay bawal sa mga taong may mahinang baga dahil sa mga kemikal na matatagpuan sa sigarilyo tulad ng nicotine, isang addictive substance na maaaring makasama sa kalusugan at maaaring magdulot ng pagkabara ng airways sa baga. 

Ito rin ay mayroong tar na naglalaman ng mga toxic chemicals na maaring magdulot ng pamamaga at pinsala sa lung tissues at carbon monoxide, na p’wedeng pumigil sa tamang supply ng oxygen sa katawan.

Maaari ding makaapekto sa paglala sa kalusugan ang paninigarilyo kung ang tao ay mayroong history ng respiratory issues. Maliban pa diyan, ang paninigarilyo rin ay may dala pang ibang panganib tulad ng sakit sa puso, kanser sa baga, at iba pang malubhang sakit sa katawan. 

Pag-inom ng Alak

Pag-inom ng Alak

Ang mga taong may mahinang baga ay madaling maapektuhan ng intoxication o sobrang pagkalasing dahil hindi nila agad naaalis ang alcohol sa kanilang katawan. Ito ay maaaring magdulot ng maselang kondisyon tulad ng respiratory depression o pagbaba ng supply ng oxygen sa baga, na maaaring magdulot ng panganib sa buhay.

Halimbawa, kapag isang tao ay may problema sa baga tulad ng COPD, ang pag-inom ng alak ay maaaring magresulta sa respiratory infections at paglala ng kanilang kondisyon. 

Bukod pa rito, ang pag-inom ng alak ay maaari ding makapagpabagal ng recovery at rehabilitation ng katawan at paghadlang sa paggaling nito. Kaya naman, mahalagang maging maingat at responsable sa pag-inom ng alak, lalo na sa mga taong mayroong pre-existing health conditions tulad ng mahinang baga.

Alikabok, Pollens, at Molds

Ang exposure sa alikabok, pollens, at molds ay maaaring magdulot ng allergies at impeksyon sa respiratory system. Ang mga particles na ito, kapag nalanghap, ay maaaring mag-trigger ng inflammatory response sa mga may mahinang baga, na nagreresulta sa mga sintomas tulad ng pag-ubo, pangangati ng lalamunan, at kahirapan sa paghinga. 

Ang mga taong may sakit tulad ng hika at bronchitis ay partikular na sensitibo sa mga allergens na ito, at ang kanilang kondisyon ay maaaring lumala dahil sa patuloy na exposure.

Kaya naman, mahalagang iwasan ang mga lugar na maraming alikabok at panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang paglala ng mga sintomas. Ang regular na paglilinis ng bahay, paggamit ng air purifiers, at pag-iwas sa mga outdoor activities tuwing mataas ang pollen count ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin. 

Mga Matatapang na Amoy at Chemicals

Ang mga matatapang na amoy mula sa chemicals tulad ng mga produktong panglinis, pintura, at pabango ay maaaring maging irritants sa baga. Ang mga compounds na nilalaman ng mga kemikal na ito ay maaaring magdulot ng inflammation at pangangati sa respiratory system, lalo na sa mga taong may mahinang baga. 

Maraming chemicals sa paligid na nakikita sa pang-araw-araw na hindi natin alam na delikado pala sa may mahinang baga. Ilan sa mga halimbawa nito ay:

  • Produktong panglinis ng bahay tulad ng bleach, ammonia, at iba pang disinfectants na may matapang na amoy
  • Pintura at paint thinners na ginagamit sa paghalo ng pintura at pag-alis nito
  • Pabango at aerosol sprays gaya ng body sprays, air fresheners, at hairsprays na may matapang na sangkap
  • Pesticides at herbicides na ginagamit sa pagpatay ng mga insekto at damo
  • Detergents, fabric dofteners at mga sabon na panlaba at pampalambot ng damit na may malalakas na amoy
  • Mga adhesive at glues na ginagamit sa mga crafts at repair works
  • Furniture polish at wax para sa pagpapakintab ng mga gamit at furnitures
  • Mga produkto para sa sasakyan tulad ng car polish, cleaners, at air fresheners
  • Mga gardening chemicals tulad ng fertilizers at mga soil conditioners
  • Nail polish at nail polish removers

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga produktong ito o paggamit ng mga alternatibong mas ligtas sa baga, maaaring mabawasan ang panganib ng paglala ng kondisyon ng respiratory system.

Mabibigat na Gawain

Mabibigat na Gawain

Ang mga mabibigat na gawain o strenuous activities ay maaaring magdulot ng stress sa baga, lalo na kung hindi sanay sa ehersisyo. Halimbawa, ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay, pagtakbo nang malayo, o pagtalon mula sa mataas na lugar ay maaaring magresulta sa hirap sa paghinga at tension sa mga muscles at airways. 

Dahil dito, mahalagang limitahan ang mga pisikal na aktibidad at siguraduhing may sapat na pahinga upang hindi mabigla ang baga at maiwasan ang pagkasira nito. Sa pag-iingat, paggawa ng mga gawain na hindi gaanong magkakapag strain sa katawan, at tamang pahinga, maaaring mapanatili ang kalusugan ng baga at maiwasan ang paglala ng mga sakit na may kinalaman dito.

Labis na Exposure sa Lamig

Ang labis na exposure sa lamig ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng spasm sa mga airway, na nagpapahirap sa paghinga at nagdudulot ng labis na pagka-stressed sa baga. 

Kapag ang mga airways ay nag-spasm, ito ay maaaring magresulta sa pagbabara ng airflow patungo sa baga, na nagreresulta sa hirap sa hinga. Ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng wheezing, pag-ubo, at paninikip ng dibdib.

Dapat iwasan ng mga taong may mahinang baga ang labis na exposure sa lamig sa pamamagitan ng pagsuot ng tamang kasuotan tulad ng jacket, mag install ng heater sa mga kuwarto, at pananatili sa loob ng bahay kapag malamig ang panahon. 

Key Takeaway

Ang tamang pag-aalaga sa baga ay napakahalaga upang mapanatili ang maayos na paghinga at maiwasan ang mga komplikasyon. Kaya naman mahalagang may wasto tayong kaalaman sa mga bawal sa taong may mahinang baga at regular na kumonsulta sa doktor upang makakuha ng tamang gabay at payo. Sa pamamagitan nito, masisiguro natin ang mas malusog at mas komportableng pamumuhay.

Para sa mga tamang pangangalaga ng iyong respiratory health, huwag nang mag-atubiling pumunta sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy sa inyong lugar, o kaya ay bisitahin kami online. Deserve mo ang abot-kaya at dekalidad na gamot sa kahit ano mang sakit—dito ka na sa TGP, ang TGPagpagaling ng Pilipinas at Kaibigan sa Kalusugan.

Related Blogs

Search on blog