Ano-ano ang mga pagkain na maaaring makasama sa puso kapag nasobrahan?
- Mga processed at cured meat
- Mga deep-fried food
- Soda o soft drinks
- Alcohol drinks
- Red meat
Overview
- Ang labis na pagkain ng processed meat, deep-fried food, at red meat ay maaaring magdulot ng mga problema sa puso dahil sa mataas na sodium, trans fats, at saturated fats na taglay ng mga ito.
- Ang sobrang pag-inom ng soft drinks at alak ay nagdudulot ng labis na asukal at calories na maaaring magpataas ng panganib ng obesity at cardiovascular diseases.
- Mahalaga ang balancede diet at tamang supplements tulad ng fish oil upang mapanatiling malusog ang puso. Ang The Generics Pharmacy ay may mga produktong makakatulong sa iyong cardiovascular health.
Sino ba naman sa atin ang makakatanggi sa malutong na fried chicken, malamig na soft drinks, at masarap na karne? Ang mga pagkaing ito ay bahagi na ng ating pang-araw-araw at paborito ng marami. Ngunit, sa likod ng masasarap na lasa ng mga ito ay mga panganib na dulot ng labis na pag-consume ng mga ito, lalo na sa kalusugan ng ating puso.
Sa panahon ngayon, kung saan ang sakit na ito ay patuloy na nagiging pangunahing sanhi ng pagkamatay, mahalagang malaman kung lling mga pagkain ang dapat nating iwasan upang mapanatili ang ating kalusugan. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga pagkain na maaaring makasama sa puso.
Mga Processed at Cured Meat
Ang processed o cured meat ay mga preserved meat na pinapakuluan, nilalagyan ng asin, o hinahaluan ng mga chemical preservatives para mapahaba ang shelf life nila at lalong sumarap ang lasa. Narito ang ilan sa mga halimbawa nila.
- Ham
- Hotdog
- Pepperoni
- Beef jerky
- Mga deli meat, kabilang ang roast beef at turkey
Ang madalas na pagkain ng mga ito ay maaaring magdala ng panganib sa ating puso dahil sa mataas na sodium content na makakapagpataas ng blood pressure at nitrates na maaari namang maging sanhi ng cancer.
Para maiwasan ito, maaari nating palitan ito ng mga masustansyang pagkain gaya ng manok na walang balat, canned tuna o salmon na mataas sa omega-3 fatty acids, itlog na hindi lamang mura kundi mataas rin ang protein content, at cheese na mayaman sa calcium at protein.
Sa pamamagitan ng pagpili ng mga nutritious alternatives na ito at pag-limit sa pagkonsumo ng processed meat, maaari nating mapanatili ang malusog na puso at maiwasan ang mga sakit na may kaugnayan dito.
Mga Deep-fried Food
Ang mga deep-fried na pagkain tulad ng fried chicken at tempura ay mataas sa trans fats at cholesterol, na nagdudulot ng pagtaas ng bad cholesterol (LDL) at pagbaba ng good cholesterol (HDL) sa ating katawan. Dahil dito, tumataas ang panganib ng mga sakit sa puso at iba pang cardiovascular issues.
Bukod sa epekto sa cholesterol, ang labis na pagkonsumo ng deep-fried food ay maaaring magdulot ng pagtaas ng timbang. Ang overweight ay isang pangunahing factor na nagpapataas ng chance na magkaroon ng sakit sa puso, kaya't mahalagang limitahan ang pagkain ng mga ito upang mapanatili ang kalusugan.
Kung nagke-crave ka ng snacks, may mga masustansyang alternatibo rito tulad ng baked sweet potato fries, roasted nuts, o air-popped popcorn. Ang mga ito ay mataas sa fiber at nutrients na makakatulong sa pagpapanatili ng tamang timbang at malusog na puso.
Soda o Soft Drinks
Ang soda at soft drinks ay puno ng asukal at calories na maaaring magdulot ng obesity at diabetes, na parehong nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso. Ang mga inuming ito ay naglalaman ng empty calories na walang nutrisyong naibibigay sa ating katawan, at ang labis na pagkonsumo ng asukal ay nagreresulta sa seryosong mga problema sa kalusugan, lalo na sa cardiovascular system.
Kung sawa ka na sa bland na plain water, subukan ang infused water na may prutas o herbs, unsweetened iced tea, o sparkling water. Ang mga ito ay nagbibigay ng refreshing taste nang hindi nagdadagdag ng asukal o sobrang calories, kaya’t makakatulong ito na mapanatiling malusog ang iyong katawan at puso.
Alcohol Drinks
Hindi maiiwasan ang mga parties o celebration, lalo na sa ating mga Pilipino na mahilig sa handaan. Kaya naman mahalaga na bantayan ang sarili pagdating sa pag-inom ng alak. Ang alcoholic beverages ay may lamang alkohol na, kapag labis ang pag consume, ay maaaring magdulot ng mga seryosong problema sa puso.
Maaari din itong maiugnay sa high blood pressure at iba pang cardiovascular issues. Bagamat may mga pag-aaral na nagsasabing ang katamtamang pag-inom ng alak ay maaaring may ilang benepisyo, tulad ng pagpapabuti ng blood circulation, mahalaga pa ring maging maingat at limitahan ang konsumo upang mapanatili ang kalusugan ng puso.
Red Meat
Sa mga okasyon at handaan, kadalasang hindi nawawala ang red meat tulad ng beef at lamb. Ngunit mahalaga ang pag-iingat dahil ito ay mataas sa saturated fats at cholesterol, na maaaring magdulot ng panganib sa puso at maging sanhi ng mga cardiovascular diseases.
Bilang masustansyang pamalit nito, subukan ang mga isda tulad ng salmon o tuna na mabuti para sa puso. Ang pag-inom ng mga vitamins at supplements, tulad ng O3MEGA Fish Oil mula sa The Generics Pharmacy, ay makakatulong rin sa pagpapababa ng bad cholesterol at pagpapalakas ng cardiovascular health.
Ang fish oil ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na kilalang sumusuporta sa kalusugan ng puso at nagpapababa ng inflammation sa katawan. Sa regular na pag-inom ng supplements, kasama ang balanced diet, mas mapapanatili mo ang malusog na pamumuhay kahit sa gitna ng masasarap na handaan.
Key Takeaway
Ang pag-iwas at pag kontrol sa ating consumption sa mga pagkain na maaaring makasama sa puso, mas mapapanatili nating malusog ang ating pangangatawan at maiiwasan ang mga karamdaman na may kaugnayan sa sakit ng puso.
Simulan nang baguhin ang iyong lifestyle at gawing priority ang ating puso sa pamamagitan ng mga tamang desisyon sa pagkain at kalusugan. Ang The Generics Pharmacy ay nandito upang maging katuwang mo sa iyong paglalakbay patungo sa mas malusog na pamumuhay. Bisitahin ang pinakamalapit maning branch o bumili online — piliin ang TGP, inyong Kaibigan sa Kalusugan.