Ano-ano ang mga sintomas ng kanser sa baga?
- Matagal at malalang ubo
- Dugo sa plema
- Kinakapos o nahihirapang paghinga
- Pananakit ng dibdib
- Biglaang pagbaba ng timbang
Overview
- Upang maunawaan at maagapan ang lung cancer, kailangang maging maingat sa pagtukoy ng mga sintomas at agad na magpatingin sa doktor para sa tamang lunas.
- Ilan sa mga sintomas ng kanser sa baga ay ang matagal at malalang ubo, dugo sa plema, kapos o hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, at biglaang pagbaba ng timbang.
- Hindi dapat mag-atubiling kumonsulta sa doktor kapag may nararamdamang kakaiba sa katawan upang mapanatili ang kalusugan at maibsan ang posibleng komplikasyon.
Ang kanser sa baga ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo.Tinatayang aabot sa 234,580 ang bagong kaso nitong 2024. Hindi tulad ng ibang uri ng kanser, ang mga sintomas nito ay karaniwang hindi kapansin-pansin hanggang ito ay nasa advanced stage na.
Dahil dito, mahalagang maunawaan ang mga sintomas ng kanser sa baga at ang agaran at maagang pagpapakonsulta sa doktor. Sa ganitong paraan, mas makakasigurado kang maiiwasan ang mas malalang komplikasyon at mapapabuti ang kalusugan ng iyong baga.
Matagal at Malalang Ubo
Ang matagal at malalang ubo ay kadalasang nagsisimula sa biglaang dry cough na matindi at panaka-nakang umaatake. Kung minsan ay nagbabago ang tunog ng ubo at mas nagiging malala ito sa gabi.
Ang ganitong uri ng ubo ay maaaring magdulot ng kawalan ng tulog at dagdag na stress, na nagiging sanhi ng anxiety at pagod. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang agarang medical check-up upang malaman ang sanhi ng ubo at makakuha ng tamang gamot bago pa man lumala ito.
Dugo sa Plema
Ang pag-ubo na may kasamang dugo sa plema ay tinatawag na Hemoptysis. Bagama’t maaari din itong maranasan sa iba pang mga sakit, ito rin ang pangunahing sintomas ng kanser sa baga.
Ang bukol o tumor na nabubuo sa kanser na ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga blood vessels sa paligid ng baga—isa sa mga dahilan kung bakit may kasamang dugo ang plema sa tuwing umuubo.
Kapag napansin mo ito, agad na magpakonsulta sa doktor para sa agarang pagsusuri. Sa ganitong paraan, hindi na lalala pa ang iyong nararamdaman at mas mapapadali ang iyong paggaling.
Kinakapos o Nahihirapang Paghinga
Maaaring magdulot ng pamamaga ang mga cancer cells sa ating pleura ang manipis na patong ng tissue sa ibabaw ng baga at chest cavity. Nagdudulot ito ng pagkaipon ng liquid sa baga.
Nagiging dahilan ito ng sakit na tinatawag ding pleural effusion. Pinipigilan nito ang pag-expand ng ating baga, na nagiging rason sa kapos o hirap sa paghinga.
Kapag hindi naagapan ang pleural effusion, magiging mataas ang panganib ng complication. Agad na lumapit sa iyong doktor upang maaksyunan ang iyong karamdaman.
Pananakit ng Dibdib
Ang mga taong may respiratory issues ay maaaring makaranas ng matinding pananakit na p’wedeng magtuloy-tuloy. Ito ay maaaring dulot ng pagdami ng mga cancer cells sa baga na nagiging sanhi ng pressure sa mga nerves at iba pang bahagi ng dibdib.
Mahalaga ang agarang pagsusuri kung may nararamdamang pananakit ng dibdib, lalo na kung ito ay sinamahan ng iba pang sintomas. Ang tamang diagnosis ay makatutulong sa pagtukoy kung ang sakit ay dulot ng kanser o iba pang kondisyon at upang makapagbibigay ng tamang treatment.
Biglaang Pagbaba ng Timbang
Ang biglaang pagbaba ng timbang ay isa sa mga sintomas na maaaring magpahiwatig ng kanser sa baga. Ayon sa mga pag-aaral, 60 sa bawat 100 lung cancer patients ay nakakaranas ng biglaang pagbaba ng timbang. Ito ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Mga Pagbabago sa Metabolism
Ang kanser ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa metabolism ng katawan, na nagreresulta sa hindi sinasadyang pagbaba ng timbang. Ang mga cancer cells ay maaaring kumuha ng mga sustansiya mula sa katawan, na nagpapahina sa pasyente at nagdudulot ng pagbaba ng timbang.
Kakulangan sa Nutrisyon
Ang mga tumor ay maaaring makaharang sa esophagus o makaapekto sa kakayahan ng isang tao na kumain nang maayos, na nagdudulot ng kakulangan sa nutrisyon at pagbaba ng timbang.
Pagkapagod at Kawalan ng Gana
Ang kanser at ang mga epekto nito sa katawan ay maaaring magdulot ng malubhang pagkapagod at kawalan ng ganang kumain, na nagdudulot ng hindi sinasadyang pagbaba ng timbang.
Kung nakakaranas ka ng biglaang pagbaba ng timbang, lalo na kung ito ay sinamahan ng iba pang sintomas tulad ng ubo, pananakit ng dibdib, o hirap sa paghinga, mahalagang makipag-ugnayan sa iyong doktor para masuri.
Key Takeaway
Ang mga sintomas ng kanser sa baga ay maaaring magpahiwatig ng malubhang kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyon. Sa huli, ang maagang pagtuklas ng kanser sa baga ay maaaring magresulta sa mas mataas na tsansa ng paggaling.
Huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor kung may nararamdamang kakaiba sa iyong katawan. Para naman sa abot-kayaepektibo, at dekalidad na gamot para suportahan at depensahan ang sarili sa sakit, bisitahin ang pinakamalapit na The Generics Pharmacy sa inyong lugar o mag-check out online. Piliin ang TGP, Kaibigan sa Kalusugan.