Ano ang mga sintomas ng rayuma sa paa?
- Pagsakit o panlalambot ng mga paa
- Hindi makagalaw o makalakad nang maayos
- Paninigas ng ankle joints
- Pamamaga ng ankle joints
Overview
- Ang mga sintomas ng rayuma sa paa ay kinabibilangan ng pagsakit, panlalambot, paninigas, at pamamaga ng joints.
- Maraming mga medical tests ang maaaring pagdaanan upang matukoy ang kalagayan ng rayuma sa paa. Kabilang dito ay ang physical exam, walking test, at iba pa.
- Mahalaga ang maagang pagtukoy sa mga sintomas upang agad na magamot at mabawasan ang discomfort. Dapat ding magpatingin sa health professional para sa tamang payo at paggamot.
Ang ating mga paa ay importanteng bahagi ng ating katawan. Sila ay ginagamit upang tayo ay maging mobile o makakilos. Kapag ang mga ito’y nakaramdam nang pananakit, maraming pang-araw-araw na gawain ang maaapektuhan. Isa sa mga p’wedeng makaapekto sa ating mga paa ay ang arthritis.
Hindi ito bihira dahil ang paa ay binubuo ng 26 na buto at 33 na joints. Dahil sa mga buto at joints nito, madalas silang mapinsala ng rayuma. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang apat na sintomas ng rayuma sa paa. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Pagsakit o Panlalambot ng Mga Paa
Maraming posibilidad kung bakit masakit o nanlalambot ang ating mga paa, kabilang na rito ang sprain at iba pang injuries. Maliban sa mga ito, sumasakit o nanlalambot din ang mga paa dahil sa rayuma. Nakadepende pa ito sa uri na iyong nararanasan.
Ang panlalambot ay p’wedeng dulot sa pagkasira ng joint, protective cartilage, at fluid. Nararanasan ito sa osteoarthritis. Isa itong degenerative disease na nagbibigay ng severe pain.
Ang pagsakit ng mga paa ay p’wede ring nagmumula sa pag-atake ng tissue ng joints at iba pang organs. Nakikita ito sa loob ng rheumatoid arthritis. Ito naman ay isang kondisyon na nakakaapekto sa immune system ng katawan.
Hindi Makagalaw o Makalakad nang Maayos
Ang hirap sa paggalaw at paglalakad ay inaasahan sa ganitong kondisyon. Ibig sabihin, kapag tinamaan ng rayuma ang iyong mga paa, madalas kang makakaramdam nang pananakit. Dahil dito, kinakailangan mong magpa-assist sa ibang tao, gumamit ng tungkod o kaya naman ng wheelchair.
Ang hindi paglakad nang maayos ay dulot ng inflammation ng iyong joints. Bukod dito, ang madalas na pananakit ay dahil naman sa pagkawala ng cartilage, na isa sa mga kabilang sa mga joints. Ito ang nagpoprotekta o nagko-cushion ng ating mga joints para sa mas madaling paggalaw. Sa pagkawala nito, p’wedeng magkiskisan ang mga buto.
Paninigas ng Ankle Joints
Sa umaga karaniwang nararanasan ang paninigas o stiffness ng ankle joints. Ito’y dahil nakahiga tayo ng ilang oras dahil sa pagtulog. Sa ganitong posisyon, nawawalan o nababawasan ang fluid amount na nagpapadulas sa ating joints.
Ang gout ay isa sa mga karaniwang uri ng rayuma. Kung ikaw ay mayroon nito, ang fluid ay dapat mong bigyan ng pansin. Ang batayan ng kondisyong ito ay ang dami ng uric acid sa ating katawan. Kapag mataas ito, p’wede itong magbigay nang pananakit sa iyong mga joints.
Sa osteoarthritis naman, ang pagiging brittle ng ating buto ang iyong mararamdaman. Ito ay dahil apektado ang mga connective tissues ng ating buto. Nagdudulot ito ng paninigas ng ating mga paa.
Pamamaga ng Ankle Joints
Hindi bago ang pamamaga o swelling sa isang taong may rayuma sa paa. Ito’y dahil ang parteng ito ay inflammed at ito ang pinakahalatang sintomas ng rayuma sa paa. Ito ay nangyayari kapag mayroong bacteria o virus. Ang white blood cells at immune proteins ay gumagalaw upang protektahan ang ating katawan laban sa bacteria o virus.
Kaya naman kapag mayroong inflammation, naglalabas ng chemicals ang ating katawan patungo sa ating dugo o apektadong tissue. Ang mga chemicals na ito ay nagbibigay ng blood flow patungo sa injured o infected area ng ating paa. Dahil dito, nagiging kulay pula ang ating ankle joint.
Bukod dito, ang mga chemicals ay p’wedeng mag-leak o tumagas sa iyong tissue. Mas mati-trigger nito ang iyong mga nerves na p’wedeng magresulta sa pananakit.
Paano Dina-diagnose ang Rayuma sa Paa?
Upang ma-confirm ang iyong kondisyon, kinakailangan mong dumaan sa maraming medical tests at iba pang analysis. Ang unang titignan ng iyong doktor ay ang iyong medical history.
Ang physical exam ay susunod na gagawin. Dito makikita ang mga sintomas ng rayuma sa paa tulad ng pamamaga, panlalambot, at pag-crack o pagtunog ng mga joints. Kabilang na rin dito ang paghahanap ng bunions o hammertoe.
Isa sa mga tests ay ang gait analysis. Ito ay isang exam kung saan sinusukat ang walking stride at kung paano maglakad ang iyong pasyente. Importante rin ang X-ray examination sa pagda-diagnose ng rayuma sa paa.
Key Takeaway
Ang mga sintomas ng rayuma sa paa ay dapat mong malaman upang maagapan ito. Sa tulong ng early detection, malalabanan agad natin ang pananakit at discomfort tuwing igagalaw ang mga paa.
Kung ikaw ay nakakaramdam nang pananakit sa mga buto at joints ng iyong mga paa, huwag mag-atubiling lumapit sa iyong doktor para sa tamang rekomendasyon.
Sa paghahanap naman ng mga gamot, nandito ang TGP. Sa paglalakbay mo tungo sa ginhawa, kami ay patuloy na magbibigay sa ‘yo ng suporta sa pamamagitan ng mga abot-kaya at dekalidad ng gamot. Bisitahin kami online para sa iba pang impormasyon tungkol sa aming mga gamot.