Uri ng Gamot Pang-Rayuma

Ano ang mga uri ng gamot pang rayuma?

  1. Paracetamol
  2. DMARDs
  3. Janus Kinase (JAK) Inhibitors
  4. Corticosteroids
  5. Nonsteroidal Anti-Inflammatory Drugs (NSAIDs)

Overview

  • Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba't ibang uri ng gamot pang rayuma na maaaring gamitin para mapabuti ang kalagayan ng mga may sakit na ito. 
  • Kasama dito ang paracetamol na tumutulong mag-alis ng sakit ngunit hindi pumipigil sa pamamaga. 
  • Ang DMARDs naman ay nakakatulong sa pagpigil ng pamamaga sa mga kasu-kasuan, habang ang JAK inhibitors ay inirerekomenda para sa malalang kaso ng rheumatoid arthritis. 
  • Ang corticosteroids ay nakakatulong din sa pagbawas ng pamamaga at pananakit, ngunit may mga side effects. 
  • Ang NSAIDs naman ay epektibo rin laban sa pamamaga ngunit may posibleng side effects tulad ng pinsala sa tiyan at bato.

May tinatayang 40 milyong tao ang mayroong rayuma. Ang dalawang uri nito ay ang osteoarthritis, isang sakit sa kasu-kasuan kung saan unti-unting nawawala ang cartilage. Ang pangalawa naman ay ang rheumatoid arthritis, na nagiging sanhi ng pamamaga sa lining ng mga kasu-kasuan. 

Sa pagtukoy at paggamot ng rayuma, mahalagang maunawaan ang mga pagkakaiba at angkop na mga gamot para dito. Alamin ang mga pangunahing uri ng gamot pang rayuma para sa mas epektibong pagkontrol ng mga sintomas.

Paracetamol

Ang paracetamol ay isang painkiller, kung saan inaalis nito ang pananakit na nararamdaman dulot ng rayuma. Hindi ito anti-inflammatory kaya hindi nito pinapaliit ang pamamaga. 

Kaya naman, mas maganda itong inumin kung ikaw ay may osteoarthritis. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa mga hormones na tinatawag na prostaglandins. Binabawasan nito ang pain sensations sa nerve endings, nervous system, at utak.

Ngunit, dapat mong tandaan na ang gamot na ito ay hindi effective sa rheumatoid arthritis na may mga sintomas ng pamamaga tulad ng rheumatoid, reactive, o gout.

DMARDs

DMARDs

Ang DMARDs o Disease-modifying Antirheumatic Drugs ay tumutulong sa pagpigil sa pamamaga sa mga joints, na karaniwang sintomas ng arthritis. Hindi tulad ng painkillers, ang mga ito ay kayang pahintuin ang pagdami ng sakit dulot ng rayuma. 

May iba't ibang uri ng DMARDs tulad ng hydroxychloroquine, leflunomide, at methotrexate. Hindi pare-pareho ang epekto ng bawat isa kaya't mahalagang magpakonsulta muna sa doktor. Mayroon ding side effects ang mga gamot na ito, kaya't mahalaga ang regular na pagsusuri ng isang healthcare professional.

Janus Kinase (JAK) Inhibitors

Sa ilang mga kaso ng malalang rheumatoid arthritis, maaaring hindi epektibo ang DMARDs sa iyong kondisyon. Inirerekomenda ng doktor ang Janus Kinase (JAK) inhibitors.

Katulad ng DMARDs, ang layunin ng mga ito ay pigilan ang pagkasira ng mga kasu-kasuan at mga tissues. Tinatawag din silang targeted synthetic DMARDs. Ang mga ito’y humaharang sa labis na paggawa ng cytokines, na nagpapataas ng pamamaga ng iyong paa. Bagaman epektibo ito sa paggamot ng rayuma, may mga side effects din ito. Ang ilan sa mga ito ay ang sipon, influenza, shingles, at cystitis.

Corticosteroids

Corticosteroids

Ang corticosteroids, kilala rin sa steroids, ay isa pang uri ng gamot pang rayuma. P’wede itong inumin bilang tablet o ipasok sa katawan sa tulong ng injection. Ang mga steroids ay nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga at nagbibigay ng comfort mula sa pananakit at pinsala.

Bagaman effective ito sa pagkontrol ng kondisyon, hindi ito inirerekomendang gamitin nang matagal dahil marami itong side effects. Kasama na rito ang mataas na blood sugar, ulcer, at cataracts o paglabo ng mga mata. Mayroon din itong epekto sa emosyon, na p’wedeng magdulot ng irritation at sobrang excitement. 

Kapag ginagamit ang corticosteroids, karaniwang sinusunod ang "burst and taper" method. Ito ay ang pagbibigay ng mataas na dosage nang pansamantala hanggang sa dahan-dahan itong ibaba.

Nonsteroidal Anti-Inflammatory Drugs (NSAIDs)

Kapag hindi puwedeng gumamit ng steroids, mayroong NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory drugs na mas effective kaysa sa painkillers sa paglaban sa mga sintomas ng rhematoid arthritis. May mga over-the-counter NSAIDs na mabibili. Ngunit, kung kailangan mo ng mas malakas na NSAIDs, kailangan mo ng reseta mula sa doktor.

Higit pa rito, ang mga NSAIDs ay gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa mga enzyme na cox, na nagpapahina sa pinsala ng rayuma. Katulad ng mga naunang gamot na nabanggit, may side effects din ito tulad ng stomach irritation, ulcers, stomach bleeding, at posibleng pinsala sa kidneys.

Key Takeaway

Ating napag-usapan ang mga uri ng gamot pang rayuma. Tandaan, ang bawat isa ay binuo para maagapan ang mga sintomas na iyong nararamdaman. Mula sa pain relievers hanggang sa non-steroidal drugs, maraming gamot ang p’wede mong kunin upang gamutin ang iyong kondisyon. Ngunit, pinakamahalaga ang payo ng iyong doktor bago bumili ng anumang gamot.

Para sa iyong mga gamot, kami sa TGP The Generics Pharmacy ang iyong Kaibigan sa Kalusugan. Bilang trusted pharmacy sa Pilipinas, hindi ka makakaramdam ng pag-aalinlangan dahil marami kaming mga medicine products sa abot-kayang halaga. Bumisita sa aming website o sa aming branches nationwide para bumili ng dekalidad at maaasahang gamot.

Related Blogs

Search on blog