Musculoskeletal pain: sanhi, sintomas, at gamot
Ang musculoskeletal pain ay pananakit ng katawan na karaniwang nararamdaman sa buto, kasu-kasuan (joints), biyas, litid (tendons), o kalamnan (muscles). Maaari itong maging bunga ng isang karanasan na nagdudulot ng matindi at biglaang sakit. Pwede rin itong maging matagalang sakit katulad ng rayuma.
Ano ang musculoskeletal pain?
Ang musculoskeletal pain ay sakit na nararamdaman sa:
- Buto
- Kasu-kasuan
- Biyas
- Tendons
- Kalamnan
Iba-iba ang lebel ng sakit na naidudulot ng mga karamdamang ito. Puwedeng maging biglaang sakit na maaari ring maging malala, o pwede ri namang maging pang habang-buhay. Ang muscoluskeletal pain ay maaari maramadaman sa isang parte lamang ng katawan, subalit maari ring maramdaman sa buong katawan.
Ano ang mga sanhi ng sakit sa kalamnan?
- Nabaling buto
- Joint dislocation o ang paghiwalay ng kasukasuan sa lalagyan (socket) nito
- Tama sa kalamnan, buto, o kalamnan
- Malabis na paggamit ng isang parte ng katawan katulad ng tuhod o siko
- Maling tindig o postura
- Sakit na namamana katulad ng rheumatoid arthritis, psoriatic arthritis, lupus, osteoarthritis, o scoliosis
- Sakit na dulot ng mga kinagisnang gawain o pagkain katulad ng gout
Ano ang mga sintomas ng sakit sa kalamnan?
Maraming posibleng sintomas ang musculoskeletal pains. Depende ito sa ugat ng sakit. Ilang mga posibleng sintomas ay:
- Pananakit at paninigas ng bahagi ng katawan
- Mainit na pakiramdam sa kalamnan
- Pagkapagod
- Kumikislot na kalamnan
- Sakit na lumalala tuwing gumagalaw o kumikilos
- Hirap sa pagtulog
- Pasa
Ano ang mga gamot sa sakit sa kalamnan?
Maaaring gumamit ng ilan sa mga sumusunod para masolusyunan ang sakit sa kalamnan:
- Acetaminophen
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
- Mga gamot na kailangan ng reseta katulad ng opioids
Kailan dapat pumunta sa ospital?
Mahirap alamin ang eksaktong sanhi ng musculoskeletal pain nang walang patnubay ng doktor at x-ray. Sa unang sintomas pa lamang, mainam na ipaalam ito sa iyong doktor at iwasan na ang paggamit ng masakit na parte ng katawan upang malaman ang tunay na ugat ng musculoskeletal pain at hindi na ito lumala. Maaaring may kinakailangan pang ibang gamot para rito o pagbabago na gawin sa iyong pamumuhay.