3 Sakit Na Nararanasan Tuwing Tag-Ulan

Ano ang mga sakit na karaniwang nararanasan tuwing tag-ulan?

  1. Flu
  2. Dengue
  3. Leptospirosis

Ang Pilipinas ay isang tropical na bansa na dumaranas ng dalawang klase ng panahon—ang tagtuyot at tag-ulan. Ayon sa weather.com, pangalawa lamang ang Pilipinas sumunod sa China sa mga bansang madalas na hinahagupit ng tropical cyclones. Dahil dito, madalas tayo makakaranas ng mga sakit tuwing tag-ulan. Para malaman ang mga gamot at paraan para makaiwas sa mga ito, ituloy ang pagbabasa!

Flu

Flu

Ang flu ay mas nagiging karaniwan sa malamig na panahon. Ito ay dinudulot ng influenza virus at may mga sintomas tulad ng lagnat, dry cough, sipon, pananakit ng lalamunan at katawan, pagsusuka, at diarrhea sa mga bata.

Kung ikaw ay may flu, madali kang makakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng droplets na sumasama sa pagbahing, pag-ubo, at pakikipagusap. Kung ikaw ay may mga sintomas na ito, maiging magpacheck-up sa doktor.

Kung malala ang iyong mga sintomas, maaaring magreseta ang iyong doktor ng isang antiviral. Kung ito ay mild lamang, maaaring hindi na kailanganin ang gamot at kailangan lamang magpahinga sa bahay at umiwas sa ibang tao.

Para makaiwas sa sakit na ito, laging maghugas ng kamay kapag humawak ka ng mga bagay na ginamit ng isang taong may flu. Iwasan rin ang paghawak sa mata, ilong, at bibig.

Dengue

Dengue

Ayon sa World Health Organization, umabot sa 77,000 ang suspected cases ng dengue sa Pilipinas noong 2019. Makukuha ang sakit na ito sa kagat ng isang infected na Aedes species mosquito. Karaniwan na dumadami ito tuwing tag-ulan dahil ang itlog ng mga mosquito ay nabubuhay sa mga naipong tubig.

Ang sintomas ng dengue ay lagnat, pananakit ng katawan, rashes, at pagsusuka. Sa mga malalang kaso maaaring magdugo ang ilong at gums, sumakit ang tiyan, o magkaroon ng dugo sa suka at stool.

Kung mild lamang ang sintomas, maaaring irekomenda ng doktor ang paracetamol para mabawasan ang lagnat habang nagpapahinga sa bahay. Kapag lumala ito ay maiging ipag-alam na sa doktor dahil isa na itong medical emergency.

Para makaiwas sa kagat ng dengue mosquito, gumamit ng insect repellent. Huwag hayaan maipon ang tubig sa mga lalagyan ng mahabang oras para mapigilan ang pagdami ng lamok. Kapag may kasamang dengue patient sa bahay wag rin hayaan na makagat ito ng lamok dahil ito ang paraan para kumalat ang dengue.

Leptospirosis

Leptospirosis

Ang sakit na ito ay sanhi ng bacteria na Leptospira. Ito ay karaniwan na makukuha ng tao galing sa ihi ng mga infected na hayop tulad ng aso, baka, baboy at daga. Tuwing tag-ulan may posibilidad din na bumaha. Dahil dito, mas mataas ang chance na makuha natin ang bacteria na ito sa pamamagitan ng paglusong sa baha na may ihi ng mga hayop.

Ang leptospirosis ay maaaring hindi magpakita ng sintomas. Kung meron man ito ay ang sakit sa ulo, lagnat, chills, pagsusuka, pagkadilaw ng balat at mata, diarrhea, rashes, at sakit ng tiyan at muscles.

Kung nadiagnose ka ng leptospirosis, magrereseta ang iyong doktor ng antibiotics tulad ng doxycycline para gamutin ang bacteria. Available ito sa TGP branches nationwide.

Key Takeaway

Para maiwasan ang mga sakit tuwing tag-ulan, palakasin ang katawan para malabanan ang mga virus at bacteria. Kung kulang ang nutrition na iyong kinakain maaaring makatulong ang paginom ng mga vitamins tulad ng Vitamin C at E.

Ang vitamin C ay sumusuporta sa white blood cells para malabanan ang infection. Nakita din sa isang pag-aaral ang magandang epekto ng Vitamin E sa immune system. Available ang vitamin C sa The Generics Pharmacy para sa kids at adults. Ang vitamin E ay mabibili din sa capsule form sa aming branches.

Kung interesado ka sa iba pang gamot at bitamina, huwag mag dalawang-isip na bumisita sa TGP branch malapit sa iyo. Kung may mga katanungan, maaari mo kaming i-message dito.