Isa sa mga bodily function ng mga tao ang pag-ihi para mailabas ang mga waste product. Para hindi maya’t maya ang pag-ihi, may bahagi ang urinary system na tinatawag na bladder o pantog. Ito ay isang organ na nagsisilbing imbakan ng ihi; kapag napuno na ang pantog, nakakaramdam ka na rin ng urge na umihi.
Subalit, kapag nagkaroon ng blockage ang mga daanan ng iyong ihi o kaya ay nagkaroon ka ng sakit na nakakaapekto sa paglabas ng iyong ihi, pwede kang magkaroon ng kondisyong tinatawag na urinary retention.
Ano ang urinary retention?
Kapag meron kang urinary retention, hindi mo nailalabas ang lahat ng ihi mula sa iyong pantog. Merong dalawang uri ang kondisyong ito: acute at chronic.
Ang acute urinary retention ay ang biglaang pagkawala ng kakayahang umihi kahit puno na ang pantog. Isa itong pangkaraniwang urologic emergency na pwedeng maging life-threatening dahil naiipon ang mga waste product sa loob ng katawan. Kung nahihirapan kang umihi o hindi ka makaihi, at may kasabay itong matinding pananakit sa bandang pantog o puson, pumunta kaagad sa ospital o tumawag ng emergency health service. Ang chronic urinary retention naman ay isang panghabambuhay na kondisyon. Madalas, hindi nalalaman ng mga taong may chronic urinary retention na meron na pala sila nito dahil wala silang nararamdamang sintomas at nakakaihi pa rin naman sila. Ang nakasasama sa kondisyong ito ay ang naiwang ihi sa pantog. Sa pagtagal ng panahon, naiipon ang mga waste product sa ihing hindi nailabas. Dahil dito ay may posibilidad makalabas sa pantog ang mag toxin na ito at humalo sa dugo.
Ano ang Urinary Retention?
Kapag meron kang urinary retention, hindi mo nailalabas ang lahat ng ihi mula sa iyong pantog. Merong dalawang uri ang kondisyong ito: acute at chronic.
Ang acute urinary retention ay ang biglaang pagkawala ng kakayahang umihi kahit puno na ang pantog. Isa itong pangkaraniwang urologic emergency na pwedeng maging life-threatening dahil naiipon ang mga waste product sa loob ng katawan. Kung nahihirapan kang umihi o hindi ka makaihi, at may kasabay itong matinding pananakit sa bandang pantog o puson, pumunta kaagad sa ospital o tumawag ng emergency health service. Ang chronic urinary retention naman ay isang panghabambuhay na kondisyon. Madalas, hindi nalalaman ng mga taong may chronic urinary retention na meron na pala sila nito dahil wala silang nararamdamang sintomas at nakakaihi pa rin naman sila. Ang nakasasama sa kondisyong ito ay ang naiwang ihi sa pantog. Sa pagtagal ng panahon, naiipon ang mga waste product sa ihing hindi nailabas. Dahil dito ay may posibilidad makalabas sa pantog ang mag toxin na ito at humalo sa dugo.
Ano ang mga Sintomas ng Urinary Retention?
Iba-iba ang sintomas ng urinary retention, depende kung acute o chronic ang nararanasan ng pasyente. Bantayan mabuti ang mga senyales na nakalista sa ibaba:
Acute Urinary Retention
- hindi makaihi
- pananakit o paglobo ng tiyan
- Intense na pakiramdam na naiihi
- pakiramdam na punong-puno ang pantog
- lagnat at chills
- urinary incontinence o kawalan ng kontrol sa pag-ihi
Chronic Urinary Retention
- pakiramdam na kailangan ulit umihi kahit na katatapos lang umihi
- hirap sa pag-ihi
- pakiramdam na hindi nauubos ang laman ng pantog
- mahinang daloy o paputol-putol na paglabas ng ihi
- paulit-ulit na pag-ihi sa loob ng maikling panahon (higit sa 7 o 8 beses)
- hindi napapansin na kailangan na palang umihi
- urinary incontinence
Kapag nakakaranas ka ng kahit anong kombinasyon ng mga sintomas na ito, pumunta kaagad sa iyong doktor para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.
Ano ang Sanhi ng Urinary Retention?
Maraming sanhi ang urinary retention, ngunit ang pinakakaraniwan ay ang pagkakaroon ng blockage o bara sa pagdaloy ng ihi mula sa pantog patungo sa urethra. Ang urethra ay ang tubo na nagdadala ng ihi mula sa pantog palabas sa katawan. Kapag nagkaroon ito ng bara, hindi makakalabas nang madali at maayos ang ihi.
Sa mga kalalakihan, isang dahilan ng pagkakaroon ng blockage sa urethra ang BPH o benign prostatic hyperplasia. Isa itong kondisyon kung saan lumalaki ang prostate gland hanggang sa maipit na nito ang urethra. Sa mga kababaihan naman, pwedeng lumundo o lumubog ang pantog kaya nahihirapang dumaloy ang ihi papunta sa urethra.
Pwede ring maging sanhi ng pagbabara sa pagdaloy ng ihi ang stricture o peklat sa urethra na sanhi ng surgery, at maging ang mga kidney stone.
Ilan pa sa mga posibleng dahilan ng urinary retention ay ang mga sumusunod:
Mga Sakit o Kondisyon sa mga Nerve
Mahalaga ang tungkulin na ginagampanan ng nervous system sa paglabas ng ihi sa katawan. Para makaihi ang isang tao, nagpapadala ang utak ng mga signal papunta sa excretory system. Ang mga signal na ito ang nagsasabi sa pantog para mag-contract at itulak palabas ang ihi at sa mga muscle sa urethra para mag-relax at makadaloy ang ihi.
Kapag nagkaroon ng problema sa mga nerve na dinadaluyan ng nasabing signal mula sa utak, pwedeng mapigilan ang tamang pag-function ng pantog at urethra. Dahil dito, naiipon ang ihi sa pantog.
Ilan sa mga pwedeng magdulot ng mga nerve problems ang:
- stroke
- pagkakaroon ng injury sa gulugod (spine) o balakang
- diabetes
- multiple sclerosis
Pwede ring magdulot ng nerve problems sa mga kababaihan ang vaginal childbirth. Gayundin, kung sumailalim ka noon sa isang operasyon at binigyan ng catheter, pwede ka ring maging at-risk sa nerve problems at urinary retention.
Ilang Uri ng Gamot
Merong mga gamot na pwedeng makaapekto sa tamang paggana ng mga muscle sa pantog. Ilan sa mga ito ang antihistamines, maging ang ilang mga gamot para sa hypertension, hormonal agents, at tricyclic antidepressants. Bago uminom ng kahit anong gamot, itanong muna sa doktor ang mga posibleng side effects nito bilang paghahanda.
Mga Impeksyon
Isa sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ng urinary retention ay ang madalas na pagkakaroon ng urinary tract infection o UTI. Nagdudulot kasi ng pamamaga ng urethra ang impeksyong ito, kaya naman nahihirapang makalabas ang ihi. Kung minsan, humihina rin ang pantog kapag may UTI. Malaki din ang risk na magkaroon ng urinary retention ang isang taong merong sexually transmitted infection o STI.
Ano ang Gamot sa Urinary Retention?
Ang gamot sa urinary retention ay nakadepende kung acute o chronic ang nararanasan ng pasyente.
Para sa acute urinary retention, ang pangunahing treatment ay ang paggamit ng catheter. Ikakabit ito sa urethra para ma-drain ang naipong ihi sa pantog. Kung hindi mabisa o hindi pwedeng gumamit ng traditional catheter, pwedeng irekomenda ng doktor ang suprapubic catheter. Ito ay isang uri ng catheter na inilulusot sa balat sa ibabaw ng pantog para ma-drain ang ihi.
Para naman sa chronic urinary retention, pwede ring treatment option ang paggamit ng catheter. Subalit, ang pinaka-effective na paraan ay ang gamutin ang sanhi nito. Ilan sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod:
- Sa mga kalalakihan, pwedeng gamutin ang benign prostatic hyperplasia gamit ang mga gamot para lumiit ang prostate. Meron ding mga surgical procedures na pwedeng gawin, kasama na ang paggamit ng laser para lumiit ang prostate at prostatectomy o pagtanggal sa prostate.
- Paggamit ng urethral stent para mapaluwag ang urethra at makadaloy ang ihi palabas ng katawan. Pwede ring gamitin ang urethral stent kung may stricture sa urethra ang pasyente.
- Pagtanggal sa urethral stricture sa pamamagitan ng urethroplasty.
- Sa mga kababaihan, pwedeng maglagay ng tinatawag na vaginal pessary para masuportahan ang pantog. Viable treatment din ang estrogen therapy para sa mga babaeng lagpas na sa edad ng menopause.
- Pag-inom ng gamot na nakakapagpa-relax sa pantog at pelvic floor para mas maging maalwan ang pag-ihi.
Kung gamot ang sanhi ng urinary retention, pwede itong palitan ng iyong doktor o kaya ay babaan ang dosage nito.
Sino ang Pwedeng Magkaroon ng Urinary Retention?
Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng urinary retention, maging ang mga bata. Gayunpaman, mas mataas ang risk ng mga may edad na o mas nakatatanda na makaranas ng kondisyong ito. Dagdag pa rito, mas mataas ang risk ng mga lalaki kaysa sa mga babae na magkaroon ng urinary retention dahil sa mga sakit na may kinalaman sa prostate.
Ilan pa sa mga nagpapataas ng risk ng pagkakaroon ng urinary retention ang mga sumusunod:
- madalas na pagkakaroon ng UTI
- madalas na pagkakaroon ng constipation
- panganganak, lalo na kung traumatic ito at nagdulot ng injury sa mga bahaging malapit sa pantog
- pagkakaroon ng sakit na nagdudulot ng nerve damage, katulad ng diabetes at rheumatoid arthritis
- paghina ng mga muscle sa pantog dahil sa edad o kakulangan sa physical activity
Paano Makaiwas sa Urinary Retention?
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng maiwasan ang urinary retention. Ganunpaman, maraming paraan para mapapaba ang iyong chance na magkaroon nito. Narito ang ilang tips:
Umihi Kung Naiihi
Isa sa mga pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng urinary retention ay ang pag-ihi kapag naiihi. Minsan ay pinipigilan kasi natin ang pumunta sa banyo dahil hindi ito convenient o dahil walang pagpipilian (halimbawa, habang nasa gitna ng biyahe). Subalit, hindi magandang makasanayan ang gawaing ito. Kung palagi kang nagpipigil ng ihi, pwedeng humina ang iyong mga bladder muscle. Tumataas din ang iyong risk na magka-UTI.
Pansinin ang mga Pagbabago sa Iyong Katawan Pagkatapos ng Isang Operasyon
Kung sumailalim ka sa isang surgical procedure, lalo na sa mga bahaging malapit sa tiyan o likod, i-monitor mabuti ang iyong kondisyon. Pansinin kung gaano ka kadalas o kadalang umihi, at iba pang mga bagay na may kinalaman sa iyong pantog. Kapag may mga pagbabago, i-report ito kaagad sa iyong doktor.
Gawin din ang pagmo-monitor na ito kung nakaranas ka ng injury sa likod o sa tiyan.
Uminom ng Maraming Tubig at Kumain ng High-Fiber Diet
Para mapanatiling malusog ang katawan at maiwasan ang pagkakaroon ng UTI at constipation, ugaliing uminom ng maraming tubig. Nakakatulong kasi ang tubig sa magandang pagdaloy ng ihi at paggalaw ng sikmura. Sikapin ding taasan ang iyong fiber intake sa pamamagitan ng pagkain ng fiber-rich foods na katulad ng mga prutas, gulay, at whole grains.
Sundin ang Instruction ng Doktor sa Pag-inom ng Gamot
Kapag may iniresetang gamot ang iyong doktor, sunding mabuti ang mga instruction para matiyak ang iyong paggaling at maiwasan ang mga komplikasyon. Meron kasing mga gamot na nakakapagpataas ng risk ng urinary retention kapag mali ang paggamit. Kung may bagay na hindi naiintindihan, i-clarify kaagad ito sa iyong doktor.
Hangga’t maaari, iwasin din ang pagse-self-diagnose at basta-bastang pag-inom ng gamot, lalo na para sa mga sakit na higit pa sa mga pangkaraniwang ubo, sipon, at minor viral infection.
Mahalagang ingatan ang iyong excretory system dahil maraming sakit ang pwede mong makuha kapag naipon ang mga waste product sa loob ng katawan. Mahalaga rin na magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga kondisyon katulad ng urinary retention para maiwasan ang mga ito at mapanatili ang iyong kalusugan.