Endocrine System: Mga Bahagi, Sakit, at Gamot

Ang endocrine system natin ay binubuo ng iba’t ibang organs na tinatawag na glands. Ang mga glands na ito, na nasa iba’t-ibang bahagi ng katawan, ang siyang nagpoprodus ng hormones.

human endocrine system

Ang hormones ay mga kemikal na nagbibigay ng mga senyales sa mga bahagi ng ating katawan kung ano ang dapat nitong gawin, o functions, at kung kailan ito dapat gawin. Isang halimbawa ay ang hormone na syang nagsisignal sa isang tao na sya ay nagugutom at kailangan nang kumain.

Ano ang endocrine system?

Ang endocrine system ay binubuo ng organs na siyang responsable sa paggawa at pagkalat ng hormones sa ating katawan. Nagagawa niya ito sa pagkabit ng hormones sa ating cells para maipasa ang senyales kung ano ang nararapat gawin ng isang bahagi ng ating katawan.

Halos lahat ng proseso sa ating katawan ay idinidikta ng mga hormones katulad ng:

  • Paano natin tinutunaw ang ating kinakain
  • Pagtangkad
  • Mga emosyon
  • Pagbubuntis
  • Pagtulog
  • Presyon ng dugo

Ano ang mga sakit sa endocrine system?

Minsan, sumusobra o kaya naman ay nagkukulang ang paggawa ng hormones ng glands. Maaari itong magdulot ng iba’t ibang endocrine system disorders katulad ng:

  • Diabetes
  • Sakit sa thyroid katulad ng hypothyroidism (kulang) at hyperthyroidism (sobra)
  • Hypogonadism
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  • Osteoporosis

Ano ang sanhi ng mga sakit sa endocrine system?

Kadalasa’y nagkakamali ang ating katawan at nagkukulang o sumusobra ang ginagawang hormones nito na nagdudulot ng mga sakit. Maari ring magkamali ang katawan dahil sa sakit o impeksyon.

Mayroon ring ibang mga endocrine system diseases na nagmumula sa mga endocrine disrupters. Ang endocrine disrupters ay mga kemikal na mahahanap sa pesticides, plastic, make-up, at maging sa tubig at pagkain. Ang endocrine disrupters ay nagdudulot ng mga problema sa ating katawan na umiistorbo sa pagpadala ng mga senyales ng hormones.

Ano ang mga sintomas ng mga sakit sa endocrine system?

Dahil naaapektohan ng endocrine system ang buong katawan, iba’t iba ang maaaring maging senyalas ng mga sakit nito. Nakadepende ang mga sintomas sa parte ng katawan na pinanggagalingan ng sakit. Ilan sa mga sintomas ay:

  • Pagdalas ng pag-ihi
  • Pagdanas ng matinding pagka-uhaw
  • Nahihilo ka o may sakit sa tiyan na hindi nawawala
  • Bigla kang pumapayat o tumataba nang walang dahilan
  • Nakararanas ng matinding pagkapagod
  • Biglang bumibilis ang tibok ng puso o umaakyat ang presyon
  • Hindi tumatangkad ang anak mo

Ano ang mga gamot para sa endocrine system?

Dahil maraming mga posibleng sakit sa endocrine system, ang wastong drugs para rito ay nakabatay sa sanhi at kalubhaan ng kondisyon. Mas mabuting kumonsulta muna sa doktor para mabigay ang angkop na gamot.

Kailan dapat pumunta sa ospital?

May mga sintomas na naghihikayat na mayroon kang malubhang karamdaman gaya ng diabetes. Ipaalam agad sa iyong doktor o magtungo sa ospital kung nakararanas ka o ang anak mo ng mga sintomas ng sakit sa endocrine system.

closed eyes lady with sore throat

Thyroid Disorders

doctor checking on lungs

Steroids

backpain

Kidney Stones

diabetes

Diabetes

Sakit sa Bato: Ano ang Dapat Malaman at Paano Makakamit ang Iyong Kalusugan

Sakit sa Bato