Genitourinary Tract Disorders: Uri, Sanhi, Sintomas, at Gamot

genitourinary system

Ang salitang genitourinary ay ginagamit para sa mga urinary at genital organs. Ang urinary tract ang parte ng katawan na namamahala sa paglinis ng likido at dumi mula sa dugo. Kabilang sa urinary system ang:

  • Bato
  • Ureters
  • Pantog
  • Urethra

Ano ang mga genitourinary tract diseases?

Ang mga sakit sa urinary tract o genitourinary tract ay may kaugnayan sa pagbabara sa mga tubo ng urinary tract na syang humahadlang sa paglabas ng laman ng pantog. Madalas nakabaliktad nito ang daloy ng ihi. Ang pagbara sa urinary tract ay nagiging sanhi ng tuluyang pagkasira sa urinary tract at mga bato dahil ang ihi ay naiipit sa iba’t ibang lugar sa urinary tract. Ang pag-ipon ng ihi sa pantog, ureter, o bato ay maaaring magdulot ng genitourinary tract infection, peklat, o habang-buhay na sakit sa bato. May ilan ring uri ng genitourinary disorders na maaaring magdulot ng pagbara sa urinary tract katulad ng:

  • Megaureter
  • Posterior urethral valves
  • Ureterocele or ureteral duplication
  • Vesicoureteral reflux
  • Neurogenic bladder

Mayroon ding mga genitourinary disorders na lalaki lamang ang naapektuhan. Ito ay dahil sa mismong hugis ng katawan ng lalaki at paano dumadaloy ang ihi dito. Ang ilang mga sakit na maaari nilang maranasan ay:

  • Undescended testes or cryptorchidism
  • Hydrocele
  • Hypospadias
  • Inguinal hernia
  • Micropenis
  • Testicular torsion

Ano ang sanhi ng genitourinary disorders?

Sa mga bata, ang mga karaniwang genitourinary disorders ay ang pagpalya ng bato, urinary tract infections (UTI), mga pagbara sa urinary tract, at mga kundisyon na mula sa pagkapanganak.

Sa mga mas nakatatanda, ito ay nagmumula sa pagbabara sa urinary tract.

Ano ang mga sintomas ng genitourinary disease?

Ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng genitourinary diseases ay:

  • Hirap sa pag-ihi
  • Sakit sa pag-ihi
  • Biglaang pagpayat
  • Lagnat (na posibleng hudyat ng isang impeksyon)

Ano ang mga gamot para sa genitourinary diseases?

Ang mga sumusunod na drugs ay maaaring gamitin para sa mga genitourinary diseases:

  • Alpha-blockers gaya ng alfuzosin, doxazosin, indoramin, prazosin, tamsulosin, at terazosin
  • 5α-reductase inhibitors katulad ng dutasteride at finasteride
  • Antifungal drugs kabilang ang clotrimazole, econazole, fenticonazole, metronidazole, at miconazole        
  • Antibiotics
  • Antibacterial drugs katulad ng nalidixic acid, nitrofurantoin, ofloxacin, at norfloxacin
lady drinking water

Diuretics

girl in the rest room

BPH, Urinary Retention