Nervous System: Mga sakit, Sanhi, Sintomas, at Gamot

Ang ating nervous system ay isang komplikadong network ng ugat na binubuo ng utak, mga nerves, at ng spinal cord. Ang nervous system ang siyang namamahala ng lahat ng ating kilos, sadya (voluntary) o hindi sadya (involuntary).

Nervous System

Nahahati ang ating nervous system sa dalawa:

  • Central nervous system – Binubuo ng utak at spinal cord
  • Peripheral nervous system – Binubuo ng mga spinal nerves at cranial nerves

Ano ang mga sakit sa nervous system?

Taon-taon, milyun-milyong tao sa buong mundo ay nagkakaruong ng mga nervous system disorders o diseases. Marami rito ay malubha at nakaaapekto sa pagtakbo ng katawan at utak.

Ilang mga halimbawa ng mga nervous system diseases ay:

  • Catalepsy
  • Alzheimer’s
  • Epilepsy/Seizures
  • Meningitis
  • Tourette
  • Migraine
  • Parkinson’s Disease
  • Multiple sclerosis
  • Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD)

Ano ang mga sintomas ng mga sakit sa nervous system?

Hindi agad kapansin-pansin ang mga sintomas ng mga sakit sa nervous system. Nakabatay rin sa sakit ang mga posibleng senyales na maranasan. Ilan sa mga karaniwang symptoms ng weak nervous system o nervous system diseases ay:

  • Panghihina o kawalan ng lakas ng kalamnan
  • Sakit ng ulo
  • Pagkawala ng abilidad makaramdam (loss of sensory feeling)
  • Kawalan ng koordinasyon
  • Biglaang pagkaruon ng doble vista
  • Malubhang sakit ng ulo na ayaw mawala
  • Pagkakalimutin
  • Pangingig (tremors) o seizures
  • Hirap sa pag-iisip
  • Paninigas ng katawan
  • Biglaang sakit sa anumang bahagi ng katawan na parang tinutusok ng karayom

Ano ang mga sanhi ng sakit sa nervous system?

Iba’t iba ang maaaring maging sanhi ng nervous system disorders kabilang rito ay:

  • Impeksyon dulot ng virus, bakterya, o parasitiko
  • Vascular disorders na nagdudulot ng kakulangan ng supply na dugo sa nervous system
  • Birth defects
  • Mga namamanang sakit

Ano ang mga gamot para sa sakit sa nervous system?

Ang gamot na dapat gamitin ay nakabatay sa sakit na kailangang gamutin. Ilan sa mga maaaring gamitin na gamot ay:

  • Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
  • Anti-seizure medications kagaya ng gabapentin at pregabalin
  • Antidepressants na maaaring makabawas sa sakit na nararanasan katulad ng amitriptyline, doxepin, at nortriptyline
coffee with smiley face

Psychostimulant / Nootropic

Young woman vomiting into the toilet

Pagkahilo at Pagsusuka o Nausea and Vomiting

A woman eating salad

Pampaganang Kumain o Appetite Stimulants

guy in hospital

Epilepsy