Sakit sa balat: sanhi, sintomas, at gamot

Ang mga sakit sa balat o skin disease ay iba’t ibang uri ng sakit sa balat. Ang mga sakit na ito ay maaaring magdulot ng mga pantal, pamamaga, pangangati, o iba pang pagbabago sa iyong balat. Namamana ang iba sa mga ito, samantalang ang iba naman ay epekto ng gamot, mga produktong ipinapahid sa balat, o di kaya nama’y kagat ng insekto.

sakit sa balat

Ano ang mga sakit sa balat?

Ang balat ang pinakamalaking organ ng ating katawan. Ang trabaho ng ating balat ay:

  • Panatilihin ang likido sa loob ng ating katawan
  • Tulungan tayong makaramdam ng temperatura o sakit
  • Panatilihin ang tamang temperatura ng katawan

Ang mga sakit sa balat ay mga kundisyong nakakaapekto sa ating balat. Madalas, ang mga sakit sa balat ay nagdudulot ng mga pantal, pamumula, pangangati, at pagsusugat.

Ano ang mga uri ng sakit sa balat?

Ang pinakakaraniwang uri ng sakit sa balat ay:

  • Tigyawat
  • Alopecia areata
  • Eczema
  • Psoriasis
  • Raynaud’s phenomenon
  • Rosacea
  • Kanser sa balat
  • Vitiligo

Ano ang mga sanhi ng sakit sa balat?

Ilan sa mga karaniwang sanhi ng skin disease ay:

  • Bakterya na naiipon sa mga pores o hair follicles
  • Kundisyon sa thyroid, kidney, o immune system
  • Mga allergens
  • Genetics o namanang sakit
  • Fungus o parasitiko na nasa balat
  • Gamot
  • Virus
  • Diyabetes
  • Pagbibilad sa ilalim ng araw

Ano ang mga sintomas ng sakit sa balat?

Maraming maaaring maging sintomas ang mga sakit sa balat. Depende ito sa kundisyon na mayroon ang isang tao. Hindi rin lahat ng pagbabago sa balat ay dulot ng karamdaman. Maaari kang magkapaltos sa paa kung mali ang sapatos na gamit mo. Subalit kapag nagkapaltos ka sa paa o sa iba pang bahagi ng katawan na hindi mo alam ang dahilan, maaaring mayroon kang sakit sa balat.

Ang mga karaniwang sintomas ng mga sakit sa balat ay:

  • Pagpapatse-patse ng kulay ng balat
  • Panunuyo o dry skin
  • Mga sugat
  • Nagtutuklap na balat
  • Makati o masakit na pantal
  • Mga bukol na kulay pula o puti na naglalaman ng nana
  • Mala-kaliskis na balat

Ano ang mga gamot sa sakit sa balat?

Marami sa mga sakit sa balat ay madaling mapagaling. Ang gamot sa skin disease ay nakabatay sa sanhi nito. Maaaring gumamit ng isa sa mga sumusunod:

  • Antibiotics (sa ilalim ng gabay ng iyong doktor)
  • Antihistamines
  • Steroids
bacteria

Bacterial Infections

inflammation

Pamamaga ng Balat (Skin Inflammation)

paso

Paso

fungal infection

Fungal Infections