Sakit sa Puso: Sintomas, Sanhi, at Tamang Paggamot

Sakit sa Puso: Sintomas, Sanhi, at Tamang Paggamot

Sa kabila ng kasalukuyang takbo ng ating pang-araw-araw na buhay, madalas tayong naiipit sa mga responsibilidad tulad ng trabaho, na nauuwi sa pagbabalewala sa ating kalusugan, lalo na ang ating puso.

Sa Pilipinas, pangatlo sa pinakamataas na rason nang pagkamatay ay ang sakit sa puso. Tinatayang halos kalahating milyon noong 2021 ay binubuo ng 19% na pagkamatay dahil dito. 

Mahalagang may sapat tayong kaalaman tungkol sa kondisyon ng ating puso, paano malalaman kung may sakit dito, mga sintomas nito, at ang mga komplikasyon na kaakibat nito. Ang tamang pagkonsulta sa doktor at pag-inom ng mga epektibong gamot ay makakatulong upang maalagaan ang ating puso—at narito ang The Generics Pharmacy upang magbigay ng abot-kaya ngunit maaasahang gamot para sa sakit sa puso. 

Ano ang Sakit sa Puso o Cardiovascular Disease?

Ang sakit sa puso o cardiovascular disease ay isang malubhang problema sa ating puso at sa pagdaloy ng dugo sa ating katawan. Ito’y nangyayari kapag nagkakaroon ng problema ang ating blood vessels o arteries, na nagiging dahilan nang pagkabuo ng plaque o pagsara ng daluyan ng dugo. 

Ito'y maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng kirot sa dibdib, hirap sa paghinga, at sobrang pagod. Ang mga pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon ng mga bara sa mga ugat, sobrang timbang, mataas na presyon ng dugo, diabetes, at genetics. 

Ang mga epekto nito ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang sakit tulad ng pagsara ng ugat sa ibang bahagi ng katawan, pagsakit at hindi normal na tibok ng puso, at stroke. Para maiwasan ito, mahalaga ang regular na check-up, malusog na pamumuhay, at pagsunod sa mga payo ng iyong doktor.

Paano Ko Malalaman kung Meron Akong Sakit sa Puso?

Para malaman kung ikaw ay may sakit sa puso, maging maingat sa iyong katawan at alamin ang mga senyales na maaaring magdulot ng alarma. Kung may kirot o sakit sa dibdib, hirap sa paghinga, sobrang pagod, o pananakit sa leeg, braso, at panga, ito ay maaaring senyales ng problema sa puso. 

Mahalaga rin ang regular na pagbisita at pakikipag-usap sa doktor tungkol sa iyong kalusugan. Sila ay gagawa ng iba’t-ibang pagsusuri depende sa iyong nararamdaman. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang pag-alam ng iyong blood pressure upang malaman ang kalagayan ng iyong puso. 

Importante ang pagkilala sa anumang nararamdaman mo sa iyong puso upang mabigyan ka nang tamang alaga. 

Ano-ano ang Mga Sintomas ng Sakit sa Puso?

Ano-ano ang mga Sintomas ng Sakit sa Puso?

Ang pag-unawa sa mga sintomas ng sakit sa puso ay isang mahalagang hakbang sa pangangalaga ng ating kalusugan.  Ito ang ilan sa mga sintomas nito:

​​Sakit o Kirot sa Dibdib

Ang sakit o kirot sa dibdib ay pangunahing senyales ng problema sa puso. Nakakaramdam ka nang pamimigat, pagkirot, at presyon dahil dito. Ang mga sintomas na ito ay dapat agad ipaalam sa doktor upang maagapan ang anumang problemang may kinalaman sa puso.

Hirap sa Paghinga

Kung nahihirapan kang huminga at napapagod ka agad kahit hindi mabigat ang iyong ginagawa, maaaring ito ay isang senyales na hindi maayos ang lagay ng iyong puso. Ugaliing ipakonsulta ito sa iyong pinagkakatiwalaang doktor upang malaman ang dahilan sa likod ng iyong paghihirap sa paghinga. 

Labis na Pagkapagod

Normal lamang ang mapagod sa tuwing tayo ay kumikilos. Ngunit, kung ikaw ay madalas nakakaramdam nang pagod kahit sa mga simpleng gawain lamang, ito ay hindi normal. Maaaring ikaw ay may problema sa iyong puso. Mahalagang magpatingin sa doktor upang malaman ang tunay na dahilan ng iyong pagkapagod. 

Paninikip o Sakit sa Leeg, Braso, at Panga

Ang paninikip o pananakit ng iyong leeg, braso, at panga ay senyales na ikaw ay may problema sa iyong puso. Ito rin ay palatandaan ng angina pectoris, na nangyayari kapag hindi sapat ang oxygen na nakakarating sa ating puso. 

Madalas na Pagsusuka at Pagdumi

Ang madalas na pagsusuka at pagbabago sa pagdumi ay mga sintomas din ng sakit sa puso. Ang mga ito ay hindi normal at maaaring maiugnay sa mga komplikasyon sa puso tulad ng heart failure, cardiac arrhythmias, at iba pa. 

Ano ang Karaniwang Sanhi ng Sakit sa Puso?

Ano ang Karaniwang Sanhi ng Sakit sa Puso?

Ang sakit sa puso ay maaaring sanhi ng maraming bagay kung kaya’t ang pag-alam sa mga ito ay isang mahusay na hakbang upang maalagaan ang iyong kalusugan at makaiwas sa anumang komplikasyon.

Atherosclerosis

Ang atherosclerosis ay isang kondisyon kung saan ang mga plaques ay bumubuo sa loob ng mga arteries. Ito’y nagdudulot nang pagbabawas ng daloy ng dugo papunta sa puso. Ito’y nagbibigay ng panganib sa ating kalusugan gaya ng heart attack at stroke. 

Overweight

Ang sobrang timbang ay maaaring magdulot ng labis na presyon sa puso at mga arteries. Ito'y maaaring magdulot ng atherosclerosis, heart disease, at iba pang mga komplikasyon sa kalusugan. 

Hypertension

Isa rin sa mga maaaring maging sanhi ng sakit sa puso ay ang pagtaas ng presyon ng dugo na nagdudulot ng panganib sa puso at maaaring magresulta sa iba’t-ibang karamdaman. Ito ay maaaring magdulot ng pagkasira ng mga arteries, panganib ng stroke, at iba pang problema sa kalusugan. 

Diabetes

Ang mataas na blood sugar levels o diabetes ay nagdudulot ng komplikasyon sa ating cardiovascular system. Kapag ang blood sugar levels ay hindi mataas kompara sa normal, ito ay nagdudulot nang bahala sa ating puso at mga ugat, na maaaring magresulta sa panganib sa kalusugan tulad ng heart attack at stroke. 

Genetics

Ang genetic factor mula sa mga magulang ay maaaring magdulot din nang pagsalin ng sakit sa puso. Kung kaya’t ang mga pamilyang may history nito ay may mas mataas na tyansang maipasa ang sakit na ito sa iba nilang kamag-anak. Ang mga sakit na ito ay ang high blood pressure, coronary artery disease, at iba pang cardiovascular conditions. 

Ano ang mga Komplikasyon ng Sakit sa Puso?

Ang sakit sa puso ay maaaring magdulot ng iba't-ibang komplikasyon na maaaring maging sanhi ng mas malalang kondisyon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Peripheral Artery Disease

Ang pagsara ng mga arteries sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng binti, ay maaaring maging isang komplikasyon ng sakit sa puso. Ito ay kilala bilang peripheral artery disease (PAD) at maaaring magdulot ng paghihirap sa paggalaw at iba pang mga sintomas na dapat bantayan at gamutin.

Heart Attack

Nagdudulot naman ito nang hindi sapat na pag-supply ng dugo at oxygen sa puso. Ito ay isang malubhang kondisyon na kailangan nang agarang lunas para maiwasan ang pinsala sa puso at posibleng pagkamatay.

Arrhythmia

Ang hindi normal na tibok ng puso, tulad ng mabilis o mabagal na pagtibok nito, ay kilala bilang arrhythmia. Ito ay maaaring maging komplikasyon ng puso at kailangang maagapan agad upang maiwasan ang iba pang mga problema sa kalusugan dulot nito.

Stroke

Kapag nagsara ang ating mga blood vessels patungo sa utak, ay maaari itong magdulot ng stroke. Ito ay isang seryosong kondisyon na maaaring magdulot ng pinsala sa utak dahil sa kakulangan ng daloy ng dugo. 

Ano-ano ang Mga P’wedeng Gamot sa Sakit sa Puso?

Ano-ano ang mga P’wedeng Gamot sa Sakit sa Puso?

May iba’t-ibang uri ng gamot na maaaring gamitin sa pangangalaga at pagkontrol ng sakit sa puso. Mula sa mga over-the-counter na gamot papunta sa mga natural o herbal na paraan, narito ang ilan sa kanila:

Antiplatelet Agents

Ang mga antiplatelet agents ay naglalayong hadlangan ang pagkumpol-kumpol ng mga platelets sa dugo, na maaaring maging sanhi ng blood clot sa mga arteries. Ang mga gamot na ito kagaya ng aspirin, asaphen, entrophen, at novasen ay mahalaga upang maiwasan ang blood clot at iba pang mga kondisyon na nauugnay sa ating dugo.

Beta Blockers

Beta blockers ang madalas na ginagamit sa pagbawas at pagpapababa ng blood pressure upang mapanatili ang normal na tibok ng ating puso. Ang mga ito ay mahalagang gamot para sa mga taong may mga problema sa puso at pangangalaga ng cardiovascular health.

Angiotensin-converting enzyme (ACE) Inhibitors

Ang mga ACE inhibitors ay nagtataguyod ng normal na daloy ng dugo at nagpapababa ng presyon upang mapanatili ang kalusugan ng ating puso. Ito ay mahalaga upang maalagaan ang cardiovascular, na nagbibigay ng benepisyo sa mga taong may mataas na presyon ng dugo at iba pang kondisyon sa puso.

Herbal Supplements at mga Pagkaing Diuretic

Ang ilang herbal supplements at mga pagkain na may natural diuretic properties ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng presyon at natural na pagsasaayos ng fluid balance sa katawan. Halimbawa nito ay ang green tea, parsley, sili, at saging na kulay green. Ang mga ito ay makatutulong sa pag-alis ng sobrang tubig sa katawan.

Bisitahin Kami Online para sa mga Gamot sa Sakit sa Puso na Dekalidad at Abot-kaya!

Kung hanap mo ng mura at epektibong gamot para sa iyong sakit sa puso, magtiwala lang sa The Generics Pharmacy! Dito, makakasiguro kang mabibili mo ang mga pangangailangan mo nang abot-kaya at dekalidad! 

Huwag palampasin ang pagkakataong maging malusog nang hindi nasasaktan ang bulsa. Bumisita sa aming online store ngayon. Tandaan, sa The Generics Pharmacy, siguradong malasakit sa pagsugpo ng sakit sa puso, sa presyong kayang-kaya!

Bistahin ang aming online store!

Mahalagang paalala: Ang lahat ng impormasyong nakalahad dito ay para lamang sa pagbabahagi ng kaalaman at ‘di dapat ituring bilang professional medical advice. Ugaliin pa rin kumonsulta sa iyong doktor bago uminom o gumamit ng kahit anong gamot.

Recommended Medicines

Search on blog