ENT: Mga Sakit, Sanhi, Sintomas, at Gamot

Ang mga impeksyon sa ear, nose, at throat (ENT) o mata, ilong, at lalamunan ay karaniwan. Kadalasan ay mild o hindi nakababahala ang mga sintomas nito ngunit ang mga malulubhang impeksyon ay kinakailangang ipakita sa doktor.

ENT doctor with a patient

What are ENT diseases?

Kapag pinag-uusapan ang mga ear, nose, and throat disorders, madalas na tinitignan ang lokasyon ng sakit imbis na kung viral o bacterial infection ba nagdudulot nito. Ito ay dahil ang diagnosis ay nakabatay sa parteng naaapektuhan. Madalas ay kayang sabihin ng doktor kung saan nagmumula ang ENT condition batay lamang sa mga nararanasang sintomas.

  • Ang impeksyon sa tainga ay maaaring maranasan sa labas, sa gitnang bahagi, o sa pinakaloob na bahagi ng tainga. Pinakamadalang sa tatlo ang inner ear infection dahil mas mahirap para sa mga virus at bakterya ang abutin ito.
  • Ang impeksyon sa ilong, o nasal infection, ay madalas nararanasan sa nasal passages (daanan sa ilong) gaya ng rhinitis, pero maaari rin nitong maapektuhan ang mga sinuses katulad ng sinusitis.
  • Ang mga impeksyon naman sa lalamunan, o throat infections, ay pinangangalanan base sa lugar ng impeksyon. Halimbawa tonsillitis ang tawag sa impeksyon sa tonsils at laryngitis naman ang para sa larynx (voice box).

What are the symptoms of ear, nose, and throat infections?

Ang mga sintomas ng ear, nose, and throat infections na maaaring maranasan ay nakabatay sa kung saan nanararanasan ang mga sintomas.

  • Ang mga ear infection ay nagdudulot ng pamamaga at pananakit sa tainga, kawalan ng pandinig, at kawalan ng balanse.
  • Ang nose infection naman ay nagiging sanhi ng sipon o baradong ilong, pagbahing, o sakit ng ulo.
  • Ang mga may throat infection ay maaaring makaranas ng masakit na lalamunan, hirap o sakit sa paglunok, at pamamaga ng glands sa leeg.

Ang tatlong klase ng ENT infections ay maaari ring magdulot ng lagnat at sakit ng katawan. Karaniwan ding lumilipat o umaabot ang impeksyon sa ibang parte ng ENT. Halimbawa, ang impeksyon na nagsimula sa ilong ay maaari ring umabot sa lalamunan.

What is the right ENT treatment to use?

Ang mga impeksyon sa ear, nose, at throat ay hindi naman nakababahala at ang mga sintomas nito ay nawawala sa loob ng ilang araw. Aabot ng isa o dalawang linggo para tuluyang gumaling ang impeksyon.

Maaaring uminom ng painkiller katulad ng paracetamol o ibuprofen para maibsan ang sakit na nararanasan. Maaari rin nitong bawasan ang nararamdamang sintomas at pababain ang lagnat na kaakibat nito.

Para sa mga nose at throat infections, pwedeng uminom ng decongestant para lumuwag ang daluyan ng hangin.

Girl toothbrushing

Sakit sa Lalamunan o Throat Diseases

kid blowing his nose

Sinusitis

eye

Sakit sa Mata o Eye Diseases