Ano ang COPD: Pag-unawa dito at Paano Makakatulong ang Kaalaman sa Kalusugan Mo

Ano ang COPD: Pag-unawa dito at Paano Makakatulong ang Kaalaman sa Kalusugan Mo

Sa panahon ngayon kung saan laganap ang samu't-saring sakit, importanteng alam natin kung paano pangalagaan ang ating katawan. Ngunit, sa kasamaang palad, tayo ay nagkakasakit. Kaya naman mahalagang mayroon tayong kaagapay na tutulong sa atin para gumaling. 

Ang mga sakit na kagaya ng COPD at iba pang uri ng sakit sa baga ay kailangan nang regular na pagmo-monitor ng kalusugan. Kailangan ang pagiging maagap sa pagtanggap ng tamang pangangalaga mula sa mga propesyonal na doktor. Ngunit, ano nga ba ang COPD?

Ano ang COPD o Sakit sa Baga?

Ano nga ba ang COPD? Ito ay ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease—isang kondisyong naglilimita sa kakayahan ng baga na makapagbigay nang sapat na hangin sa ating katawan. Ito ay nagdudulot nang matindi at pangmatagalang ubo, hirap sa paghinga, at iba pang sintomas na nagdadala nang labis na pahirap sa pang-araw-araw nating pamumuhay. 

Isang pangunahing sanhi nang kahinaan sa ating respiratory health ay ang kondisyong ito. Kaya naman, mahalaga ang maagap na pagtuklas kung ano ang COPD. Kasama na rin dito ang tamang paraan para maibsan ang anumang sakit na dala nito. Ngunit higit pa riyan, mahalagang malaman mo rin kung ikaw ba ay mayroon nito. 

Paano Ko Malalaman kung Meron Akong COPD?

Ang pagtuklas kung ano ang COPD ay mahalaga upang maagapan ito agad. Ito ang ilan sa mga paraan para malaman mo kung ikaw ba ay mayroon nito.

Alamin ang mga Sintomas

Alamin ang mga Sintomas

Ang mga pangunahing sintomas para malaman mo kung ano ang COPD at kung ikaw ay mayroon nito ay ang pag-ubo nang matagal na may kasamang plema. 

Halimbawa, ang isang malalang ubo ay tumatagal ng walong linggo o higit pa sa mga matatanda, o apat na linggo para naman sa mga bata. Ito ay nakakahadlang sa ating pagtulog at nagdudulot nang pagkapagod. Ito’y nagdudulot din nang pagkahirap sa paghinga at pagsisikip ng iyong dibdib.

Pagkonsulta sa Doktor

Pagkonsulta sa Doktor

Ang pangunahing hakbang sa pangangalaga ng kalusugan ay ang pagkonsulta sa doktor. Mahalagang masuri kaagad ang dahilan ng iyong pag-ubo nang matagal. Kung ikaw ay na-diagnose at nalaman mo kung ano ang COPD, ipagamot mo ito agad upang bumagal ang paglala ng mga sintomas. 

Sa tulong din ng doktor, makakakuha ka ng mga payo at gamot kung paano maaagapan ang mga sintomas at gumaling sa COPD.

Sumailalim sa mga Pagsusuri

Sumailalim sa mga Pagsusuri

Ang spirometry ay ginagamit upang malaman mo kung ano nga ba ang COPD. Ang spirometer ay inaalam ang dami at bilis ng hangin na iyong inilalabas. Ito ay tumutulong sa iyong doktor na makita kung gumagana ba nang maayos ang iyong baga. Ang hakbang na ito ay p’wedeng gawin sa anumang edad. 

Ano ang Sintomas ng COPD?

Ano ang Sintomas ng COPD?

Ang COPD ay maaaring magdulot ng iba't-ibang sintomas, at ito ay mahalagang  malaman upang mapanatili ang kalusugan ng baga, maagang maintindihan kung ano ang COPD, at malunasan ang anumang sakit na dulot nito. Ito ang ilan sa mga sintomas na dapat mong tandaan:

Matagalang Ubo na May Plema

Isang sa mga unang palatandaan kung ano ang COPD ay ang paulit-ulit na pag-ubong hindi nawawala. Ang pag-ubo ay likas na depensa ng katawan upang panatilihing malinis ang mga daanan ng paghinga mula sa alikabok o usok at plema. Kapag mayroon kang COPD, may sobrang plema at mas madalas kang umuubo.

Hirap sa Paghinga at Pagkahingal

Sa mga taong nalilito kung ano ang COPD, dapat mong malaman na nakakasira ito ng baga dahil sa labis na plema na dulot nito. Ang mga sintomas nito ay kasama ang ubo, hirap sa paghinga, paghilab ng dibdib, at pagkapagod—na nagiging dahilan upang mahirapan kang huminga o madaling hingalin. 

Pagsikip ng Dibdib kapag Humihinga

Sa oras na malaman mo kung ano ang COPD, may ideya kang nagdudulot ito nang pinsala sa ating lung tissues. Kapag nag-leak ang hangin papunta sa pagitan ng baga at pader ng iyong dibdib, ito ay p’wedeng bumagsak at lumobo. 

Kapag nangyari ito, makakaramdam ka nang biglaang paghingal, matinding pananakit o pagkirot ng dibdib, at pagkakaroon nang malakas na ubo.

Ano-ano ang mga Kadalasang Sanhi ng COPD?

Ang mga pangunahing sanhi ng COPD ay ang paninigarilyo, genetics at predisposition ng isang tao, at ang pagka-expose niya sa iba’t-ibang chemicals at pollution. Ating pag-usapan ang bawat sanhi sa ibaba.

Paninigarilyo

Paninigarilyo

Ang mga chemicals na matatagpuan sa tobacco ay nagdudulot nang malubhang pinsala sa baga, tulad ng nicotine, tar, carbon monoxide, at iba pa. Ang mga ito’y nagpapataas ng panganib ng impeksyon. Nagiging sanhi rin ito ng inflammation. 

Higit pa rito, ang mga sangkap ng tobacco ay sumisipsip sa ating baga sa pamamagitan nang paninigarilyo. Sinisira din nito ang ating lung tissues at binabawasan ang kakayahan ng ating baga na magkaroon ng sapat na oxygen.

Genetics at Disposition

Genetics at Disposition

May mga taong mas mataas ang tyansang magkaroon ng COPD dahil sa kanilang genes at disposition. Kung may kamag-anak kayong mayroon nito, maaaring alam mo na kung ano ang COPD at ang tyansang baka ikaw ay mayroon din nito. 

Ngunit, ang mga partikular na dahilan nang ugnayan nito sa genes ay hindi pa ganap na natutuklasan, ngunit ang mga pag-aaral ay nagpapahiwatig na isa itong dahilan. 

Gayunpaman, mahalaga pa ring tandaan na hindi lahat ng mga taong may pamilyar na kasaysayan sa kung ano ang COPD ay siyang magkakaroon din nito.

Exposure sa Nakakapinsalang Chemical o Pollution

Exposure sa Nakakapinsalang Chemical o Pollution

Ang pagka-expose sa mga masasamang chemicals at pollution ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa ating kalusugan, lalo na sa ating paghinga, na maaaring magdulot ng COPD.

Kaya mahalagang maging maingat at magsuot ng mga proteksyon kagaya ng face mask upang maiwasan ang epekto ng mga ito sa ating baga.

Ano ang mga Komplikasyon ng COPD?

Ang COPD ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon na nakakaapekto sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Narito ang ilan sa mga iyon.

Pulmonya

Ang pulmonya ay mas mataas na panganib na maaaring maranasan ng mga taong may COPD. Ito’y dahil sa kahinaan ng baga sa paglaban sa impeksyon. 

Kaya naman, kailangan mong maging maingat at alagaan ang iyong baga. Tugunan mo rin ang anumang senyales ng lung infection. Ito’y upang mapabuti ang kalusugan ng iyong baga at maiwasan ang paglala ng komplikasyon.

Komplikasyon sa Puso

Ang mga taong alam kung ano ang COPD ay alam na nakakaramdam sila nang hirap sa paghinga na malayo sa normal. Ito’y dulot nang kakulangan ng oxygen sa katawan, na nagdudulot upang tumibok nang mabigat ang puso.

Dahil dito, p’wedeng magkaroon ng stress sa puso at iba pang komplikasyon. Kaya mahalaga ang maayos na pangangalaga sa kalusugan at wastong kaalaman kung  ano ang COPD upang maiwasan ang masamang epekto sa puso at iba pang bahagi ng ating katawan.

Respiratory Infections

Ang pagkakaroon ng makapal at matagal na plema at ang kahinaan ng respiratory system ay nagdudulot ng impeksyon.  Sa ganitong sitwasyon, ang baga na dapat sana'y nagbibigay-proteksyon ay nagiging mas mahina at nagdudulot ng mas mataas na panganib sa ating kalusugan.

Pulmonary Hypertension

Ang COPD ay maaaring maging sanhi nang pagtaas ng presyon sa mga bahagi ng ating baga, na tinatawag na pulmonary hypertension. Ang kondisyong ito ay nangyayari kapag ang mga maliliit na blood vessels ay nagiging masikip o nagkakaroon ng diperensya. 

Ang pagtaas ng presyon na ito ay nagdudulot nang pagsikip ng mga daanan para sa dugo, na nagbibigay ng mas mataas na panganib ng cardiovascular complications.

Isyu sa Emotional at Mental Health

Ang mga limitasyon sa pisikal na gawain at ang pang-araw-araw na hirap sa paghinga ay maaaring magdulot nang malalim na epekto sa emotional at mental health ng isang tao, tulad ng stress, pangamba, at depression. 

Ano-ano ang mga Posibleng Gamot para sa May COPD?

Ano-ano ang mga Posibleng Gamot para sa May COPD?

Sa mga may COPD o may sintomas nito na nais malaman kung ano ang COPD, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor at sumailalim sa mga pagsusuri. Gayunpaman, may mga paraan din para maibsan ang sakit na dala nito kagaya na lamang ng mga sumusunod:

Bronchodilators

Ang bronchodilators ay mga gamot na ginagamit upang palawakin o buksan ang mga airways o daanan ng hangin sa ating baga. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga kondisyon tulad ng asthma, COPD, at iba pang respiratory problems. 

Ang pangunahing layunin ng bronchodilators ay mapagaan ang paghinga sa pamamagitan nang pagre-relax ng mga muscles sa paligid ng airways, na nagdudulot nang pagluwag nito at pagbibigay daan sa mas mabilis na pagpasok at labas ng hangin. 

Corticosteroids

Ang corticosteroids ay isang uri ng gamot na may anti-inflammatory effect. Ang pangunahing layunin nito ay bawasan ang pamamaga at palakasin ang immune system para mapabuti ang mga sintomas ng COPD.

Inhalers

Ang inhaler ay ginagamit upang maipasa o mailabas ang gamot sa loob ng respiratory system ng isang tao. Karaniwang ginagamit ito sa mga taong may asthma o COPD.

May dalawang pangunahing uri ng inhaler:

  • Metered Dose Inhaler (MDI): Ito ay isang maliit na lata na naglalaman ng compressed na gamot. Kapag pinindot, naglalabas ito ng tiyak na dami ng gamot na maaari mong i-inhale upang makapasok sa iyong baga. 
  • Dry Powder Inhaler (DPI): Sa halip na likido, ito ay naglalaman ng pulbos na gamot. Kapag inaamoy, ang hangin ay nagdadala ng pulbos sa loob ng baga.

Antibiotics

Ang mga antibiotics ay maaaring ibigay na reseta para sa mga may COPD na may bacterial infection sa baga. Ilan sa mga epektibo para sa ganitong kondisyon ay ang azithromycin, amoxicillin, at levofloxacin. 

Ang mga ito ay nilalabanan ang bacteria upang mapabuti ang kalusugan ng iyong baga. Ngunit, mahalaga pa rin ang tamang paggamit at kumpletong pag-inom ng mga ito para maiwasan ang antibiotic resistance at masiguro ang epektibong paglaban sa bacterial infection.

Bisitahin ang Aming Online Store para sa mga Gamot na Dekalidad at Abot-kaya

Kung ikaw o mayroon kang kamag-anak na may COPD, ang The Generics Pharmacy ay isang dekalidad na tagapagbigay ng mga gamot para sa kondisyong ito. Kami ay nag-aalok ng mababang halaga ngunit epektibong mga gamot na makatutulong sa pangangalaga at pagkontrol ng iyong COPD.

Huwag mag-atubiling bumisita sa aming online store upang mabigyan ka ng gamot para sa iyong karamdaman. Basta generics, dito ka na sa TGP! Mabisa na, matipid pa! 

Bisitahin ang aming online store!

Mahalagang paalala: Ang lahat ng impormasyong nakalahad dito ay para lamang sa pagbabahagi ng kaalaman at ‘di dapat ituring bilang professional medical advice. Ugaliin pa rin kumonsulta sa iyong doktor bago uminom o gumamit ng kahit anong gamot.

Recommended Medicines

Search on blog