Paano nakakatulong ang ampalaya sa kalusugan?
- Pinapataas ang vitamin C content
- Binabawasan ang bad cholesterol
- Pinabababa ang high blood sugar
Ang ampalaya ay tinatawag din na bitter melon o bitter gourd. Ito ay related sa ibang prutas at gulay tulad ng cucumber, zucchini, at pumpkin. Dahil sa mapait nitong lasa, kadalasan itong iniiwasan kainin ng mga hindi mahilig sa gulay. Ito ay karaniwang makikita sa Filipino dish na Ginisang Ampalaya at ihinahalo sa iba’t ibang ingredients katulad ng itlog, pork, at shrimp. Gusto mo bang malaman kung paano nakakatulong ang ampalaya sa kalusugan? Read on!
Pinapataas Ang Vitamin C Content
Kapag sinabing vitamin C, karaniwan na maiisip ng mga tao ang prutas na orange o lemon. Pero alam mo ba na ang isang cup ng ampalaya ay kayang punan ang 93% ng recommended daily intake ng vitamin C?
Sa ibang pag-aaral, nakita na natulungan ng vitamin C mag-improve ang iron absorption ng katawan. Ang iron ay mahalaga para sa ating mga red blood cells na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan partikular na sa puso.
Ang vitamin na ito ay may mga antioxidants na magpapalakas ng katawan laban sa mga sakit. Dahil dito, nakita rin na mas bumilis ang paghilom at paggaling ng mga sugat tulad ng ulcer. Isang pag-aaral din ang nagpakita na mas bumilis ang paggaling ng mga taong may pneumonia dahil sa vitamin C.
Binabawasan Ang Bad Cholesterol
Ang bad cholesterol ay maaaring dumikit sa ating mga ugat at humantong sa plaque build-up. Dahil dito mas mahihirapan ang ating puso na magpump ng oxygen-rich blood na kailangan ng ating mga body organs para mag function. Maaari itong maging cause ng mga sakit sa puso o kapag tuluyang bumara ang ugat ay mapunta sa stroke.
Sa isang animal study, ginamit ang ampalaya extract para pababain ang bad cholesterol ng mga rats na may high-cholesterol diet. Ang potential na ito ng ampalaya ay maaaring makatulong para sa pagdevelop ng mga gamot na nakakatulong sa cholesterol.
Pinabababa Ang High Blood Sugar
Maaari din makatulong ang ampalaya sa pagpapababa ng mataas na blood sugar o hyperglycemia. Ang condition na ito ay maaaring humantong sa damaged nerves, blood vessels, at iba pang organs. Ang mga karaniwang nakakaranas nito ay mga taong may diabetes.
Sa isang pag-aaral sa mga taong may diabetes, nakatulong ang 2,000 mg ng ampalaya para mapababa ang level ng blood sugar. Ayon sa diabetes.co.uk, ang pagkain na ito ay may anti-diabetic content tulad ng charantine, vicine, at polypeptide-p. Ang mga ito ay nagpapababa ng sugar sa ating dugo. Ang lectine naman ay may kakayanang gayahin ang epekto ng insulin.
Key Takeaway
Ang bitter melon o bitter gourd ay kadalasang iniiwasan dahil sa mapait na lasa nito. Pero kung alam natin kung paano nakakatulong ang ampalaya sa kalusugan, maaaring mas kumain tayo nito.
Ang vitamin C content ng isang cup lamang ng ampalaya ay kaya nang punan ang 93% ng recommended daily intake. May mga pag-aaral din na nagsasabing pwede ito makabuti sa condition tulad ng pagpapababa ng mataas na blood sugar at bad cholesterol. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sakit na ito, mainam na kumonsulta muna sa iyong doktor bago magdadagdag ng ampalaya sa iyong diet.
Available sa TGP branches nationwide ang ampalaya tablet 500mg. Kung may karagdagan kang tanong tungkol sa aming mga produkto at serbisyo, maaari mo kaming i-message dito!