Ano ang Balisasaw at Paano Makakaiwas Dito

Overview

  • Ang balisawsaw ay isang kondisyon na maaaring resulta nang madalas na pag-ihi at masakit na pakiramdam sa ibaba ng tiyan.
  • Upang maiwasan ito, mahalaga ang pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas sa sobrang kape, tamang ehersisyo, at masustansiyang pagkain.
  • Limitahan ang pag-inom ng alak at maalat na pagkain, at siguruhing maayos ang personal hygiene upang mapanatili ang kalusugan ng iyong urinary system.

Sa bawat tasa ng mainit na kape, sa bawat kasiyahan sa mga parties, night outs, overnight chilling, at mga gaming marathons na hanggang madaling araw, nararamdaman natin ang saya ng pagbibigay halaga sa bawat oras ng ating buhay. Ngunit lahat ng bagay ay sobra at maaaring magdulot ng problema sa ating kalusugan, lalo na sa aspeto ng ating urinary health.

Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang balisasaw at paano makakaiwas dito, habang patuloy na ini-enjoy ang kasiyahan at kalayaan na hatid ng bawat araw.

Ano ang Balisawsaw?

Ano ang Balisawsaw?

Ang balisawsaw ay ang pag-ihi nang madalas at pakiramdam na may masakit sa ibaba ng iyong tiyan o bandang puson. Karaniwan itong nauugnay sa iba't-ibang sanhi tulad ng impeksyon o pagsakit ng pantog. 

Ilan sa mga sintomas nito ay ang pangangati at masakit na pakiramdam kapag nagpupuwersa sa pag-ihi. Karaniwan itong nangyayari sa mga mas matatanda, buntis, o mga taong may medical condition.

Paano Makakaiwas sa Balisawsaw?

Paano Makakaiwas sa Balisawsaw?

Ang balisawsaw ay hindi dapat ipinagsawalang-bahala. Narito ang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang balisawsaw at mapanatili ang magandang daloy ng iyong pag-ihi. 

Pag-inom ng Gamot

Kung ikaw ay may balisawsaw, maaaring rekomendahan sa iyo ng doktor na uminom ng gamot para maibsan ang mga sintomas o mapabilis ang paggaling ng kondisyon. 

Uminom ng Maraming Tubig

Ang pag-inom ng tubig ay isang pangunahing hakbang para mapanatili ang kalusugan ng iyong urinary system. Ito ay mahalaga sa paglilinis ng urinary tract at pagsanggalang laban sa posibleng impeksyon. 

Upang mapanatili ang tamang hydration at kalusugan ng iyong urinary system, kailangan mong uminom ng maraming tubig araw-araw. Ito’y nakakatulong upang maging balanse ang iyong pag-ihi at maiwasan ang anumang problema. 

Iwasan ang Sobrang Kape at Matatapang na Inumin

Ang sobrang pag-inom ng kape at iba pang matapang na inumin gaya ng softdrinks, ay maaaring magdulot nang pagkairita sa iyong bladder dahil sa caffeine content. 

Ang caffeine ay isang uri ng stimulant na maaaring magdulot ng pangangati at pamamaga sa bladder, na maaaring magresulta sa pag-usbong ng balisawsaw o interstitial cystitis. Upang maiwasan ito, mainam na limitahan mo ang pagkonsumo ng mga ito. 

Regular na Pag-eehersisyo at Pagkain ng Tama

Ang ehersisyo ay nakakatulong sa pagpapalakas ng mga muscles ng pelvic floor, na maaaring makatulong sa pagkontrol nang pag-ihi at maiwasan ang balisawsaw. 

Bukod dito, ang malusog na pagkain, tulad ng gulay at prutas, ay may mahalagang papel sa pangangalaga ng ating kalusugan. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa nutrients at iba't-ibang bitamina ay makakatulong upang maging maayos ang ating pag-ihi at maiwasan ang mga problema sa kidney at bladder. 

Limitahan ang Alak at Maalat na Pagkain

Ang labis na pag-inom ng alak at pagkain ng maalat ay maaaring magdulot ng pagkairita sa iyong  pantog. Maaari itong magdulot ng pagtaas ng acidity sa iyong katawan, na maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong sistema ng ihi. 

Mahalaga na limitahan ang pag-inom ng alak at pagkain ng maalat upang mapanatili ang kalusugan ng iyong urinary system. 

Pag-improve ng Personal Hygiene

Ang regular na paglilinis at pangangalaga ng genital area ay makakatulong sa pagpigil nang paglala ng impeksyon sa iyong urinary tract. Ito ay isang simple ngunit mahalagang paraan upang mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng iyong katawan. 

Key Takeaway

Ang pangangalaga sa kalusugan ng sistema ng ihi ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw nating pamumuhay. Sa pamamagitan ng simpleng hakbang sa pag-alam kung  ano ang balisasaw at paano makakaiwas dito, maaari nating mapanatili ang kalusugan ng ating urinary system at maiwasan ito. 

Bisitahin ang pinakamalapit na The Generics Pharmacy o ang aming online store para sa dekalidad na gamot at payong pangkalusugan. Huwag nang magdalawang-isip, alagaan ang iyong urinary system ngayon! Piliin ang TGP, ang TGPag pagaling ng Pilipinas.

Search on blog