Overview
- Ang rayuma, isang kondisyong nagdudulot ng pananakit at pamamaga sa kasu-kasuan, ay maaaring makaapekto sa paa, kamay, at iba pang bahagi ng katawan.
- Kinakailangan malaman ang mga sintomas nito, tulad ng pananakit, pamamaga, at hirap sa paggalaw, para maagapan agad.
- Ang pag-inom ng mga over-the-counter na gamot tulad ng Ibuprofen at Naproxen ay maaaring makatulong sa pagpapabawas ng pananakit at pamamaga.
- Mahalaga rin ang tamang pahinga, pagkain ng balanced diet, at pangangalaga sa kalusugan upang mapanatili ang kalidad ng buhay sa kabila ng rayuma.
Ang pananakit ng katawan at kasu-kasuan ay ilan lamang sa mga p’wede mong maramdaman habang tumatanda. Ang sakit na ito rin ay madalas naiuugnay sa arthritis o rayuma.
Hindi lamang ito nangyayari sa mga matatanda. Kaya naman mahalagang malaman mo kung ano nga ba ito para maintindihan mo ang mga sintomas na dala nito. Ating talakayin kung ano ang rayuma at ang kanilang mga sintomas.
Sa ganitong paraan, mas maaagapan mo nang maaga ang anumang komplikasyon nito. Magpatuloy sa pagbabasa.
Ano ang Rayuma?
Ang rayuma ay isang chronic condition na nagdudulot ng pamamaga at pananakit sa mga kasu-kasuan. Ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng labis na uric acid sa katawan, na maaaring magresulta sa pamamaga ng mga kasu-kasuan at matinding kirot.
Karaniwang naaapektuhan nito ang mga siko, tuhod, at iba pang malalaking kasu-kasuan. Bukod sa pagtanda, maaari ding maging sanhi ng rayuma ang hormonal changes, genetic predisposition, at iba pang mga sakit.
Ano-ano ang Mga Sintomas ng Rayuma?
May iba’t-ibang klase ng rayuma sa mga matatanda at bata. Ang ilan sa mga sintomas nito ay magkakapareho lalo na sa early stage ng sakit na ito. Kaya naman mahalagang alam mo ang mga karaniwang sintomas nito para agad itong masolusyonan. Narito ang ilan sa mga sintomas:
Pananakit ng Paa, Kamay, at Iba Pang Bahagi ng Katawan
Ang rayuma ay maaaring magdulot nang matinding pananakit sa mga paa, kamay, at iba pang bahagi ng katawan. Ito ay maaaring humantong sa paghihirap sa pagtayo, paglakad, at iba pang mga gawain na nangangailangan nang paggalaw ng mga kasu-kasuan.
Pamamaga ng Mga Kasu-kasuan
Ang pamamaga ng mga kasu-kasuan ay isa sa mga pangunahing sintomas ng rayuma. Ito ay nagdudulot ng pananakit, kirot, at hadlang sa paggalaw ng mga apektadong bahagi ng katawan.
Ang pamamaga ay maaaring maging sanhi ng pagkapagod, lalo na kapag lumala na ito. Para maibsan ito, maaari mong subukan ang paggamit ng cold compress o ice pack sa apektadong bahagi ng iyong katawan.
Hirap sa Paggalaw
P’wede ring magdulot ng hirap sa paggalaw ang rayuma. Ang paggalaw ng mga kasu-kasuan ay maaaring maging mahirap at limitado dahil sa pananakit at pamamaga nito. Dahil dito, may tyansang mahirapan kang tumayo, maglakad, at gawin ang mga nakasanayan mo araw-araw.
Upang mapagaan ang hirap sa paggalaw, mahalaga ang pagpapahinga at pag-iwas sa pagpuwersa o magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
Mabilis na Pagkapagod
Ang pananakit, pamamaga, at hirap sa paggalaw ay maaaring maging sanhi ng labis na pagkapagod sa mga taong may rayuma. Ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng kawalan ng energy at gana sa pagkain.
Kung kaya’t mahalaga ang pagpapahinga, pagtulog ng sapat, at pagkain ng balanced diet. Sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa katawan at kalusugan, maaaring mabawasan ang epekto ng rayuma at mapanatili ang kalidad ng iyong buhay.
Halimbawa, isang taong may rayuma ay nakakaranas nang panghihina dahil sa pananakit at hirap kumilos dulot nito. Nahihirapan siyang kumilos at hindi nagiging productive sa kanyang araw-araw na gawain.
Ngunit sa tamang pangangalaga sa katawan at kalusugan, maaaring mapabuti ang kalagayan niya kahit siya’y may rayuma.
Mga Gamot Laban sa Rayuma
Sa The Generics Pharamacy, mayroon kaming mga over-the-counter na gamot para malabanan mo ang iyong rayuma. Ang ilan sa mga ito ay ang Mefenamic Acid at Paracetamol Ibuprofen. Mayroon din kaming mga vitamins at supplements para manatili ang iyong kalusugan kaakibat ng rayuma gaya ng Ascorbic Acid at Glucosamine HCI + Chondroitin Sulfate.
Ang mga ito'y mabibili sa murang halaga at nakakasiguro kang epektibo ito laban sa pananakit ng iyong kasu-kasuan dahil sa rayuma.
Key Takeaway
Ang rayuma ay isang kondisyon na nagdudulot ng pananakit, pamamaga, at hirap sa paggalaw sa mga kasu-kasuan, at kapag hinayaang lumala ang mga sintomas na dala nito ay maaari itong makaapekto sa ating pamumuhay.
Kung kaya mahalaga na alam natin kung ano ang rayuma at ang maagap na pagtukoy at paggamot sa mga sintomas upang maiwasan ang paglala nito. Bukod sa pagpapahinga at pagkonsulta sa doktor, at tamang pag-alaga sa sarili, maaari ding subukan ang mga abot-kaya at dekalidad na over-the-counter na gamot mula sa The Generics Pharmacy.
‘Wag hayaang lumala ang nararamdaman, pumunta na sa pinakamalapit na TGP sa inyong lugar o kaya ay bisitahin kami online. Dito ka na sa may abot-kaya at dekalidad na gamot, dito ka na sa TGP—ang TGPagpagaling ng Pilipinas.