Masusustansya na Pagkain Upang Maiwasan ang Diabetes

Tuwing bumibili ka ng mga pagkain sa grocery, kadalasan ikaw ay nagtatanong sa iyong sarili kung ang bibilhin mo ba ay iyong masarap o iyong malusog. Habang ikaw ay nagdedesisyon, dapat mong isaalang-alang na ang iyong kakainin ay may malaking impluwensiya sa kalusugan ng iyong katawan.

Isang magandang halimbawa nito ay ang pagkain ng matatamis na pagkain sapagkat ang sobrang pag konsume nito ay maaaring magdulot ng diabetes. Ang gamot para sa sakit na ito ay makikita sa iba’t ibang drug store. Subalit, mas mainam pa rin na ito ay maiwasan sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga masusustansyang mga pagkain.

Maraming pananaliksik ang nagsasabi na mahalagang kumain ng iba’t ibang malulusog na pagkain – hindi lamang upang maiwasan ang diabetes, pati na rin ang iba pang mga sakit na pwedeng maranasan ng ating mga katawan. Ilang halimbawa ng pagkain na ito ay iyong bunga ng pagsasaka, iyong mayroong malusog na taba, at karne na walang masyadong taba at kolesterol at carbohydrates. Kung ito ay iyong masusunod, higit mong maiiwasan ang sari-saring sakit (malubha man sila o hindi).

Importante rin naman na ikaw ay kumain ng naaayon lamang – iyong walang labis at walang kulang, sapagkat ang pagkain ng sobra-sobrang pagkain ay hindi maganda para sa kalusugan ng iyong katawan (kahit na ito pa ay masusustansyang pagkain).

Kung nais mong malaman ang iba pang halimbawa ng masusustansyang pagkain, maaari mong basahin ang artikulong ito. Ito ay isinulat upang ipaalam sa inyo ang iba’t – ibang mga pagkain na pwedeng mong i-konsumo para maiwasan ang diabetes (at iba pang mga sakit). Makikita mo sa listahang ito ang labing-pito (17) na masusustansiyang pagkain. Maaari ninyo dalhin ang listahang ito sa paleke, grocery, o tindahan sa susunod na ikaw ay mamimili ng pagkain.


1. Mansanas

Ang mansanas ay isang napakalusog na pagkain. Sa katunayan, maaari mong ipalibot ang mga detalye ng iyong diyeta rito. Ito ay dahil ang mansanas ay maraming fiber at wala masyadong calories.

Ibig sabihin, ito ay pwede mong kainin upang maibsan ang iyong gutom at masiyahan ang iyong tiyan. Ang maganda pa rito ay hindi ito nakakataba. Bukod pa riyan, ang mansanas ay may kakayahan para labanan ang mga masasamang cholesterol. Ito rin ay may abilidad upang pigilan ang pagtaas-baba ng iyong sugar level.

Maraming klase ng mansanas na makikita sa iba’t ibang lugar sa mundo. Kung ikaw ay makakakita ng “Red Delicious” o “Granny Smith”, iminumungkahi na bilhin mo ito sapagkat kasama ang mga iyon sa sampung prutas na may pinakamaraming antioxidants na may kayang lumaban sa sakit.

Nararapat lang din na ito ay kainin ng hindi pa nababalatan. Mas mainam rin kung ito ay hahatiin mo sa pantay na mga bahagi, budburan ng kaunting cinnamon, at ilagay sa microwave at initin ng apat na minuto. Ito ay natural na lalambot at maaari mong ihalo sa iyong yogurt o oatmeal tuwing umaga. Kung ang paraan na ito ay lubhang matrabaho para sa iyo, maaari rin naman na iyong kainin ang iyong mansanas pagkatapos mo itong hugasan.


2. Avocado

Ang avocado ay puno ng masusustansyang mga taba. Ito rin ay may kayang magpabagal ng iyong digestion at magpanatili ng tamang sugar level sa iyong katawan. Maliban pa sa mga ito, nakakatulong rin ang avocado sa pagsugpo ng diabetes sapagkat hinihikayat nito ang insulin at mga cells sa iyong katawan na magsama upang protektahan ang iyong kalusugan laban sa panganib na nasabing sakit.

Para masarap ang pagkakain mo nito, maaari mong subukan itong gawing spread sa iyong tustadong tinapay. Maaari rin naman na ito ay gawin mong shake na pwede mong baunin o pwede rin naman na ito ay agad mong inumin. Tandaan lamang na dapat mong iwasan ang paglagay ng sobrang asukal sa iyong shake.


3. Barley

Ang barley ay may kakayahan upang panatilihing nasa tamang antas ang iyong sugar level. Kaya niyang ihinto ang pagakyat nito ng halos 70%. Ang maganda pa rito ay kaya niyang gawin ito nang pangmatagalan. Ito ay dulot ng fiber na makikita sa barley. Nakakatulong ito sa pagbagal ng iyong digestion.

Posible mo itong gawing alternatibo sa kanin lalo na kung ikaw ay sadyang nagbabawas ng timbang o nagdidiyeta. Bukod pa rito, maaari mo rin itong gamiting bilang garnish, sahog sa sopas, o ihalo sa mga ginisang lutuin.


4. Sitaw

Tuwing nagplaplano kayo ng pamilya mo ng iyong kakainin sa buong linggo, mainam na magtakda na kayo ay dapat kumain ng sitaw dalawang beses sa isang linggo. Nakabubuti ito sa iyong katawan sapagkat meron itong fiber na mabilis matunaw sa iyong tiyan. Meron ding itong protein na nakakatulong pampalakas ng iyong katawan; ito ang dahilan bakit ang sitaw ay magandang alternatibo sa karne.

Para makasiguradong masustansya ang sitaw na bibilhin ninyo, iwasang bilhin ang mga nakadelatang sitaw. Kung hindi talaga maiiwasan, maaari mong hugasan ang mga ito pagkatapos tanggalin sa lata. Pwede mo itong iluto sa iyong pressure cooker ng 10-15 minuto.


5. Karne ng Baka

Tama ang nabasa mo! Ang karne ng baka ay pwede kainin ng mga diabetics. Kailangan lang siguraduhin na ito ay walang taba o sobrang kaunti lamang at konti lang rin iyong dami nito sa plato mo – 1/4 lamang. Importante na sapat yung kinain mong protina para maging kontento sa pagkain mo at para maramdaman mo na ikaw ay busog na. Ang karne ng baka ay importante rin sa pagpapatibay ng muscle sa iyong katawan; mas lalo na kung gusto mong pumayat. Para sa mga diabetics, importante ito kasi ang metabolismo nila ay laging nagiging mataas.

Ang mga pinakamasusustansyang beef cuts ay ang eye of round, inside round, ground round, tenderloin, sirloin, flank steak, tsaka filet mignon. Pero kung hindi mo mabibili ang mga ito, ilagay mo lang yung ibang cuts sa freezer ng benteng minuto. Kung gagawin mo ito, maninigas ang karne at magiging mas madali para sa iyo tanggalin yung mga taba.

Para gawin masmasarap at masmalambot yung karne, ibabad mo ito sa suka, alak, o sitrus. Ang mga asido na nahahanap sa mga ito ay tumutulong mapalambot ang karne.


6. Berries

Ito ay ang mga M&Ms ng kalikasan: masarap at makulay. Malusog din ang mga ito para sa mga may diabetes dahil marami itong fiber at antioxidants. Ang mga berry na kulay pula at asul ay may natural na sangkap galing sa mga halaman na tinatawag na anthocyanins. Sinasabi ng mga siyentipiko na ito ay nakakadagdag ng insulin sa katawan.

Ilagay ang mga berry sa isang lugar kung saan madalas makita upang madali mo silang makain.


7. Broccoli

Isa pa ito sa mga pagkain na puno ng fiber at antioxidants. Puno ito ng vitamin C na sasapat sa iyong pangangailangan para sa isang buong araw. Meron din itong chromium na nakatutulong upang makontrol ang sugar level.

Kung hindi magustohan ang lasa ng broccoli, maaari itong ihalo sa sopas, pasta, o casserole. Subukan rin itong igisa sa bawang, mustasa, toyo, o sesame oil.


8. Karot

Ang sugar na makukuha mula sa karot ay madaling ma-absorb ng ating dugo ngunit hindi ito magdudulot ng masamang epekto dahil kakaunti lamang ito. Ito ay magandang balita sa mga tao dahil ang karot ay maraming beta-carotene at ito ay kailangan ng tao upang makaiwas sa diabetes.

Maaaring gumawa ng fries gamit ang karot upang mas maging kaayaya ang pagkain mo nito. Kailangan mo lamang hiwain ang mga karot ng pahalang at ilagay sa isang baking sheet. Pahiran ng olive oil, asin, at paminta. I-bake ito sa init na 200℃ sa loob ng 40 minuto.


9. Karne ng Manok

Karaniwan ng ihain ang manok sa hapagkainan ng pamilyang Pilipino. Maraming parte ng manok ang pwedeng pagpilian mula sa matatabang bahagi hanggang sa breast part kung saan siksik ang laman. Ang hita o binti naman ay binubuo ng dark meat habang ang balat ay hindi makasasama sa mga tao na may diabetes dahil puno ito ng taba.

Mainam na pumili ng parte ng manok na naaayon sa iyong pangangailangang pangkalusugan dahil sa taglay nitong protina at minimal na calories. Maaari kang magluto ng iba’t ibang putahe gamit ito gaya ng tinola, adobo, at sinampalukan.


10. Itlog

Ang itlog ay ang ginagamit ng mga nutrisyonista bilang pamantayan ng mga protina sa kadahilanang marami itong taglay na dekalidad na protina. Subalit, mataas ito sa kolesterol kung kaya’t dapat limitahan ang pagkain ng hindi susobra sa dalawang piraso bawat araw.


11. Isda

Ang sakit sa puso ay isa sa mga pinakanakamamatay na komplikasyon ng diabetes. Ang pagkain ng isda ay nakatutulong upang malabanan ito. Ayon sa Harvard School of Public Health, ang pagkain ng isda isang beses sa isang linggo ay maaaring magpababa ng halos 40% chance sa pagkakaroon ng sakit sa puso, kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.

Ang pamamaga naman ay isa sa mga pangunahing nagdudulot ng insulin resistance at diabetes, at ang fatty acids na matatagpuan sa isda ay tumutulong na maiwasan ang mga ito.

May mga iilang kemikal na matatagpuan sa isda na maaaring maging mapanganib sa mga nagdadalang tao; gayunpaman, hindi maikaiila ang benepisyong dulot nito.


12. Flaxseed

Ang flaxseeds ay isa sa mga pinakaepektibong panlaban sa diabetes. Marami itong protina, fiber, at healthy fats. May taglay din itong magnesium na nakatutulong sa iyong mga cells upang maayos nitong magamit ang insulin.

Ang dinurog na flaxseeds ay masarap ihalo sa iba’t ibang pagkain tulad ng sorbets, karnet, at tinapay ngunit, madali ito masira kung kaya siguraduhin ilagay ito sa refrigerator pagkatapos gamitin.


13. Gatas at Yogurt

Ang dalawang dairy products na ito ay nagtataglay ng maraming protina at calcium. Maraming masusing pag-aaral ang isinagawa, ayun sa resulta ng mga ito ang calcium ay mainam na makatutulong sa pagbabawas ng timbang. Bukod dito, may ilan pang dairy products na nakatutulong rin upang maiwasan ang panghihina ng cells na syang tumutugon sa hormone na insulin, o insulin resistance. Gayunpaman, mas mabuti pa ring bumili ng gatas at yogurt na walang gaanong o walang fats. Ngunit maaaring hindi magustuhan ang lasa ng naturang gatas, kaya’t maaari ring bumili na lamang ng gatas na may isang porsyento ng fats sapagkat ito ay higit na malapot at malinamnam kumpara sa skimmed milk.


14. Mani

Ang mani ay nagtataglay din ng protina at fiber. May mga taglay din itong fats ngunit ito naman ay monounsaturated na may magandang dulot sa ating katawan. Mainam itong i-bake at i-pares sa sopas at ulam. Ibalot lamang ito sa isang tela at lutuin sa init na 150℃ sa loob ng 7-10 na minuto.


15. Buto (Seeds)

Katulad ng mani, ang buto o seeds ay puno ng protina, fiber, at healthy fats. Ito rin ay nakakababa ng kolesterol sa katawan.

Upang madali mo itong madala kahit saan, maaari itong ilagay sa isang maliit na garapon ng kendi.


16. Oatmeal

Ang oatmeal ay maganda sa kalusugan dahil sa taglay nitong soluble fiber. Dahil dito, nagiging malapot ang oatmeal kapag inihalo sa tubig. Hinahadlangan nito ang digestive enzymes at starch molecules upang bumagal ang pag gamit ng carbs at upang maging mas matagal na maging asukal.


17. Olive Oil

Ang olive oil ay puno ng anti-inflammatory components na pinatunayan ng mga siyentipiko na mabisang gamot sa sakit ng ulo tulad ng aspirin. Mabisa rin itong panglaban sa sakit sa puso at diabetes dahil pinipigilan nito ang pamamaga.

Ito rin ay isang magandang alternatibo sa mantikilya dahil tumutulong itong bawasan ang insulin resistance. Bukod dito, pinapabagal din nito ang iyong panunaw.


Konklusyon

Upang labanan ang diabetes kinakailangan na panatilihing kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina, fiber, at healthy fats. Ang mga nabanggit na pagkain ay siksik sa mga kinakailangang bitamina at mineral. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapayat, pag iwas sa sakit sa puso, at iba pa.

Ngunit, hindi dapat isinasawalang bahala ang pagkonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ng karampatang gamot para sa diabetes. Maaaring pumunta sa iyong suking parmasyutika tulad ng The Generics Pharmacy na kilala dahil sa aming mabisa at epektibong gamot. Hindi lamang iyon, kami rin ay nagtitinda ng mga gamot na tiyak na abot kaya at hindi masakit sa bulsa.

Mangyaring bisitahin lamang ang link na ito upang malaman ang listahan ng mga produkto at gamot na makikita sa aming mga tindahan /products/ .

Search on blog