Ano-ano ang mabibisang gamot para sa hirap sa pag-ihi?
- Phenazopyridine
- Ibuprofen
- Cranberry supplements
- Lubricating jelly
- Antihistamines
- Alpha-blockers
Overview
- Maaaring makatulong ang Phenazopyridine sa pag-alis ng discomfort at pangangalawang sa sistema ng ihi, partikular sa mga kundisyon tulad ng urinary tract infection (UTI).
- Ang Ibuprofen, isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID), ay pangkaraniwang ginagamit para maibsan ang sakit at pamamaga.
- Ang regular na paggamit ng Cranberry supplements ay maaaring makatulong sa pangangalaga ng kalusugan ng urinary tract, nagbibigay ng immune support at antioxidants.
- Ang Antihistamines, tulad ng cetirizine, ay maaaring gamitin para sa hirap sa pag-ihi dulot ng allergies.
Ang hirap sa pag-ihi ay isa sa mga kondisyon sa katawan na maaaring magdulot ng matinding sakit sa puson. Kapag hindi ito na aksyonan nang maaga, maaaring magbunga ito ng mas malaki at malalang epekto sa ating kalusugan.
Kaya naman mahalaga ang pagkonsulta sa doktor upang maunawaan ang sanhi nang hirap sa pag-ihi at mainom ang nararapat na gamot. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang over-the-counter (OTC) na mabisang gamot sa hirap sa pag-ihi. Ito’y upang maging solusyon sa iyong dinaranas, na naglalayong magbigay ng ginhawa at mapabuti ang iyong kalusugan.
Phenazopyridine
Ang Phenazopyridine ay isang uri ng gamot na maaaring inumin upang alisin ang pangangati at pangingilo sa pag-ihi. Halimbawa nito ay ang gamot na NASAFER, kung saan ang aktibong sangkap nito ay ang phenazopyridine.
Ito ay maaaring makatulong sa pag-alis ng discomfort sa tuwing ikaw ay umiihi sa pamamagitan ng pagpa-facilitate sa mga sintomas nito. Karaniwan itong iniinom para sa mga kondisyon tulad ng urinary tract infection (UTI) o iba pang mga sakit sa urinary system.
Ngunit, dapat mong tandaan na ang Phenazopyridine ay maaari ring makaapekto sa kulay ng ihi, kaya't mahalagang kumonsulta muna sa doktor bago gamitin ito.
Ibuprofen
Isa sa mga karaniwang pain relievers ay ang Ibuprofen. Ito’y isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na ginagamit upang maibsan ang mga sintomas ng sakit at pamamaga. Ito ay karaniwang iniinom para sa mga kondisyon tulad ng headache, menstrual cramps, arthritis, at iba pang mga uri ng sakit na may kaugnayan sa pamamaga.
Halimbawa, kapag may migraine ang isang tao, maaaring gamitin ang Ibuprofen upang maibsan ang sakit at pamamaga na kaakibat nito. Ito ay kumikilos sa pamamagitan ng pagpigil sa paglabas ng mga kemikal sa ating katawan na nagiging sanhi nang pamamaga at pananakit.
Gayunpaman, mahalagang sundin ang tamang dosis at magtanong muna sa iyong doktor bago gumamit ng anumang pain reliever, lalo na kung mayroon kang iba pang medical condition at umiinom din ng iba pang gamot.
Cranberry Supplements
Ang cranberry supplements ay may mga potensyal na benepisyo sa kalusugan ng ating ihi. Ipinapakita ng ilang pagsasaliksik na nakakatulong ito upang mapababa ang panganib ng impeksyon sa urinary tract ng isang tao.
Bukod dito, ang regular na paggamit nito ay nakakatulong upang maalagaan ang kalusugan ng urinary tract sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system at pagbibigay ng mga antioxidants na nagtataguyod sa kalusugan ng puso.
Lubricating Jelly
Ang mga taong may problema sa pag-ihi ay maaaring makaramdam nang ginhawa sa paggamit ng lubricating jelly. Nakakatulong ito upang alisin ang problema sa kahirapan sa pag-ihi.
Ang regular na paggamit nito ay siguradong nagbibigay ng ginhawa na maaaring magbigay ng positibong epekto sa kalusugan at kabutihan ng mga taong nakararanas ng hirap sa pag-ihi.
Antihistamines
Ang antihistamine na gamot tulad ng cetirizine ay maaaring makatulong sa pag-iwas o pagbawas ng mga sintomas ng hirap sa pag-ihi dulot ng allergies o iba pang mga kondisyon.
Ito ay maaaring makapagpabawas ng pamamaga at pangingilo sa mga bahagi ng katawan na konektado sa proseso nang pag-ihi. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa reaksyon ng katawan sa histamine, ang cetirizine ay maaaring makatulong na bawasan ang iyong hirap sa pag-ihi.
Alpha Blockers
Ang mga alpha blockers ay isa rin sa mga mabisang gamot na maaaring ireseta ng doktor para sa mga lalaking nahihirapang umihi dahil sa kanilang problema sa prostate. Nagagawa nitong i-relax ang iyong kalamnan sa paligid ng pantog o prostate gland. Kung kaya’t mas nagiging maluwag ang urethra at mabilis na nailalabas ang ihi.
Bukod pa dito, ang paggamit ng alpha blockers ay may mahalagang papel sa pagsugpo ng mataas na presyon ng dugo, na maaaring makatulong sa pagpigil sa mga komplikasyon tulad ng stroke at heart attack.
Key Takeaway
Mahalaga ang pangangalaga sa kalusugan ng ating urinary system, kung kaya’t dapat alam mo ang mga mabisang gamot na maaari mong inumin. Samahan pa ang regular na pag konsulta sa doktor upang maiwasan ang ano mang komplekasyo sa kalusugan.
Pasa sa mga mabisang gamot sa hirap sa pag-ihi, pumunta lang sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy sa inyong lugar o bisitahin kami online upang makuha ang tamang lunas para sa iyong kalusugan. Pillin ang TGP na handang magbigay ng abot-kayang pangangalaga sa bawat Pilipino.