6 Natural na Paraan para Maibsan ang Kirot sa Puso

Ano ang mga natural na paraan para maibsan ang kirot sa puso?

  1. Kumain ng pagkain na may omega-3 fatty acids
  2. Paggawa ng aerobic exercise
  3. Pagkakaroon nang sapat na pahinga at tulog
  4. Pag-iwas sa paninigarilyo
  5. Limitahan ang pag-inom ng alak
  6. Regular na pagbisita sa doktor

Overview

  • Ang artikulong ito ay nagbibigay-gabay sa mga natural na paraan upang mapanatili ang kalusugan ng puso ng mga Pilipino. 
  • Binibigyang-diin dito ang kahalagahan ng tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, sapat na pahinga, pag-iwas sa paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, at ang regular na konsultasyon sa doktor. 
  • Layunin nitong patibayin ang kaalaman ng mambabasa sa pag-aalaga ng puso upang maiwasan ang sakit sa ugat ng puso, ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa bansa.

Sa pagtaas ng bilang ng mga sakit sa puso sa Pilipinas, mahalagang malaman ang mga natural na paraan para maibsan ang kirot sa puso. 

Ang sakit sa ugat ng puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa ating bansa, ayon sa mga datos. Ito’y nagpapakita lamang na mahalaga ang tamang pag-alaga ng ating kalusugan. Sa pamamagitan ng wastong kaalaman at paggamit ng natural na mga paraan, p’wede nating mapanatili ang kalusugan ng ating puso at maibsan ang kirot na may kaugnayan sa mga sakit na ito. 

Kumain ng Pagkain na may Omega-3 Fatty Acids

Kumain ng Pagkain na may Omega-3 Fatty Acids

Isang mahalagang hakbang sa pag-aalaga ng ating puso ay ang pag-consume ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids, tulad ng salmon, sardinas, at tulingan. Ang mga ito’y kinakain ng marami dahil nakakatulong ito para maging maganda ang daloy ng ating dugo at masuportahan ang ating kalusugan.

Bukod sa mga isdang nabanggit, mayaman din sa omega-3 ang mga mani tulad ng walnut, almonds, chia seeds, at flaxseeds. Kaya naman, dapat nating isama ang mga ito sa ating pang-araw-araw na kinakain upang mapanatili ang mahusay na kalusugan ng ating puso. 

Paggawa ng Aerobic Exercise

Ang regular na aerobic exercise ay nakakatulong din para maging maayos ang lagay ng ating puso. Ito’y dahil napapabuti nito ang circulation ng iyong dugo habang pinapalakas naman ang ating puso

Halimbawa, ang paglalakad sa loob ng 30 minuto araw-araw ay maaari mong gawin upang palakasin ang iyong puso at makaiwas sa anumang karamdaman dito.

Kailangan mong tandaan na hindi kinakailangang maging magastos o mahirap ang iyong pag-eehersisyo. Ang pag-uumpisa sa simpleng activities na kayang gawin araw-araw ay magandang simula para sa maayos na kalusugan. 

Pagkakaroon nang Sapat na Pahinga at Tulog

Pagkakaroon nang Sapat na Pahinga at Tulog

Ang kakulangan sa tulog ay isa sa mga rason kung bakit tumataas ang blood pressure ng isang tao, inaatake sa puso, at iba pang mga heart problems. Kaya naman importanteng bigyan mo ng halaga ang oras ng iyong tulog at pahinga. Para sa mga matatanda, kinakailangan nila ng pito hanggang siyam na oras na tulog tuwing gabi. 

Kapag ito’y iyong nagawa, nagbibigay-daan ito sa iyong katawan na mag-repaid at mag-regenerate. Subukan mo ang mga relaxation techniques tulad ng meditation o deep breathing exercises bago matulog para maging mabuti ang iyong pagtulog.

Alamin at sundin mo ang iyong sleep pattern dahil makakatulong din ito para maalagaan ang iyog puso. Ito’y nagdudulot nang pagkaiwas sa kirot sa puso at mapanatili ang magandang kalusugan nito. 

Pag-iwas sa Paninigarilyo

Ang mga chemicals na nasa sigarilyo tulad ng nicotine at carbon monoxide ay nagdudulot ng high blood pressure, pamamaga ng mga arteries, at pagtaas ng blood cholesterol. Kapag ito’y tumagal, sumisikip ang mga ugat sa puso, kung saan nabubuo ang atherosclerosis at iba pang mga kondisyon sa puso.

Sa kabila nito, may mga paraan naman para maalis ang kirot sa puso sa pamamagitan ng pag-iwas sa paninigarilyo. Ang mga taong tumigil na rito ay magkakaroon ng low blood pressure, malinis na mga ugat, at mababang tyansang magkaroon ng sakit sa puso.  

Limitahan ang Pag-inom ng Alak

Ang labis na pag-inom ng alak ay p’wedeng maging sanhi ng hypertension o alta presyon, na delikado sa ating puso at iba pang bahagi ng katawan. Ito’y dahil tumataas ang triglycerides at cholesterol sa dugo, na may negatibong epekto sa cardiovascular system.

Kaya naman, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at bagong lifestyle para makaiwas sa alak. Tignan mo ang mga bagay na nakakapagpa-trigger sa ‘yong uminom ng alak at iwasan mo ang mga ito.

Nakakatulong ang suporta ng mga kaibigan, pamilya, o professional healthcare adviser para maging matagumpay ang pag-iwas sa sobrang pag-inom ng alak. 

Regular na Pagbisita sa Doktor

Regular na Pagbisita sa Doktor

May mga Pilipinong hindi kumokonsulta sa doktor sa kadahilanang ito’y magastos. Ngunit, maraming public clinic centers na nagpo-provide ng libreng consultation. Hindi dapat binabalewala ang kirot sa puso, lalo na at p’wede itong humantong sa mas seryosong kondisyon. 

Key Takeaway

Mahalaga ang pangangalaga sa puso upang maiwasan ang kirot at iba pang mga komplikasyon sa kalusugan. Sa pamamagitan ng mga natural na paraan para maibsan ang kirot sa puso, maaari nating mapanatili ang maayos na kalusugan ng ating cardiovascular system.

Para sa gamot sa kirot sa puso at iba pang mga over-the counter na solusyon sa problema sa ating kalusugan, pumunta na sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy o bisitahin kami online.

Piliin ang The Generics Pharmacy—ang iyong kasangga sa abot-kaya at dekalidad na pangangalaga sa kalusugan.

Related Products

Related Blogs

Search on blog