Paano Malalaman kung Ikaw ay May Sakit sa Puso?

Paano mo malalaman kung ikaw ay may sakit sa puso?

  1. Paninikip o pananakit ng dibdib
  2. Mabilis na pagkapagod
  3. Hirap sa paghinga
  4. Heart palpitations
  5. Pamamaga ng mga paa, bukung-bukong, o binti

Overview

  • Mahalaga ang agarang pagkilala sa sintomas ng sakit sa puso upang agad na makakuha ng medical solution.
  • Ang pananakit ng dibdib, mabilis na pagkapagod, hirap sa paghinga, at heart palpitations ay iilang sintomas ng sakit sa puso na hindi dapat balewalain.
  • Ang pamamaga ng mga paa, bukung-bukong, o binti ay maaaring senyales din ng problema sa puso at mahalagang magpakonsulta sa doktor para sa tamang gamot.

Nanguna ulit sa listahan ng mga pangunahing pumapatay sa mga Pilipino ang sakit sa puso noong 2023. Ito ay isang nakakabahalang kondisyon. Kaya naman sa oras na ikaw ay magkaroon nito, mahalagang malaman mo agad ang sanhi nito upang malunasan mo ito.

Sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang mga paraan kung paano malalaman kung ikaw ay may sakit sa puso. Sa kabila nito, iyong tandaan na ang mga babanggitin namin ay gabay lamang at hindi dapat mag-self-diagnose at uminom ng gamot na hindi nireseta ng iyong doktor.

Ugaliin pa ring magpakonsulta para sa mas ligtas at epektibong paggaling.

Paninikip o Pananakit ng Dibdib

Ang paninikip o pananakit ng dibdib, na kilala rin bilang angina, ay isang karaniwang sintomas ng sakit sa puso. Ilan sa mga pangunahing sanhi nito ay ang Coronary Artery Disease (CAD), kung saan ang mga coronary arteries ay nagiging makitid o barado dahil sa pagbuo ng plaque. Ito ay nagiging dahilan nang kakulangan ng blood supply at oxygen sa heart muscle.

Maliban sa CAD, maaaring sanhi rin ito ng ischemia, kung saan hindi nakakakuha ng sapat na blood supply ang isang bahagi ng puso. Isama na rin dito ang coronary artery spasm na nagiging dahilan para sumisikip ang mga arteries.

Bukod dito, maaaring sanhi ng angina ang cardiomyopathy. Ito ay isang sakit sa heart muscle na nagdudulot ng pagkapal o pagnipis ng heart wall, na nagpapahirap sa pusong mag-pump ng dugo.

Mabilis na Pagkapagod

Mabilis na pagkapagod

Ang hindi maipaliwanag na pagkapagod o pagkahapo ay isa ring senyales. Makakaramdam ka nang matinding pagod kahit sa simpleng gawain na dati ay madali lang naman sa iyong gawin. 

Ang ilang posibleng sanhi nito ay heart failure, kung saan ang panghihina ng iyong puso na mag-pump ng dugo ay nagdudulot ng kakulangan ng oxygen at nutrients sa mga tissues at muscles ng iyong katawan.

Sa kabilang banda, ito rin ay p’wedeng sanhi ng CAD at arrhythmias, na nagdudulot ng irregular blood flow. Ang mabilis na pagkapagod ay isang senyales na kailangan mo nang agarang medical attention upang masuri at magamot nang maaga ang posibleng sakit sa puso.

Hirap sa Paghinga

Kapag ang puso ay may problema, ang blood flow ay maaaring mabawasan, na nagdudulot ng kakulangan ng oxygen sa mga heart muscles. Ito ay nagiging sanhi ng paninikip o pananakit sa dibdib, at maaaring kumalat sa iba't ibang bahagi ng katawan tulad ng balikat, braso, likod, leeg, o panga. 

Kumonsulta ka agad sa isang doktor kung nakakaranas ka nito. Ang mga sintomas na ito ay maaaring maging senyales ng serious heart condition o sa iyong overall health. 

Gawin mo ang mga sumusunod para mapagaan ang iyong paghinga:

  • Magpahinga nang maayos.
  • Uminom ng sapat na tubig.
  • Iwasan ang mga bagay na nagpapahirap sa iyong paghinga tulad ng alikabok, usok, o allergies.
  • Subukan ang mga relaxation techniques gaya ng deep breathing exercises.
  • Sundin ang tamang nutrition at regular exercise.

Heart Palpitations

Heart palpitations

Kung ikaw ay may heart palpitations o pakiramdam na bumibilis ang tibok ng iyong puso, magpakonsulta ka agad sa isang doktor upang ma-evaluate ang iyong kalagayan. 

Para sa temporary relief bago ka lumapit sa doktor, p’wede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Huminga nang malalim at mag-relax para maibsan ang stress at anxieties.
  • Uminom ng maligamgam na tubig o herbal tea.
  • Magpahinga at iwasang mapagod.
  • Iwasan ang caffeine, tobacco, at alcohol.
  • Subukan ang relaxation techniques tulad ng meditation o yoga.

Pamamaga ng Mga Paa, Bukung-Bukong, o Binti

Ang pamamaga ng mga paa, bukung-bukong, o binti ay dulot ng naipong liquid sa mga bahaging ito. Dahil dito, hindi normal ang pag-andar ng blood circulation sa iyong katawan. Narito ang iba-ibang sanhi ng pamamaga ng mga ito:

Heart Failure

Ang heart failure ay nangyayari kapag hindi maayos ang pagpa-pump ng dugo. Dahil dito, ang dugo ay maaaring mag-accumulate sa mga bahagi ng katawan tulad ng mga paa, bukung-bukong, at binti.

Damaged Veins

Ang pinsala sa mga ugat, tulad ng pagkakaroon ng varicose veins o deep vein thrombosis (DVT), ay maaaring maging sanhi ng pamamaga. Ang hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa mga veins ay maaaring magresulta sa pag-ipon ng liquid at pamamaga.

Infection o Injury

Ang impeksyon o pinsala sa mga bahagi ng katawan tulad ng mga paa, bukung-bukong, o binti ay maaaring magdulot ng pamamaga bilang isang normal na reaksyon ng ating katawan.

Kung mayroon kang pamamaga sa mga parteng ito na hindi pa nawawala o patuloy na nagreresulta sa discomfort, mahalagang kumonsulta ka sa isang doktor upang masuri at mabigyan ng tamang paggamot ang iyong kalagayan.

Key Takeaway

Ang pagkakaroon ng mga sintomas na nabanggit ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Sa pagkakaroon ng sapat na pang-unawa sa kung paano malalaman kung ikaw ay may sakit sa puso, mas makakakuha ka ng tamang medical help at treatment.  

Ang regular na pagpapa-check-up, pagpapanatili ng healthy lifestyle, at pag-inom ng bago at epektibong gamot ay ilan din sa mga mahahalagang hakbang sa pangangalaga ng kalusugan ng puso. Para sa gamot na abot-kaya at dekalidad, dito ka na sa The Generics Pharmacy! Kami ang TGPagpagaling ng Pilipinas!

Related Blogs

Search on blog