Ano ang mga pagkain na dapat iwasan kapag umiinom ng gamot?
- Alak
- Saging at abokado
- Milk and other dairy products (keso, yogurt)
- Green Leafy Vegetables
- Grapefruit juice
Kung mayroon kang sakit o nanaramdaman, maaring may listahan ka ng mga gamot na dapat mong inumin araw-araw. Maliban sa pagsunod sa mga instructions ng doktor at pharmacists kung paano ito dapat inumin, mahalaga din na malaman mo ang mga pagkain na dapat iwasan kapag umiinom ng gamot. Tanungin ang iyong doktor o pharmacist tungkol dito para masigurado na magiging epektibo ang iyong mga iniinom na gamot. Para mabigyan ka ng ideya sa mga pagkaing ito, ituloy ang pagbabasa!
Alak
Kung umiinom ka ng kahit anong medication, mainam na itigil na muna ang pag-inom ng alak. Maaari nitong bawasan o tanggalin ang epekto ng gamot sa iyong sakit o palalain ang mga side effects nito. Halimbawa, kung ang gamot na ininom mo ay nakakaantok, mas magreresulta ito ng pagkaantok kung iinom ka ng alak dahil pareho ang epekto nito. Kung ikaw ay nagddrive, tumatawid sa daan, o umaakyat ng hagdanan ay maaari itong humantong sa aksidente.
May mga gamot naman na maaari kang magoverdose, sumakit ang tiyan, mahilo, at magsuka kung ihahalo sa alak. Pwede din masira ang iyong liver, mahirapan ka huminga, o magkaroon ng internal bleeding.
Saging at Abokado
Kung may sakit ka na hypertension o high blood pressure, maaaring pamilyar ka sa ACE-inhibitors katulad ng enalapril at captopril. Ang ACE-inhibitors naman ay magpaparelax ng iyong mga ugat para sa parehong epekto.
Ang saging ay mataas sa potassium. Masama ang epekto nito sa katawan kapag hinalo sa mga gamot sa high-blood dahil maaari nitong palalain ang pagtibok ng puso. Bukod rito ay maari itong magresulta sa pagtaas ng potassium sa dugo na maaring humantong sa cardiac arrest. Ang iba pang pagkain na mayaman sa potassium ay ang orange, spinach, brocolli, mushrooms, at pipino.
Milk and Other Dairy Products (Keso, Yogurt)
Ang gatas ay isang healthy food na mayaman sa calcium. Natutulungan nito palakasin ang ating buto at ngipin. Subalit maaari nitong maapektuhan ang ibang klase ng mga gamot katulad ng antibiotics at ang halimbawa nito ay ang amoxicillin, tetracycline, ciprofloxacin, at norfloxacin dahil maaring mawalan ng bisa ang mga nasabing gamot.
Iwasan din ito kung umiinom ka ng mga gamot na para sa osteoporosis.
Leafy Vegetables
Ang mga gulay tulad ng spinach, kale, at brocolli ay madalas na makikita sa mga green salads na nirerekomenda para sa mga nagdidiet. Pero kung umiinom ka ng blood-thinner medications halimbawa ay warfarin at aspirin maaaring makasama ang sobrang pagkain nito sayo.
Ang mga blood thinner ay madalas na nirereseta para mabawasan ang pamumuo ng dugo sa ugat na maaaring humantong sa stroke o atake sa puso. Binibigay ito sa mga taong may problema sa puso.
Ang leafy vegetables na mataas sa vitamin K ay salungat sa magiging epekto ng mga blood thinners. Pinopromote nito ang maglapot ng dugo sa iyong ugat. Sa isang healthy na tao, mainam ito lalo na kung may sugat dahil mapipigilan nito ang sobrang pagdudugo. Kung madalas kang kumakain nito bago ka naresetahan ng gamot, sabihin ito sa iyong doktor.
Grapefruit Juice
Ito ay isa sa mga karaniwang inumin na mabibili sa grocery na mayaman sa Vitamin C, potassium, antioxidants, and fiber. Ngunit ito hindi maaring inumin kasabay ng gamot para sa pamababa ng cholesterol halimbawa ay simvastatin at atorvastatin dahil maaari nyang pataasin ang level ng gamot sa katawan at magresulta ng panghihina ng mga kasu-kasuaan. Bukod sa grapefruit juice, hindi rin maaring isabay dito ang pomelo juice and mga katulad nito.
Key Takeaway
Ang alcohol, saging at abokado, milk and other dairy products, leafy vegetables, at grapefruit juice ay ilan lamang sa mga pagkain na dapat iwasan kapag umiinom ng gamot.
Ang alcohol ay maaaring makabawas sa epekto ng gamot para sa iyong sakit o palalaain ang side effects tulad ng drowsiness, sakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka. Ang saging naman at ibang pagkain na mataas sa potassium ay makakaapekto sa mga gamot sa high-blood tulad ng ACE-inhibitors.
Ang gatas ay dapat iwasan kapag niresetahan ka ng antibiotics tulad ng tetracycline, ciprofloxacin, at norfloxacin. At panghuli, ang vitamin K rich foods tulad ng leafy vegetables ay maaring makasama sa mga umiinom ng blood thinners.
Mainam na itanong sa doktor o pharmacist ang mga pagkain na dapat iwasan kapag umiinom ng gamot. Ito ay para siguraduhin na magiging epektibo ito at maiwasan mo ang mga side effects. Kung kailangan mo ng mura at dekalidad ng gamot, pumunta na sa mga TGP branches nationwide!