Ano ang mga dahilan kung bakit parang may tumutusok sa aking dibdib?
- Muscle strain o sprain
- Sakit sa puso
- Gastroesophageal reflux disease
- Musculoskeletal issues
- Respiratory issues
Overview
- Mahalagang bigyan ng pansin ang iyong sakit sa dibdib, maaari itong sanhi ng iba't-ibang kondisyon tulad ng muscle strain, sakit sa puso, GERD, Musculoskeletal Issues, at Respiratory Issues.
- Para maibsan ang sakit, mahalaga ang tamang pahinga, massage para sa muscle tension, maayos na lifestyle, at pag-inom ng tamang gamot tulad ng Atenolol Tab o ASPEN Aspirin Tab.
Nararamdaman mo ba na parang may tumutusok sa iyong dibdib? Ang sakit na ito ay p’wedeng maiugnay sa heart disease. Ayon sa report ng PSA, ang sakit sa puso ay nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas noong 2023—kung saan mayroong 85,192 na report na kaso nito.
Dahil diyan, dapat mong pagtuunan nang pansin ang mga sintomas nito. Ang pagkakaroon ng sapat na kaaalaman tungkol dito ay mahalaga.
Muscle Strain o Sprain
Ang muscle strain o sprain ay madalas na nararamdaman ng mga taong palaging nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, naglalaro ng sports, o pumupunta sa gym para mag-exercise. Ang pamamaga, pananakit, at pagtaas ng tension sa chest muscles ay ilan lamang sa mga sakit na dala nito.
Kapag hindi ito naagapan, maaapektuhan nito ang paggalaw ng iyong mga braso at balikat. Bukod dito, mahihirapan kang huminga o magkakaroon nang matinding pananakit ng dibdib.
Sakit sa Puso
Ang sakit sa puso o cardiovascular disease ay isang kondisyon na nakakaapekto sa puso at mga blood vessels. Nagdudulot ito ng iba’t-ibang mga sintomas, tulad ng hirap sa paghinga, sakit sa dibdib, at pagkapagod.
Ito rin ay p’wedeng magdulot ng iba’t-ibang karamdaman. Narito ang ilan sa mga uri ng sakit na ito:
- Coronary Artery Disease: Ito ay ang pagbara ng mga arteries na nagdadala ng dugo sa puso at maaaring magdulot ng sakit sa dibdib (angina) o paminsan-minsang pamamaga.
- Heart Attack: Ito ay nangyayari kapag ang blood supply ng puso ay biglang nawalan ng daloy. Madalas ito ay dahil sa pagbara ng artery na nagbibigay ng dugo.
- Heart Failure: Ito naman ay kapag ang puso ay hindi nagpa-pump nang sapat na dugo na kailangan ng ating katawan. Dahil dito, nagdudulot ito ng hirap sa paghinga, pagkapagod, at pamamaga ng mga paa at binti.
- Arrhythmia: Ito ay ang hindi karaniwang ritmo ng puso, kung saan bumibilis ang tibok ng ating puso o kaya naman ay mabagal ito kaysa sa normal.
Ilan rin sa mga posibleng sanhi ng mga sakit na ito ay ang hindi maayos na lifestyle, labis na stress, mataas na blood pressure, hindi malusog na pagkain, overweight, at diabetes.
Gastroesophageal Reflux Disease
Ang GERD o Gastroesophageal Reflux Disease ay isang sakit kung saan ang asido mula sa iyong tiyan ay umaakyat pabalik sa iyong esophagus.
Madalas itong nararamdaman pagkatapos mong kumain o kapag nakahiga ka na. Minsan, may kasama rin itong ubo o hirap sa paghinga, lalo na sa gabi. Ilan sa mga maaaring sanhi nito ay ang pagkawala ng kakayahan ng tiyan na pigilan ang asido na umakyat pabalik, o kaya'y dahil sa sobrang pagkain o taba sa tiyan.
Kapag nakakaranas ka nito, mahalaga ang pagbabago sa iyong lifestyle at pag-iwas sa mga pagkain na maaaring mag-trigger nito kagaya ng fast foods, mga pritong pagkain, chocolates, at iba pang mga processed food.
Musculoskeletal Issues
Ang musculoskeletal issues ay tumutukoy sa mga problema o kondisyong may kinalaman sa ating musculoskeletal system. Mayroong iba’t-ibang uri ng sakit na nabibilang dito:
- Bursitis: Ang bursitis ay ang pamamaga ng bursa, isang maliit na sac na nagbibigay ng proteksyon sa mga joints tulad ng balikat, siko, o tuhod. Maaaring sanhi ito nang sobrang paggalaw, mataas na timbang, o mga aksidente.
- Osteoarthritis: Ito ay isang uri ng arthritis na nagiging sanhi ng pagkasira ng cartilage sa mga joints. Karaniwang nagiging sanhi ito nang pagtanda, sobrang paggamit ng mga joints, o mga injuries.
- Herniated Disk: Ang herniated disk ay nangyayari kapag ang isang bahagi ng spinal disk ay pumipisil sa mga nerves sa spinal cord. Madalas itong nararanasan kapag ang isang tao ay tumatanda o injury sa sobrang pagbubuhat.
Respiratory Issues
Ang respiratory issues, tulad ng bronchitis, asthma, pleurisy, at pneumonia, ay mga kondisyon na may kaugnayan sa paghinga o respiratory system. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng iba't-ibang sintomas tulad ng ubo, hirap sa paghinga, kirot sa dibdib, at pagkapagod.
Ang mga pangunahing dahilan ay maaaring mga impeksyon tulad ng mga virus o bacteria, genetic factors, air pollution, at iba pang mga allergies. Upang maiwasan, mahalaga ang pag-iwas sa mga bagay na nakaka-trigger dito, tulad ng alikabok at polusyon, pagpapanatili ng malusog na lifestyle—kagaya ng regular na pag-eehersisyo at pagkain ng may wastong nutrisyon.
Paano Maibsan ang Sakit sa Dibdib?
Ang sakit sa dibdib ay isang nakakabahalang problema na kailangan agad solusyonan. Isa sa mga hakbang na p’wede mong subukan ay ang pagsigurong mayroon kang sapat na pahinga at may oras ka para mai-relax ang iyong mga muscles at joints.
Maaari ring mag-apply ng cold compress sa bahagi ng dibdib kung saan ka nakakaranas nang matinding sakit, o kaya ang pag-inom ng mga mabisang prescribed pain relievers tulad ng Aspirin tablet. Ito ay may anti-inflammatory at blood-thinning na nakakatulong sa pagbawas ng panganib ng blood clots—na p’wedeng magdulot ng sakit sa puso o stroke.
Key Takeaway
Ang anumang sakit ay hindi dapat ipinagsasawalang-bahala. Sa pamamagitan ng pag-alam ng mga dahilan kung bakit parang may tumutusok sa dibdib, maaari mong maibsan ang nararamdaman para hindi na ito lumala pa.
Para sa agarang solusyon sa sakit sa dibdib, mahalaga ang pagbisita sa doktor at uminom ng gamot na dekalidad, bago, at epektibo. Para sa sakit sa dibdib at iba pang karamdaman, pumunta na sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy o bisitahin kami online. Gawing prayoridad ang iyong kalusugan, piliin ang TGP, ang TGPag pagaling ng Pilipinas!