Ano-ano ang mga sanhi nang pananakit ng dibdib?
- Sakit sa puso o cardiovascular issues
- Muscle strain o injury
- Gastroesophageal reflux disease
- Stress at anxiety
- Respiratory issues
Overview
- Ang sakit sa puso o cardiovascular issues ay maaaring magdulot ng pananakit sa dibdib. Ito ay sanhi ng mga problema sa daloy ng dugo o presyon ng dugo tulad ng angina.
- Ang muscle strain o injury maaaring mangyari dahil sa sobrang ehersisyo, pag-angat ng mabibigat na bagay, o mga sugat sa kalamnan ng dibdib.
- Isa rin ang GERD sa mga kondisyon kung saan ang acidic na laman ng tiyan ay umaakyat pabalik sa esophagus, na maaaring magdulot ng pananakit sa dibdib.
- Ang mga respiratory issues tulad ng bronchitis at pneumonia ay maaaring magdulot ng pananakit sa dibdib dahil sa pagsasara ng mga daanan sa paghinga at pagtaas ng presyon sa lung area.
Ang pananakit ng dibdib ay maaaring hudyat ng mas malalang karamdaman. Kapag ito’y hindi mo agad nasolusyunan, ito’y magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa iyong kalusugan.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga posibleng sanhi ng pananakit ng dibdib, kasama ang mga hakbang na p’wede mong gawin upang maibsan ang sakit na dala nito. Mahalaga ring bantayan ang iyong kalusugan at agad na kumonsulta sa doktor upang maiwasan ang anumang komplikasyon.
Sakit sa Puso o Cardiovascular Issues
Ang sakit sa puso o cardiovascular issues ay dulot ng pananakit ng dibdib. Ito’y madalas na nangyayari kung ang isang tao ay may problema sa kanilang cardiovascular system, tulad ng pagbara ng mga ugat na daluyan ng dugo, pagkakaroon ng hypertension, o coronary artery disease. Ang mga ito’y nagiging sanhi para maantala ang pagdaloy ng dugo patungo sa iyong puso. Bilang resulta, nagbibigay ito ng sakit o discomfort sa ating dibdib na mas kilala sa tawag na angina.
Mahalagang tandaan na ang sakit na ito’y maaaring sintomas din ng iba pang mga kondisyon, gaya ng acid reflux, muscle strain, o anxiety.
Muscle Strain o Injury
Ang muscle strain o injury naman ay nangyayari dahil sa sobra-sobrang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, labis na pag-eehersisyo, o sa mga sugat na nakuha dahil sa paglalaro ng mga sports tulad ng volleyball at basketball.
Ang ganitong kondisyon ay nagdudulot ng hirap sa paghinga dahil sa tension sa dibdib, na maaaring magresulta sa sakit.
Kaya naman limitahan o iwasan mong igalaw ang parte ng katawan mong may injury para ito’y maghilom at gumaling. P’wede kang gumamit ng bandage o wrap para i-compress ang apektadong lugar. Ito’y makakatulong sa pagbawas ng pamamaga, ngunit tiyakin mong hindi ito masyadong mahigpit para hindi maapektuhan ang blood circulation.
Gastroesophageal Reflux Disease
Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay isang kondisyon kung saan ang acid sa ating sikmura ay umaakyat papuntang esophagus, na maaaring magdulot ng pagsakit at pamamaga ng dibdib.
Ang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng malfunction sa lower esophageal sphincter dahil sa malalansang pagkain, sobrang pag-inom ng alak, pagkain nang marami, at sa paninigarilyo.
Stress at Anxiety
Ang stress at anxiety ay nagbibigay din ng pananakit sa ating dibdib dahil pinapataas nito ang stress hormones tulad ng cortisol at adrenaline. Ang mga ito’y nagdudulot ng high blood pressure o pagsikip ng mga ugat sa puso.
Kung hindi ito agad matutugunan, maaari itong magdulot ng mga pangmatagalang problema gaya ng sakit sa puso, hypertension, at iba pang problema sa puso. Bukod dito, ang mga ito’y nagdudulot din ng iba pang uri ng pananakit sa dibdib—kasama na ang tension-related chest pain, muscle tightness, at somatic symptoms ng stress at anxiety tulad ng headache at kahirapan sa paghinga.
Respiratory Issues
Ang bronchitis at pneumonia ay ilan lamang sa mga respiratory issues na nakakaapekto sa ating dibdib. Sinasara nito ang air passages, na nagiging rason ng labored breathing o pagtaas ng pressure sa lung area. Ito’y nagbibigay ng discomfort sa pakiramdam dahil masakit umubo, huminga nang malalim, at namimigat ang dibdib.
Kaya naman kung ikaw ay mayroon nito at sumasakit ang iyong dibdib, mahalagang magpakonsulta ka sa isang doktor para mabigyan ka ng angkop na gamot at treatment. Sila’y makakatulong para masuri ka nang maayos base sa iyong kondisyon.
Key Takeaway
Ang pananakit ng dibdib ay isang karamdamang hindi dapat ipagsawalang-bahala. Sa pagtuklas ng mga sanhi ng pananakit ng dibdib at pagtugon dito, maaari mong mailigtas ang iyong sarili sa mas malala pang karamdaman.
Kung ikaw ay may iniindang sakit, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor o ibang healthcare professional, at pumunta sa pinakamalapit na The Generics Pharmacy. Bisitahin kami online.