Mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon, nakapaghatid ng libreng serbisyong medikal ang TGP sa inilunsad na programang TGPagpagaling Caravan Medical Mission.
Sa pakikipagtulungan ng LGUs, katuwang ang mga empleyado, volunteers, at medical professionals, ang Team TGPagpagaling ay nakapamahagi ng free on-site medical consultation, libreng gamot at medical supplies, at basic laboratory tests sa mahigit 600 na mga TGPagtangkilik sa Pampanga, Tarlac, and Oriental Mindoro.
“This free medical mission is aligned with TGP’s purpose of helping every Juan have access to affordable healthcare. We are proud to live up to our name as the ‘TGPagpagaling ng Pilipinas’ as we serve Filipinos thru our community programs and our more than 2,000 branches across the country” ayon kay Christine Tueres, Group General Manager ng RRHI drugstore segment.
"We are hoping to have a wider reach with our medical missions as these times have made us more aware that good health should be the top priority of every Filipino,” ani Joanne Dawn Seno, General Manager ng TGP.
Sa kasulukuyan, ang TGP ay mayroon nang mahigit 2,000 stores nationwide, kaya’t saan mang sulok ng bansa, may mapagkakatiwalang TGPagbigay ng dekalidad at abot-kayang gamot at serbisyo.
TGP…ang TGPagpagaling ng Pilipinas!